Chapter 15

136 17 0
                                    

Pinatay ni Ella Jane ang music sa kaniyang cellphone at hinablot ang earphone sa kaniyang tainga. Alas dose ng tanghali ay binalak niyang matulog na lang muna at alisin sa utak ang mga problema niya sa buhay. Isama na rin ang lalaking gusto siyang paglaruan.

Buwesit na lalaking ‘yon, aniya sa isip at pumikit na lang. Kapag naiisip niya talagang gusto lang nitong maglaro ay umiinit ang ulo niya. Nakulangan yata ito sa Physical Education noong nasa High School palang ito hanggang College. Kaya gustong makipaglaro sa kaniya.

“Bakit ba kasi gusto niyang maglaro?” aniya at muli na namang nagdilat tapos sinapo pa ang noo. “Bakit ako pa ang paglalaruan? Hindi naman ako mukhang barbie doll.”

“Hindi nga, mukha ka kasing doll na tinutusok sa karayom. Alam mo ba ‘yon?”

Kung totoo ‘yong feeling na parang gusto na lang niyang kainin ng lupa, iyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi sa nahihiya siya pero gusto na lang niyang kainin siya ng lupa para maiwasan ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob. Hanggang pagdiin sa labi na lang ang kaniyang nagawa.

Palihim niyang kinuha sa bulsa ang ballpen na nabili niya kanina. May takip pa iyon at hindi pa talaga niya nagagamit. Kahit medyo may kamahalan iyon ay hindi siya manghihinayang na itusok ang ballpen sa tagiliran ng lalaking sinabihan siyang mukhang doll ng mangkukulam.

Doll pala na tinutusok sa karayom ha? Ikaw ang tutusukin ko ngayon!

Nang mahawakan na niya ang ballpen ay buong lakas niyang tinapon iyon sa lalaki. Ni hindi siya sigurado kung saang parte tumama iyon kay Rafael.

“Ikaw naman mukhang mangkukulam!”

Ang pagtawa lang ni Rafael ang narinig niya. Pinalitan ng tawa ni Rafael ang music na pinatay niya kanina. Pumailanlang iyon at kahit ayaw niyang takpan ang tainga ay wala siyang ibang nagawa kun’di ang pagtakip sa tainga para ipakita sa lalaki na ayaw niyang marinig ang pagtawa nito.

“Ako ang magkukulam pero ikaw ang tutusukin ko.”

Umayos siya ng upo at sinugod ng hampas si Rafael. Buwesit! Iba tuloy ang pagtusok na naiisip niya!

Pinagmasdan lang niya ang bawat pagtaas-baba ng balikat ni Rafael habang tumatawa. Gustong-gusto yata ng lalaki na ginagalit siya. Gustong-gusto yata nito na palaging magkasalubong ang mga kilay niya. Pero sabagay, hindi na rin siya lugi kung ito ang tutusok sa kaniya.

Muli pumikit nang mariin. Kailangan na niya yata ng holy water, hindi na maganda ang tumatakbo sa utak niya.

“Puwede ba,” aniya pagkatapos huminga nang malalim. “Umalis ka muna dahil nagpapahinga ako. Hindi ka pa yata nakakain ng tanghalian eh. Walang pagkain dito.”

“Hindi ka ba puwedeng kainin?”

“Aba’y bastos ka—”

“I mean, hindi mo ba ako puwedeng bigyan ng pagkain? Madulas yata ang bibig ko eh.” Muli na namang tumawa si Rafael.

Ah, madulas pala talaga.

Hindi niya napigilan ang pag-ikot ng mga mata niya. Dila yata nito ang masarap putulin, maliban sa baba nitong masarap din putulin gamit ang nail cutter. Pero dahil mabait siya, gunting na lang na nasa mesa niya ang gagamitin niya. Kapag nakatiyempo talaga siya, puputulin na niya.

“Umalis ka na sabi!”

“Bakit ba ang init ng ulo mo?”

Ulo ko lang ba ang mainit ha? How about ‘yong ulo mo sa baba?

Hindi na talaga maganda ang takbo ng utak niya.

“Ayokong makipaglaro, Rafael!”

“Gustong-gusto ko talaga na binabanggit mo ang pangalan ko. Nag-iinit ako.”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Ewan kung mali lang ba ang pagkaintindi niya o baka iyon talaga ang gusto nitong sabihin. Sasagot na sana siya pero pinili na lang niyang tumahimik. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan nila ni Rafael.

Lumapit ang lalaki sa mesa niya at itinukod ang dalawang kamay sa kaniyang mesa. Nakipagtitigan pa ito sa kaniya na para bang hindi matalim ang mga titig na binigay niya rito. O baka sobrang mataas lang talaga ang confidence nito sa sarili.

Wala sa sariling kinuha niya ang bottled water niya na sa mesa at kinuha ang takip niyon. Kahit pa sobrang guwapo ng mukha ni Rafael pero bunga ng inis ay binuhos niya ang laman ng bottled water sa mukha ng lalaki.

“Titser! Titser! Uniform ko po! Uniform ko po!”

Napadilat siya nang wala sa oras nang may yumugyog sa kaniyang balikat. Naputol tuloy ang panaginip niya, gustong-gusto pa naman niyang hampasin sana ng bote ang mukha ni Rafael. Napasarap yata ang tulog niya, hindi lang basta masarap kun'di masarap na masarap. Nakita niya si Charmaine sa yinuyugyog ang kaniyang balikat.

“Titser! Titser! Uniform ko po!” pag-ulit na naman nito at itinuro ang school uniform nito. Hawak niya pala ang palda ng bata sa hindi niya malamang dahilan.

Agad niyang binitawan ang palda ng bata. Ano bang pumasok sa isip niya at hinawakan niya ang palda ni Charmaine habang tulog siya.

Biglang dumapo sa isipan niya ang kaniyang panaginip. Parang nag-flashback pa sa utak niya ang pagtawa ni Rafael at ang pagtawag nito sa kaniyang mukha siyang doll na tinutusok sa karayom.

Eh kung mata niya kaya ang tusukin ko. Marami akong karayom sa bahay, iba-iba pa ang size.

“Titser, galit ka po ba?”

Muli niyang hinarap ang bata at saka umiling. Hindi siya galit kun’di galit na galit talaga siya. Kapag nagkita sila ng Rafael na ‘yon, hindi lang ang pagtusok sa mata nito ang gagawin niya. Hahatiin pa niya ang bawat parte nito sa katawan para hindi na siya mahirapan kung paano ito ligawan.

Nagpaalam muna siya sa bata at lumabas ng classroom. Kailangan niyang kumain para mailabas niya rin ang sama ng loob niya. Kailangan niya ng part two sa lunch niya, bigla siyang nagutom nang makita niya sa kaniyang bangungot ang mukha ni Rafael. Hindi na ‘yon panaginip, bangungot na talaga. Pati mga balahibo niya sa singit ay nagsitayuan pa.

Nang nasa may pintuan na siya ay nakita niya si Rafael na nakasandig sa dingding ng kaniyang classroom. May hawak pa itong cellphone at may pinipindot doon. Napansin siguro ng binata na parang may tumitingin dito kaya dumapo ang tingin nito sa kaniya.

“Hi, ready ka na bang matalo sa deal?” tanong nito sa kaniya at kumindat pa.

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon