Chapter 28

172 15 0
                                    

“Can’t you forgive me?”

Lihim na napangiti si Ella Jane sa tanong ni Rafael. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang tanong na ni Rafael iyon. Lima? Anim? Pito? O baka lang-sampu na. Hindi siya sigurado.

Nakanguso pa itong nakatingin sa kaniya habang hawak ang kamay niya na hinahalikan nito. Seryoso talaga itong hinihingi ang kapatawaran niya kahit wala naman talaga itong nagawang kasalanan sa kaniya. Gusto niya tuloy na tuksuhin pa ito at umaktong hindi niya talaga mapapatawad.

Naiinis siya sa sarili niya. Nagsayang lang tuloy siya ng luha sa walang kuwentang dahilan. Tama pala ang Mama niya, sana nagtanong muna siya kay Rafael bago mag-emote. Edi sana, hindi mugto ang mga mata niya tulad ngayon.

“Hindi,” sagot niya kay Rafael at iniwas ang mga mata. Baka mabasa ni Rafael na nag-iinarte lang siya kahit nag-iinarte lang naman talaga. Hindi naman niya kayang magalit kay Rafael lalo na kapag nagpapa-cute ito.

“Bakit? Are you still mad?”

Umismid siya at seneryoso ang pag-akting niya. Sana man lang ay umasenso ang talent niya sa pag-akting kahit man lang one percent.

“Oo.”

“Bakit?”

“Basta.”

“Are you still mad?” tanong na naman nito paglipas ng isang minuto.

“Oo.”

“Bakit?”

“Basta nga! Ang kulit mo.”

Binawi niya ang kamay at pumasok sa kuwarto. Isasara na niya sana ang pinto pero nakapasok na si Rafael at tiningnan ang mukha niya.

“Are you still mad?”

“Oo nga! Paulit-ulit ka naman.”

“Bakit?”

“Kasi—”

“Kasi?”

“Galit ako kasi galit ako sa’yo.”

“Bakit?”

Hindi na lang niya sinagot si Rafael. Paulit-ulit lang eh.

“Lapit ka nga,” aniya nang maka-upo na siya sa kama.

“Bakit? Galit ka eh.”

“Basta lumapit ka.”

Nang makalapit na si Rafael at lumuhod sa harap niya ay hinaplos niya ang mukha nito at sinakop ang mga labi.

“I love you, Rafael.”

PALIHIM na inaamoy ni Ella Jane ang leeg ni Rafael habang magkayakap sila. Hindi niya napigilan ang sarili na ibigay sa binata ang kapatawaran na hinihingi nito kahit wala naman talaga itong nagawang kasalanan. Siya lang naman itong nag-assume at naniwala agad sa mga sinabi ng mga kaibigan nito kahit wala naman pa lang kahit isang porsiyento na totoo.

Bakit naman kasi naniwala siya? Sa simula palang naman ay alam na niya ang trabaho ng mga kaibigan ni Rafael. Hindi naman sa minamaliit niya ang mga guro pero kung babasehan kasi ang sahod ng mga iyon ay hindi talaga sapat upang ibigay ang mga sinasabi ng mga itong brand new car.

Napalabi na lang siya habang yakap pa rin niya si Rafael. Diba dapat ang mga guro ay binibigyan din ng pansin ng gobyerno? Hindi madali ang trabaho ng mga guro na katulad niya.

“May gusto pala akong itanong, Rafael.”

Hinigpitan ni Rafael ang yakap nito sa kaniya.

“Call me, Bunch.”

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon