TANGING yakap ng binata ang nagbigay init kay Ella Jane. Hindi na naman siya makapaniwala na nagawa na naman niya ito. Parang panaginip lang ang lahat pati ang pagpayag niya. Pero wala siyang maramdaman na lungkot o kahit kaunting pagsisisi sa dibdib niya.
Hinalikan siya ni Rafael sa noo at pinasiksik siya sa katawan nito. Mabuti na lang talaga na wala ang Mama niya.
Oh God, ang sama mo, Ella Jane! Pangaral niya sa sarili.
Nakayakap siya sa binata habang sinusuklay nito ang buhok niya. Kanina pa siya nagising pero si Rafael parang hindi man lang nakatulog. Tinawanan pa siya nito dahil ang lakas niya raw kuno humilik. ‘Di naman niya narinig na humilik siya.
Hinampas niya ito sa dibdib at bumangon siya. Tiningnan niya ito nang masama at muli na namang hinampas. Tumawa lang si Rafael sa kaniya at ginawang shield ang unan.
“Hindi nga kasi sabi ako humilik!” sigaw na naman niya pero panay tawa lang ang lalaki. “Bakit ba ipinipilit mo na humilik ako?”
“Bakit ba pinipilit mo rin na hindi ka humilik?”
“Kasi hindi nga ako humilik! Ang kulit mo.”
Nagtapis siya gamit ang kumot niya at kumuha ng damit sa cabinet nang muli na naman niyang narinig ang tawa ni Rafael. Nilingot niya ito at binigyan ng matalim na tingin. Kahit ayaw niyang aminin pero iba ang sinasabi ng puso niya, ang ganda ng tawa ni Rafael. Parang masarap na musika iyon sa kaniyang pandinig. Musika na nais niyang pakinggan nang paulit-ulit.
“Bakit nagtatakip ka pa? Nakita ko na naman ‘yan.”
Mabilis niyang nadampot ang isang maliit na towel at ibinato iyon kay Rafael. Minsan hindi niya nahaharangan ang mga salita na binabato sa kaniya ng lalaki. Minsan ay madudumi ang lumalabas sa bibig nito at hindi niya kayang sagutin. Hanggang pag-ikot at pagtingin nang masama lang ang nagagawa niya. Ayaw pa naman niya sanang magmukhang katawa-tawa sa paningin nito pero paano niya maiiwasan iyon kung ito mismo ang gumagawa ng paraan upang magmukha siyang tanga?
“Mambato ba naman,” angal nito sa ginawa niya pero muli lang siyang pumulot ng towel at ibinato muli iyon sa binata.
Parang hindi niya narinig ang pagreklamo nito nang masalo iyon sa mukha nito. Ang hindi lang niya mapigilan ay ang paglabas ng ngiti sa labi niya tuwing nagrereklamo ito.
“Bakit ba nagagalit ka? Totoo namang nakita ko na—”
Hindi na niya natapos pa ang salita nito dahil iniwan niya ito sa kuwarto. Bahala ka sa buhay mo.
SAKTONG paglapag ni Ella Jane sa plato ay lumabas ang lalaking nakaligo na at inilapat ang tuwalya sa ulo upang punasan ang basang buhok nito. Hindi nakaiwas sa kaniyang mga mata ang suot nitong tshirt at short, gamit iyon ng kaniyang Papa. Papa niya na hindi na niya muling nakita pa.
Kinuha niya iyon sa kahon na nilagyan ng kaniyang Mama. Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi nila iyon ginalaw. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit hindi pa rin iyon tinatapon ng kaniyang Mama. Siguro, naghihintay pa rin iyon na bumalik ang kaniyang Papa.
Kahit alam na nilang hindi na iyon mangyayari.
“Ang bango naman ng niluto ng asawa ko,” nakangiting saad ni Rafael nang lumapit ito sa mesa. “Mukhang masara—”
“Asawa?”
“Practice nga lang eh, malay natin diba?”
Napailing na lang siya at kinuha ang takip ng ulam nila. Hotdog lang iyon at nilagang itlog dahil iyon lang naman ang nakita niyang laman ng ref nila. Bahala na talaga si Batman kung sakaling aarte pa itong lalaking kaharap niya.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Rafael
RomanceIsang one night stand ang nakapagbago sa buhay ni Ella Jane Vertudazo at hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa isang deal na inalok ni Rafael Sanrojo sa kaniya. Isang deal na nag-udyok sa kaniyang ligawan ang binata kahit alam naman niyang hind...