“Hindi ako hihingi ng pera, Lyn. Magpapaturo sana ako kung paano manligaw,” ani ni Ella Jane sa pinsan na nakabuka nang kaunti ang bibig.
Ilang segundo naghari ang katahimikan. Kahit siya ay hindi alam kung bakit niya naisipan iyon. Siguro kailangan na rin talaga niyang makipaglaro kay Rafael kung hindi ito papayag na tigilan na nila. Wala naman siyang ibang magagawa kung matigas talaga ang ulo ng lalaki.
Siguro matigas din ang pangalawang ulo niya, bulong niya.
Lihim siyang napatawa kasabay nang pagkagat niya sa ibabang labi niya. Minsan talaga madumi rin siya mag-isip. Kung saan-saan na rin napupunta ang isip niya.
Pero kahit gaano pa katigas ang ulo ni Rafael, mas matigas siya. Kung kaya nitong makipaglaro, kaya rin niya. Kung hindi talaga ito papayag, wala na siyang magagawa. Pero pipilitin niya na siya ang mananalo.
Hindi siya mahuhulog sa pangit na Rafael na ‘yon. Pangit na nga ang unang lalaki na nanloko sa kaniya, ayaw niyang maloko na naman ulit ng pangit.
Kailangan din mag-update ang katangahan ko.
Muli niyang hinarap si Reynalyn na nakataas na pala ang kilay nito. Hindi niya matukoy kung nagtataka ba ito o nilo-look down na ba siya. Pero hindi naman gano’n ang pinsan niya. Siguro, nagtataka lang talaga.
Kahit siya naman, nagtataka pero no choice.
“Ganiyan ka ba desperada para sa lalaking ‘yan?”
Desperada?
Siya? Desperada?
Oo, desperada siya na hindi umalis sa trabaho. Pero hindi siya desperada sa lalaking ‘yon.
“Hindi—”
“Oh, eh bakit ikaw pa talaga ang manliligaw?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kaniya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ka ba desperada tingnan niyan?”
Hindi niya naibuka ang bibig upang sagutin ang pinsan. Totoo naman na desperada na talaga siya pero hindi sa katulad ng iniisip nito. Wala naman siyang balak na seryosohin ang panliligaw pero kapag seryoso rin si Rafael sa kaniya, why not?
Huminga siya nang malalim at umiling. Kahit pa gaano kaseryoso ang lalaki, sa iyak din naman ang uwi. Walang lalaking marunong magseryoso. Walang lalaking marunong magmahal ng totoo. Sa dinami-dami ng nakita niyang naghihiwalay, may seryoso pa ba?
Wala! Sigaw ng utak niya.
Wala talaga.
“Hoy! Anong masama sa pagiging desparada kung mahal niya talaga?”
Sabay silang lumingon sa hagdanan kung saan bumababa ang isa sa pinsan niya, kapatid ni Reynalyn. Nag-aayos ito ng buhok habang bumababa at agad na kumaway sa kaniya nang makita siya.
“Anong masama?” sarkastik na tanong naman ni Reynalyn. “Haler!” Halos manlaki ang mata nito na tiningnan ang sarili nitong kapatid.
“Am I joke to you?” pabalik na tanong naman ng Ate nito. “So, masama ako dahil desperada akong makuha ang Kuya Jonathan mo? Eh, ako ang nanligaw diyan dahil malamig ang bunganga ng lalaking ‘yan.”
Hindi nakasagot ang pinsan niya hanggang sa makababa na lang ang Ate nito sa hagdan. Parang balewala lang dito ang lahat at nakuha pa nitong kumuha ng tinapay na dala nila at pa-sexy pa itong nag-de-kuwatro.
“Alam niyo,” ani nito kasabay ng pagsubo ng tinapay. “Wala namang masama kung balak ng babae na manligaw. Hindi ba kayo updated na 21st century na ngayon? Late ba ang mga calendar niyo?”
Nahuli niyang pinaikot ni Reynalyn ang mata. Nakuha niyang ngumiti kahit parang magsisimula na naman ang World War Three sa dalawang pinsan niya. Mula pa noong mga bata pa sila ay palaging magkasalungat ang dalawa. Minsan si Reynalyn mismo ang positive at ang kapatid naman nito ang negative. Hindi pa niya nakita ang dalawa na hindi nag-aaway.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Rafael
RomanceIsang one night stand ang nakapagbago sa buhay ni Ella Jane Vertudazo at hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa isang deal na inalok ni Rafael Sanrojo sa kaniya. Isang deal na nag-udyok sa kaniyang ligawan ang binata kahit alam naman niyang hind...