Chapter 18

120 17 0
                                    

WALANG tulog si Ella Jane. Halos kaharap na niya ang computer buong gabi. Hindi siya makatulog kaiisip tungkol sa naging reaction ni Rafael noong may activity ang mga bata sa City Hall. Hindi talaga nawala kahit saglit lang sa isip niya ang nangyari.

Pero wala siyang lakas ng loob na magtanong sa binata. Wala siyang lakas ng loob na alamin iyon mismo sa ina ni Rafael kahit nakausap na niya ito sa tawag kaya gumawa na lang siya ng paraan upang alamin iyon.

Ang naging resulta ay wala siyang tulog. Wala na nga siyang tulog kahahanap ng rason pero wala naman siyang napala. Eye bags lang ang kaniyang nakuha. Malaking eye bags at nahihilo pa siya.

Sana pala hindi na lang siya nangialam.

Huminga siya nang malalim at hinarap ang salamin upang makita ang resulta sa pagharap niya sa computer. Siguro hindi lang talaga sikat ang Governor na iyon kaya wala siyang mahanap na impormasiyon tungkol dito. Siguro hindi lang talaga open ang buhay nito sa publiko.

Pero impossible talaga kung hindi siya open sa public. Parang sinasabi ko na rin na nagkaroon ng snow sa Pilipinas.

Napaismid siya at kinuha ang suklay. Impossible naman talaga dahil Governor iyon. Ang iba nga ay halos ibandera pa ang pamilya nito.

Sinipat na naman niya ang sariling repleksiyon sa salamin. Halos hindi niya maibuka ang maiitim niyang mata bunga sa wala siyang tulog. Nilibot na niya siguro ang lahat ng websites na nakita niya kagabi pero wala talaga siyang nakitang impormasiyon tungkol kay Rafael. Bawat sites na nakita niya sa internet na may kaunting impormasiyon tungkol sa Governor na iyon ay binasa niya talaga pero bakit wala siyang nakita ni katiting na para kay Rafael.

Pero sabagay, pamangkin lang naman ang lalaki.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya at tila kinausap ang kaniyang repleksiyon. Maganda naman siya pero dahil sa Rafael na iyon ay para na siyang zombie tingnan.

“Hay, Ella Jane! Bakit mo pa iniisip ang lalaking ‘yon?”


LUNES, halos bawat galaw ni Ella Jane ay mababakas na nagmamadali. Ilang minuto na lang ang natitira niya upang habulin ang flag ceremony na palaging ginagawa ng mga nagtatrabaho sa baranggay. Kapag siguro tatangungin siya at ang mga kasama niya sa baranggay kung anong pinakaayaw nilang araw sa kalendaryo ay magkasabay pa siguro sila na babanggitin ang araw ng Lunes.

Kahit noong nag-aaral pa siya, ayaw niya talaga kapag sumasapit ang araw ng Lunes. Kalbaryo niya talaga iyon at gusto na lang niya sumpain. Maliban sa kailangan nilang um-attend sa flag ceremony ay iyon ang araw na parang ayaw niyang bumangon. Palagi niyang itinatanong sa sarili na, iyon na ba talaga? Sure na? Tapos na talaga ang weekend? Wala ng extend?

Nasa labas na siya ng pinto nang biglang sumigaw ang Mama niya kaya dagli siyang lumingon. Saksi ang magandang langit at ang dalawang mata niya sa pagtakbo ng kaniyang Mama habang dala ang maliit na tupperware at lumapit sa kaniya.

Muli nitong tinawag ang kaniyang pangalan nang ilang hakbang na lang ang gagawin nito. Tudo ngiti pa ang kaniyang Mama at ipinakita sa kaniya ang dala.

“Nakalimutan mo ang baon mo,” anito at ibinigay sa kaniya ang tupperware.

Inabot niya iyon at hilaw na ngumiti. Kung alam lang siguro ng Mama niya ang laman ng tupperware at kung para kanino iyon, hindi na siguro ito tatakbo upang ibigay sa kaniya ang tupperware.

“Sige po, salamat, 'Ma.” Muli siyang ngumiti at nagpaalam na.

Ang laman ng tupperware na ito ang dahilan kung bakit siya ma-le-late ngayon. Naisip niya kasi na magluto ng cookies para ibigay sa loko-lokong Rafael na ‘yon. Ewan din ba kung bakit niya biglang naisip na magluto at kay Rafael pa talaga niya balak ibigay. Nagbabakasakali lang din naman siya.

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon