Chapter 5

223 21 5
                                    

“Ha?” gulat na tanong sa kaniya ni Kuya Marlon at hinarap siya habang kumakain ito ng tanghalian. Naiwan pa sa ere ang hawak nitong kutsara at bahagyang nakanganga ang bibig nito.

Gano’n ba talaga nakagugulat ang tanong niya?

Okay, out of the blue moon din naman kasi. Bigla ba naman siyang nagtanong ng ganoon kahit masasarap na pagkain ang pinag-uusapan nila ni Kuya Marlon.

Hindi lang kasi mapanatag ang utak niya. Lalo na nang makita niyang lasing ang binata at sumigaw pa ito ng gano’n. Malaki lang siguro talaga ang problema ng lalaki at nagawa pang magpakitang lasing sa Baranggay Hall.

Kahit sino naman na may problema, minsan ay nawawala sa sarili. Kaya hindi maalis sa utak niya ang nangyari.

Hinawakan niya ang baso niya at nilagok ang laman niyon habang humihiling na sana ay hindi mag-isip ng ibang dahilan itong kaharap niya. Baka iba ang pagkaintindi nito sa tanong niya.

Nagsiuwian na ang mga bata pagkatapos matapos ang klase niya sa umagang iyon kaya si Kuya Marlon na naman ang kasama niya. Kumindat ito sa kaniya at sinamahan ng ngiti. Umiwas siya ng tingin sa lalaki.

“Wala lang po, curious lang,” pagdadahilan niya.

Sabagay, totoo namang curious siya. Bakit? Mali bang maging curious sa kasamahan sa trabaho? Wala namang ibang meaning no’n eh. Gusto lang talaga niyang malaman.

Ngumiti ito at itinaas-baba pa ang kilay. “Aba, mukhang may naaamoy ako. Baka ibang curious na ‘yan. Magsabi ka lang, tutulungan kita. Medyo close kami niyan ni Rafael. Madali lang iyang kausap.”

Nakitawa na lang din siya kahit gusto niyang sapakin ang kaharap. Mag-isip ba naman ng ganoon, ni hindi nga iyan pumasok sa isip niya. “Hay nako, kung ano-ano na naman ‘yang naiisip mo, Kuya. Curious lang po talaga ako, okay? Walang ibang meaning. Kayo po talaga, nag-iisip agad ng ganiyan.”

“Asus,” anito at humagikhik. Sumubo muna ito bago siya muling hinarap. “Ganiyan din ako no’ng una kong nakita ang Ate Mia mo. Ang ganda kasi nito noong suot nito ang isang mahabang puting saya at may rosas pa sa may bandang tainga. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko, palagi akong nagtatanong tungkol sa kaniya. Minsan nga tinanong ko na mismo ang Mama ng Ate Mia mo. Mabuti na lang talaga, tanggap ako ng Mama niya kahit ganito lang ako.

“Pero mabalik tayo sa tanong mo, anong mayroon kay Rafael?” Hinawakan nito ang nguso at kunwari ay nag-isip. “Maliban sa mabait ang batang ‘yan ay wala na akong ibang masabi. Magaling din ‘yang guro gaya nang palagi kong naririnig na chismis at hinahangaan din si Rafael sa paraalan na pinapasukan niya. Iyon nga lang, hindi mabait ang mga taong nakapalibot sa kaniya.”

Nilingon na naman niya si Kuya Marlon nang hindi na nito tinuloy ang kuwento. Mukha kasing mas mahaba pa ang ginawa nitong kuwento tungkol sa asawa nito kumpara sa buhay ni Rafael.

Naubos na pala ang kinakain nito kaya tumayo na ito upang hugasan ang platong ginamit.

“What do you mean, Kuya?” tanong niya. Ayaw pa naman niyang nabibitin kapag kuwento ang pinag-uusapan.

“Give me coins to unlock the next chapter.”


MAAGA natapos ang klase niya sa mga bata. Pero nang tingnan niya ang kabilang classroom ay patuloy pa rin sa pagtuturo ang kasama niyang guro. Mabuti naman at pumasok na, akala pa naman niya ay hindi na naman ito papasok. Mas matino na ito kumpara kahapon na sigaw nang sigaw dahil hindi ito ang pinili.

Naisip niya na mas matino pa pala siya noong siya ang iniwan, hindi niya nagawang sumigaw at nagtanong kung bakit siya iniwan. Hindi rin naman siya pinili pero hindi siya sumigaw. May kunting hiya pa rin naman siyang itinira sa sarili.

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon