Chapter 8

133 19 1
                                    

Maagang dumating ang baranggay nila. Sila nga ang pinakaunang baranggay na dumating sa City Hall. Mas mabuti na rin iyon kaysa sa makipagsiksikan pa sila sa maraming tao upang magpalista sa attendance.

Palinga-linga pa siya sa loob ng City Hall, nagbabakasakali na biglang lumitaw si Rafael at sasabihin na "it's a prank". Hindi kasi ito nagpakita gaya nang sinabi nito kahapon. Ano na naman bang gusto no'n? Siya na naman ang magbantay sa mga bata 'tapos hati sila sa sahod? Unfair naman yata.

Inakay niya ang mga bata papunta sa isang staff na may hawak ng attendance sheet. Pero agad siyang napahinto, Day Care student itong mga kasama niya, baka abutin sila ng gabi sa paglista pa lang ng mga pangalan.

“Dito lang kayo ha? Walang aalis,” aniya at tiningnan ang isang ginang. “Bantayan niyo po muna ang mga bata, kakausapin ko lang ang staff.”

Agad namang tumalima ang ginang at inakay ang mga bata sa puwesto nila.

Mapapatay ko talaga si Rafael kapag nagkita kami, bulong niya. Sila dapat ang nagtutulungan dito eh. Paano niya babantayan ang isangdaan na mga bata kung siya lang mag-isa?

Kinausap niya ang staff at ibinigay ang listahan niya sa mga pangalan ng mga dala niyang bata. Agad naman itong nag-thumbs up at ngumiti sa kaniya.

“Hintayin na lang po natin ang ibang baranggay, Maam ha? Mayamaya po darating na rin si Gov.”

Tumango siya at bumalik na sa mga bata.




“TEACHER, kailan po tayo uuwi?”

Hinawakan niya ang kamay ng bata. Mukhang naiinip na yata ito dahil kanina pa magkasalubong ang mga kilay nito. Kahit siya naman ay naiinip na rin, nakalimutan niya rin kasing dalhin ang cellphone niya. Sa dinami-dami na puwedeng malimutan, cellphone niya pa talaga.

Ganito na lang talaga palagi kapag ang special guest ay may mataas na rank sa lugar. Noon na nag-aaral din siya ay minsan na-de-delay ang ceremony dahil kailangan na hintayin ang Mayor bago simulan, at ang ending ay hindi naman pala darating kasi may importante na kailangan puntahan.

Kaya 'di umuunlad ang Pilipinas eh, bulong niya sa isip.

Biglang may humawak sa suot niyang blouse kaya nilingon niya ang bata.

“Yes, Loury?” Ngumiti siya.

“Matagal pa po ba siya darating?” tanong ni Loury sa kaniya at ngumuso pa. Pinakita nito sa kaniya ang hawak na cellphone. “It's already nine.”

Grabe, nasaan na ba ang Governor na 'yon at pati mga bata ko ay naiinip na, aniya sa isip at inilibot ang paningin.

Dumating na lahat ng baranggay pero ang Governor nila na may pakana sa activity na 'to ay hindi pa dumating. Ang galing!

Pilit siyang ngumiti upang ipakita sa bata na hindi dapat mainip. Kahit naiinip na talaga siya.

“Loury, si Governor ang hinihintay natin. Medyo busy talaga siya eh, kaya intindihin mo na lang ha?”

“If she's busy, bakit pinapunta niya tayo?” singit naman nitong katabi niyang bata at pinaikot pa ang mata.

Tama, may punto naman, bulong niya.

“At bakit kailangan na hintayin pa natin? Hindi ba puwede na i-give na lang ng mga ate na nakaupo—” Tinuro pa nito ang staff. “Ang mga toys?”

“I can buy you toys, Loury? Do you like SpongeBob?” sagot na naman ng katabi niya.

Huminga siya nang malalim. Kaya niya 'to, tiis lang.

Sa sobrang yaman ng mga estudyante niya, hindi na nito kailangan ang mga ibibigay ng Governor nila. Bakit ba naman kasi pinapunta pa sila ng Kapitan?

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon