Chapter 25

194 16 4
                                    

MAHIGIT ang pagkakapit ni Ella Jane sa baywang ni Rafael habang sakay sila sa motor nito. Isang linggo na ang lumipas mula nang maging sila ni Rafael.

Pauwi na sila sa bahay ng lalaki dahil ngayong araw na ito ang balak nila na ipapakilala raw siya nito sa mga kaibigan nito na dati nitong kasama sa trabaho. Isipin palang na mga guro din ang makikilala niya mamaya ay kinakabahan na siya.

Noong isang araw ay tinanong niya si Rafael tungkol sa sinabi ng Nanay nito na wala raw itong mga barkada. Nagtataka lang siya dahil bakit hindi kilala ng Nanay nito ang mga sinasabi ni Rafael na kaibigan raw kuno nito.

Taga ibang baranggay daw kasi ang mga kaibigan ng nobyo kaya hindi pa nadadalaw sa bahay nito at hindi pa nito napakilala sa sarili nitong Nanay. Hindi na lang siya muling nagtanong pa.

Sabagay, hindi nga rin kilala ng Mama niya ang best friend niya noon. Mabuti na lang pala at hindi niya pinakilala, baka mas lalo lang ma-stress ang Mama niya.

Noong pinakilala niya si Rafael sa Mama niya ay tudo ngiti pa ang Mama niya at binubulungan siya kapag nakatiyempo. Nasaan na raw ang sinabi niya na hindi guwapo si Rafael? Bakit daw daig pa ang mga Koreano na idolo nito?

Napailing na lang siya. Mukhang mas adik pa yata ang Mama niya.

Natigil ang pag-alaala niya sa mga nangyari nang huminto na ang motor nila. Doon lang niya napansin na nasa tapat na pala sila mismo sa bahay ng nobyo niya. Hilaw siyang napangiti nang magtagpo ang mga mata nila ni Rafael sa side mirror.

“Mukhang gusto mo pa yata na mag-road trip ah,” anito at kinindatan pa siya.

Loko, road trip pa talaga ang sinabi nito. Hindi ba puwede na hindi lang niya namalayan?

Bumaba na siya sa motor at padabog na ibinigay kay Rafael ang helmet. Hindi niya pinansin ang pagtawa nito na may halong pang-iinis pa talaga. Dumiretso na siyang pumasok sa bahay ng lalaki at hindi nakinig kahit ilang beses na siyang tinawag ng lalaki.

Nakita niya si Manang Nilda na nanonood ng TV. Hindi nga nito napansin ang pagpasok niya dahil tutok na tutok ito sa pinapanood na Korean drama. Bigla niyang naalala ang Mama niya, kapag siguro magkasama ang dalawang ‘to, hindi siguro magrereklamo ang dalawa kahit maghapon pang manood ng series.

“Good morning, Tita,” bati niya sa ginang na saka lang lumingon nang magsalita na siya sa tabi nito. “Mukhang maganda yata ang pinapanood niyo po ah.”

“Ay hala! Nariyan ka pala, hija. Kasama mo si Rafael? Hindi na naman kasi umuwi ‘yon kagabi.”

Sasagot na sana siya nang biglang nagsalita si Rafael sa tabi niya. Nakasunod na pala ang lalaking ‘to.

“Nanay, kina Ella ako natulog kagabi. Birthday kasi ng Mama niya—”

“Birthday naman pala, bakit hindi mo ako sinama? Ikaw lang ba may bituka?”

Natawa na lang siya sa ginang at kinuha sa bag niya ang dala niyang dessert para dito. Mukhang may mabubuong away na naman kasi.

“Nako, Tita. Malilimutan ba naman po kita? Si Mama pa po talaga nag-prepare niyan,” aniya at inabot sa ginang ang lalagyan.

Agad na tumili pa ito at pinatay ang TV. Napangiti siya, parang teenager lang kasi kung umakting ang ginang. Pumasok ito sa kusina at iniwan sila ni Rafael.

Nang tingnan niya si Rafael, sabay silang napailing sa ginawi ng ina nito. Panigurado, hundred percent na magkakasundo ang Nanay nito at ang Mama niya. Parehong baliw sa Korean drama.

NASA loob ng kuwarto si Ella Jane. Kuwarto iyon ni Rafael. Nagpasiya siyang ayusin ang mesa nito habang nasa loob ng banyo ang nobyo. Hindi naman iyon masiyadong magulo pero may mga kalat lang na mula sa papel at mga printed documents na siguro ay hindi na nito kailangan.

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon