Chapter 27

154 15 0
                                    

BINIGYAN si Ella Jane ng tubig ng kaniyang Mama pagkatapos siyang pinaupo nito. Halos lumampas din ng ilang minuto ang pag-iyak niya habang yakap siya ng kaniyang Mama. Akala niya kasi talaga kaya niyang hindi ilabas ang lahat pero nang yakapin siya ng kaniyang Mama ay doon niya nalaman na hindi pala talaga siya ganoon kalakas.

Nawawala talaga ang lakas na inipon niya kapag ang Mama na niya ang nagtanong. Her Mom is her weakness. Alam naman niyang hindi talaga siya malakas pero pinipilit niya.

Lahat naman ng tao ay may kahinaan, pati rin siya. Lahat ng tao maaaring umiyak kapag hindi kaya, ganoon din siya. Hindi niya nakaya nang malaman niya ang ginawa ni Rafael sa kaniya, hindi niya kayang tanggapin.

Ngayon talaga, ang hirap nang alamin kung ano ang totoo at hindi. Ang hirap nang alamin kung sino ang nagkukunwari at sinong hindi. Ang hirap malaman kung peke ba ang kaharap o hindi. Sana may bagay na maimbento upang malaman kung kasinungalingan ba ang sinasabi ng tao o nagsasabi ito ng totoo.

Dinala niya ang baso sa kaniyang bibig upang inumin ang laman niyon. Hiniling niya na sana sa kaniyang pag-inom ng tubig ay madala ang mga sakit na nasa puso niya. Pero kahit pa siguro ilang beses niya iyong hilingin ay hindi agad-agad na mawawala ang tila kutsilyo na nakatusok sa kaniyang dibdib.

“Nag-away ba kayo?” tanong ng kaniyang Mama pagkatapos niyang ilapag sa mesa ang baso na wala ng laman.

Gusto niyang tumango upang sabihin na nag-away sila ni Rafael pero bigla niyang naisip, wala namang away na naganap sa kanilang dalawa kun’di nalaman lang niya ang lihim nito.

Pumikit siya upang pigilan ang luha na gusto na namang tumulo. Umiwas siya ng tingin sa kaniyang Mama kasabay ng kaniyang pagbuntonghininga.

“Hindi po,” aniya. “Hindi po kami nag-away, 'Ma.”

“Eh, hindi naman pala. Bakit nag-e-emote ka? Ano bang problema?”

Nag-e-emote? Mukhang mas gusto pa niya sigurong mag-emote. Hindi lang naman siya nag-e-emote ng walang sapat na dahilan. Hindi rin niya gustong sayangin ang mga luha niya. Sobrang sakit lang talagang isipin.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. Ayaw na niyang ulit-ulitin pa ang ginawa ni Rafael sa kaniya dahil nagsimula nang sumakit ang ulo niya.

“Hindi naman po ako nag-e-emote, 'Ma.” Tumingin siya sa kaniyang Mama at tinuro ang dibdib niya. “Sadiyang masakit lang po sa dibdib ang lahat ng ginawa niya. Hindi ko po kayang tanggapin.”

“Bakit? Ano ba kasing nangyari? Hindi ko naman malalaman kung hindi mo sasabihin. Hindi kaya ako manghuhula, Ella. Wala ka naman sigurong nakitang bola ng crystal diba?”

Napailing na lang siya sa biro ng Mama niya.

“Nagpaalam ka lang naman na pupuntahan niyo kamo ang mga kaibigan ng nobyo mo ‘tapos uuwi kang ganiyan? Hindi ba naging maganda ang resulta? Hindi ka ba nila nagustuhan?”

“Sa tingin mo, 'Ma? Iiyak ako kung hindi nila ako nagustuhan? Pakialam ko ba sa kanila kahit maging unggoy pa silang lahat!” Muli na namang nag-init ang ulo niya nang maalala ang mga kaibigan ni Rafael. Kumukulo ang dugo niya nang wala sa oras. Mas lalo lang siyang na-stress.

“Eh, ano nga? Panay hula lang naman ako tapos mali naman pala lahat.”

Huminga siya nang malalim at ibinalik sa malayo ang tingin. Baka hindi niya makuwento sa Mama niya ang nangyari kung kaharap niya ang Mama niya.

“Niloko ako ni Rafael, 'Ma. Hindi niya pala ako mahal.” Muntikan pang pumiyok ang boses niya.

“Sure ka?”

Inis niyang tiningnan ang Mama niya. Anong akala nito? Hindi siya sigurado?

“Iiyak po ba ako kung hindi?” Napakamot na lang siya sa ulo niya at tumayo upang iwanan ang Mama niya. Mas lalo lang sumakit ang ulo niya.

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon