Chapter 11

142 20 0
                                    

Tumabi sa kaniya si Melonie na halos hindi maipinta ang mukha. Padabog pa nitong inilapag ang bag kasama ang Physical Education uniform nito. Pinagmasdan niya itong pagalit na binuksan ang hawak nitong junk food.

“Ayos ka lang?” tanong niya at ipinasok ang cellphone sa bulsa ng uniform. “Bad mood?”

Huminga ito nang malalim at tiningnan siya. “Sobra. Akalain mong iba pala ang crush ng crush ko.”

“Ano naman ngayon kung iba ang crush niya?”

“'Wag mo kong kausapin kung hindi mo naiintindihan ang sitwasiyon ko.” Hinawakan nito ang dibdib at binitawan ang junk food. “Masakit sa dibdib, Ella. I can’t accept the fact—”

“Na wala kang dibdib.”

Natigil ito sa pagdadrama at tiningnan siya nang masama. Natawa na lang siya sa pinagsasabi nito na para bang katapusan na ng mundo.

Totoo naman na wala itong pakialam kung iba ang gusto ng crush nito. Hindi nito hawak ang puso ng lalaking ‘yon. At totoo rin naman na wala talaga itong dibdib. Kahit anong gawin niyang pagtitig ay wala talaga siyang makita. Hinawakan na nga niya iyon noon pero wala siyang nahawakan.

Sasagot pa sana ito nang may biglang lumapit sa kanila. Namumukhaan niya ang mga taong ‘to, kaklase nila ni Melonie sa minor subject. Huminto ito sa harapan nila at pinalibotan sila. Halos lahat yata ng kaklase nila ay nandoon.

Natigilan si Melonie at humawak sa kaniya. “May nagawa ka bang kasalanan?” mahina nitong tanong sa kaniya.

“Hi,” ani ng isang lalaki na nasa harapan. Lumapit ito sa kanila at may dalang isang tangkay ng rosas.

Si Melonie ang sumagot, confident pa itong hinarap ang lalaki. Mukhang may alam na siya sa nangyayari, may balak yatang manligaw ang lalaking ‘to sa kaibigan niya. Kitang-kita niya ang pabebe na ngiti ng kaniyang kaibigan at bumitaw sa pagkakahawak sa kaniya.

“Is that for me?” maarte na tanong ni Melonie pero umiling ang lalaki.

“Assuming ka talaga, girl.” Nagkaroon ng tawanan. Hindi niya alam kung sino ang nagsalita kaya hinawakan niya ang kamay ng kaibigan.

“Eh, kung hindi para sa’kin ‘yan, edi para kanino?”

Minsan bilib talaga siya sa fighting spirit ng kaibigan niya. Kung siya ang sinabihan ng assuming baka napatay na siya sa hiya. Baka nga tumakbo na lang siya palayo o hilingin sa lupa na lamunin na lang siya at sabihin sa Mama niya na gusto niyang lumipat ng school.

Pero iba si Melonie, iba ang ugali ng kaibigan niya. Parang hindi nito iniinda ang mga masasakit na salita, parang hindi ito nasasaktan. Kaya siguro hinayaan ng Dios na maging magkaibigan sila, iba-iba kasi ang ugali nilang dalawa.

“Para kay Ella.”

Siya naman ang nabigla. Hindi niya inaasahan na para sa kaniya ang dala nitong bulaklak. Dahan-dahan na bumitaw sa kaniya si Melonie at humakbang paatras. Hindi siya nakagalaw lalo na nang lumapit na sa kaniya ang lalaki.

Para sa kaniya ang bulaklak? Ni hindi nga niya alam kung anong pangalan nito. Bakit naman siya bibigyan ng bulaklak ng lalaki? Hindi naman niya birthday at mas lalong hindi naman Valentine's day.

“Ahh,” ani ni Melonie na hindi niya pinansin. “Edi congrats.”

Nagkaroon ng tuksuhan at narinig niyang binanggit ng isa niyang kaklase ang pangalan ng lalaki.

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon