Chapter 7

155 17 2
                                    

Panay sulyap siya kay Rafael. Kahit hindi maabot ng isipan niya kung bakit. Tila isa iyong obra na gusto niyang palaging masulyapan at daanan ng kaniyang mga mata. Tila isang libro na nais niyang buksan at basahin kung ano ang nakasulat.

Umiling siya at humakbang palayo sa pinto ng classroom niya at pumasok. Hindi siya dapat naninilip. Nakaiinis lang kasi hindi niya tuloy mabigyan ng pansin ang mga bata dahil sa lintik na Rafael iyon. Hindi niya alam kung awa ba itong nararamdaman niya o gusto lang talaga niyang makita ang binata.

Gusto niyang makita kung paano ito ngumiti.

Sobrang weird, oo. Hindi siya ganito dati. Ni ngiti nga niya na natural ay hindi na niya makita, ngiti pa kaya ng iba?

Isang linggo na ang lumipas mula noong pumasok siya sa trabahong ito. Isang linggo na rin na nakikita niya ang lalaki — Maliban pala noong hindi ito pumasok dahil naglasing. Hindi pa pala isang linggo.

Counted na lang ‘yon, don't be shy, bulong niya sa isip. Ngayon pa ba siya mahihiya?

“Teacher Ell,” tawag ng isang bata kaya naputol ang pakikipag-away niya sa kaniyang utak. Gusto pa naman niya sanang ipilit na hindi naman siya nahihiya.

Nababaliw na yata ako.

Parampa siyang lumapit sa bata na tumawag sa kaniya. Dapat muna siyang mag-focus, mamaya na niya iintindihin ang mga bagay-bagay na hindi naman talaga importante. Pakialam ba niya kung broken si Rafael? Broken din naman siya noon pero hindi naman siya nangdamay ng ibang tao.

Siyempre, maliban sa Mama niya.

“Yes?” Matamis pa siyang ngumiti sa bata at hinaplos ang balikat nito.

“I don't know how to read.”

“Read?” gulat niyang tanong.

Ano na namang pumasok sa batang ‘to at parang gusto na namang magbasa. Noong isang araw din ay gusto nitong malaman kung paano magsulat. Ayaw pa niyang ma-stress pero tinutulungan siya ng batang ito na pahirapan ang sarili niya.

“Time will come na malalaman mo rin kung paano, okay? Binigyan ko kayo ng activity kanina, iyon muna ang gawin mo.”

Ngumiti na naman siya at nagpasiyang iwan ang bata. Nasobrahan yata sa talino kaya gustong malaman ang lahat. Basic lang naman ang dapat nilang ituro sa mga bata pero mukhang may talent ang isang ito.

“But Teacher Ell, I want to do it now.”

Huminga siya nang malalim at muling nilingon ang bata. May namumuong luha sa mga mata nito at parang gusto nang umalis. Hindi niya alam kung paano ipapaintindi sa bata ang lahat. Hindi niya alam.

Lalapit na sana siya sa bata nang may nakauna na sa kaniya. Nang tingnan niya kung sino ay si Rafael iyon may binulong ito sa bata na ikinangiti nito.

“You’re the best!” ani ng bata ang nag-thumbs up.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay agad nagwika si Rafael. “Can we talk?”

Hindi na nito hinintay ang kaniyang sagot, agad itong umalis sa classroom at naiwan siyang nakatulala.

Anong sinabi nito sa bata? Bakit gusto nitong mag-usap sila? Alam na kaya nito na palagi siyang nagtatanong sa mga kasamahan nila tungkol sa buhay nito? Anong gusto nitong gawin? Galit ba ito sa kaniya? Alam na kaya rin nito na sinundan niya itong noong nakaraan?

Ang daming tanong sa utak niya. Hindi niya tuloy maihakbang ang mga paa upang lumabas.

May humawak sa kaniya, si Nanay Nilda na hindi niya alam kung paano nakapasok sa classroom. Ngumiti ito at bumulong sa tainga niya.

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon