Epilogo

350 21 2
                                    

6 years later

“That’s mine! Give it back to me!”

Agad na napalingon si Ella Jane nang marinig ang boses ng kaniyang anak na parang may kaaway na naman. May hawak na isang color pencil ang kaniyang anak at nagdadabog. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa inaakto ng kaniyang anak.

“Anong that’s mine? May name ko oh, tingnan mo. May name ko!” nanggigigil din na sabi ng lalaking kaharap ng kaniyang anak.

Pinili na lang niyang pagmasdan ang anak niya. Mukhang namana ng kaniyang anak ang pagiging maldita niya.

Mabilis na lumipas ang mga taon pero parang buwan lang ang dumaan. Parang kailan lang nang pumayag siya sa deal ni Rafael at naging ganito na ang buhay niya.

Napaigtad siya nang may biglang humawak sa kaniyang kamay. Nang lumingon siya ay nakangiting Rafael ang kaniyang nakita na nakatingin din sa kanilang anak na mukhang hindi magtatagal ay iiyak na.

“Akin nga kasi ‘yan, give it back to me, Jorge!” sigaw na naman ng anak niya na siya namang paglapit sa guro ng anak niya.

“Hoy! Magtagalog ka, Cindy! Akin nga ang color pencil na ‘to! May pangalan ko, may pangalan ko!”

Pagkatapos niyang manganak ay tumigil na siya sa pagtatrabaho at nag-focus siya sa pag-aalaga kay Cindy. Nag-focus din ang asawa niya sa pagpapalago ng munting business nila. Samantalang ang mga magulang nila ay tudo kayod sa bakery ng mga ito.

Natawa siya nang makitang napakamot sa ulo ang guro ng mga bata at kinuha ang color pencil na pinag-aawayan ng dalawa. Hindi rin naman niya masisi ang guro kung hindi na nito alam ang gagawin. Masiyado lang talagang makulit ang anak niya na kahit siya minsan ay sumasakit ang ulo.

Gusto na nga lang niyang humingi ng tawad sa Mama niya, hindi pala talaga madali ang magpalaki ng anak lalo na siguro sa parte ng Mama niya. Alam naman niyang sakit talaga siya sa ulo.

“Teacher, akin na po ang color pencil ko. Akin naman po talaga ‘yan eh,” ani ng bata na Jorge ang pangalan.

Bigla na namang nagdabog ang anak niya kaya tudo pigil siya ng tawa. Kunti na lang talaga ay iiyak na ang anak niya kaya lumapit na siya upang tumulong sa guro na hindi na alam ang gagawin.

“Cindy, huwag ka na galit. Hati na lang tayo. Hindi kasi puwede na bigay ko sa'yo 'to kasi galit din Mommy ko.”

Nilingon niya ang asawa niya na siya namang paglapit nito sa kaniya at bumulong.

“Gawa tayo ng baby, dalaga na si Cindy.”

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon