UMUWI si Ella Jane na naging artista. Daig pa niya ang nag-audition na bigla agad natanggap at hindi pa magawang i-acting ng tama ang lines nito. Pero sa sitwasiyon niya nang makauwi siya sa bahay nila ay siya na ang naging writer, siya pa ang artista.
Hindi niya alam kung effective ba ang pag-acting niya o uma-acting lang din ang Mama niya na niniwala sa mga sinasabi niya. Naalala niya tuloy ang mga pagsasadula niya noon sa High School, bagsak siya dahil ang pangit ng pag-acting niya.
Hinampas niya sa mukha ang hawak niyang unan. Patay na talaga siya, palpak pa naman siya sa ganito.
Isang oras na yata siya na nasa loob ng kuwarto. Mula nang nakauwi siya sa bahay ay hindi na siya lumabas. Ayaw niyang magsinungaling na naman na masama ang pakiramdam niya.
Kasalanan talaga ni Rafael ang lahat.
Pero kahit anong gawin niyang pagsisi sa binata ay hindi na naman nito mababago ang lahat. Ano pang silbi no’n? Isa pa, siguro nasarapan naman din naman siya sa ginawa nila. Patas lang silang dalawa. Anong pang ipinuputok ng butse niya?
Muli siyang napaungol habang hinahampas ang mukha niya gamit ang unan na hawak niya. Mabuti na lang, malambot ‘to. Talaga pang naisip pa niya iyon? Ni hindi nga niya matandaan nang maayos kung paano nila ginawa iyon ni Rafael. Sobra siguro talaga ang kalasingan niya. Gusto pa naman niya dati na dapat matandaan niya ang bawat detalye kapag first time niya.
Impit siyang napasigaw. Buwesit! Nasira pa tuloy ang first time niya. Nakakairita!
Nakarinig siya ng pagkatok kaya agad siyang nagtaklubong ng kumot. Ang hirap talagang um-acting. Bumukas ang pinto ng kaniyang kuwarto at pumailanlang ang mga yapak na papalapit sa kaniya.
Ang hirap pala talagang magtulog-tulogan lalo na kung gising na gising ang diwa. At ang mas lalong nahihirapan si Ella ay ang pagsisinungaling. Hindi talaga siya marunong no’n.
“Alam kong gising ka,” ani ng Mama niya at may inilapag sa maliit niyang mesa. Narinig pa niya ang pagtunog ng kubyertos. “Kung nagugutom ka, kumain ka na lang ha? Malapit na ang alas dose, baka malipasan ka.”
Idiniin niya ang mga labi upang hindi siya makalikha ng ingay. Kung puwede lang na hindi na rin siya huminga para wala talagang marinig na ingay ang Mama niya.
Nakaramdam tuloy siya ng konsensiya. Wala naman talaga siyang nararamdaman na sakit maliban sa ulo niyang parang hinahampas ng martilyo.
“Alam kong wala kang lagnat kaya hindi kita dinalhan ng gamot.”
Natigilan siya sa narinig. Alam ng Mama niya? Paano?
Pumikit na lang siya. Hindi pala talaga siya magaling umakting. Kakalimutan na lang niya ang mga hinanakit niya sa teacher niya noon na binagsak siya. Hindi pala talaga siya magaling.
“Maiintindihan naman kita, anak. Sabihin mo lang kung anong problema mo o kung nahihirapan ka na.” Narinig niya ang malalim nitong pagbuntonghininga. “Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ka nagsinungaling.”
Mabilis niyang inalis ang kumot sa katawan niya at tiningnan ang papalayong pigura ng kaniyang Mama. Bago pa nito nahawakan ang door knob ng pinto ay tinawag niya ito.
“Mama,” aniya sa mahina na boses. Halos pabulong na lang iyon kaya hindi siya sigurado na narinig ba iyon ng kaniyang Mama. Pero nang makitang huminto ito at dahan-dahan na tiningnan siya, alam niyang narinig pala nito ang pagtawag niya.
“Mama,” pagtawag niya ulit.
Nag-unahan sa pagtulo ang kaniyang luha. Uminit ang kaniyang mga mata at hindi na niya halos makita ang magandang mukha ng kaniyang Mama. Gusto niyang sabihin dito ang lahat niyang problema. Gusto niyang sabihin dito na naguguluhan siya. Gusto niyang sabihin dito na may nagawa siyang mali.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Rafael
RomantikIsang one night stand ang nakapagbago sa buhay ni Ella Jane Vertudazo at hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa isang deal na inalok ni Rafael Sanrojo sa kaniya. Isang deal na nag-udyok sa kaniyang ligawan ang binata kahit alam naman niyang hind...