“You may now kiss the bride.”
Hindi mapigilan ni Ella Jane ang ngumiti nang marinig ang mga katagang iyon. Ang pagngiti na lang ang kaya niyang gawin ngayon. Nasa ngiti na niya ang mga salitang nais niyang sambitin sa mga oras na ito.
Sa wakas ay dumating na ang hinihintay niyang araw na isa na siyang ganap na bahagi ng buhay ni Rafael. Natupad na rin ang isang hiling niya. Hindi man niya maisalarawang mabuti kung gaano siya kasaya ngayon pero alam niya sa sarili niya na ito na ang simula ng bagong kabanata ng buhay niya na kasama ang lalaking pinakamamahal niya.
Mas lalong hindi niya maisalarawan kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang mga labi nila ng asawa. Ang alam lang niya, hindi niya narinig nang maayos ang sigaw ng mga tao na nakasaksi sa pag-iisang dibdib nila ni Rafael. Wala siyang ibang narinig kun’di ang malakas na tibok ng kaniyang puso at ang pagsigaw ng luha niya na gusto na naman ulit na tumulo.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay inilapit ni Rafael ang bibig nito sa kaniyang tainga.
“I’m so lucky to be your husband. I love you, Bunch.”
Naging alipin na yata siya ng salitang kilig nang hindi na naman niya mapigilan ang mapangiti. Hindi pa rin talaga siya maka-get over tuwing ginagamit ni Rafael ang call sign kuno nila. Hindi naman sa ayaw niya sa call sign nila, kun’di hindi lang siya makapaniwala na may ganoong side pala ang binata. Malambing ito sa paraang alam nito kung paano ipapakita iyon.
“Mas masuwerte ako,” aniya at muling hinalikan ang asawa.
Siya na yata ang pinakamasuwerte na babae sa mundong mundo. Cliche man pakinggan pero iyon ang nararamdaman niya. Gusto niyang tumalon sa tuwa, gusto niyang ngumiti.
Bawat kuwento, may aral. Bawat hirap may nakukuhang aral. Bawat iyak, may tuwa. Bawat lungkot, may katapusan.
At kung tatanungin siya kung ano ang natutunan niya, isa na roon ay may tutulong sa’yo kapag nahihirapan ka na. Hindi mo solo ang problema, may lalapit sa’yong tao na tutulungan ka. Hindi rin lahat na nilapitan mo ay tutulungan ka, pero asahan mong may lalapit sa’yo upang samahan ka.
Isa na roon ang tao na tumulong sa kaniya ay ang Mama niya. Kahit minsan hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi nito sa kaniya ay hindi siya nito iniwan sa mga panahong hindi na niya kaya. Hindi siya nito iniwan noong mga panahong nag-iinarte siya sa buhay. Ang suwerte niya rin na naging Mama niya ito. Kung may tao man na hindi niya kayang bayaran, iyon ay ang Mama niya.
Isa rin si Rafael na tumulong sa kaniya upang muling magpatuloy. Si Rafael din ang nagmulat sa kaniya na kaya niyang magpatawad. Kaya niyang harapin ang lahat at bumitaw kapag hindi na niya kaya. At isa rin si Rafael na nagpadilat sa kaniya na kaya pa rin niyang magmahal.
Hindi pa rin sarado ang buhay niya para sa mga bagong kabanata. Handa siyang muling tumapak pa at magbukas ng bagong daan kasama ang pamilya niya.
“Heto na ang bagong kasal. Bigyan ng daan, Dios mio, huwag niyong harangan ang daan! Mga bata, lumayo muna kayo, may free balat ng lechon kayo mamaya, pangako.”
Boses ng Kapitan nila ang nagpagising sa kaniya. Muli na naman siyang ngumiti habang pinagmamasdan ang Kapitan nila na hindi na alam kung anong gagawin upang pilitin na sumunod dito ang mga estudyante nila ni Rafael. Pero imbes na lumayo ay nagsilapitan pa sa kanila ng asawa niya at niyakap sila. Nakita niyang nasapo ng Kapitan ang sariling noo.
“Dios mio! Bakit ang kukulit ng mga batang ‘to?” sigaw ng Kapitan nila pero baliwala lang sa mga bata.
“SALAMAT,” bulong ni Ella Jane kay Rafael nang tulungan siya nitong buksan ang zipper ng kaniyang suot na gown.
Nakahinga na rin siya nang maluwag. Natapos na rin ang reception ng kasal nila at nagsiuwian na ang mga tao. Sa halip na tulungan siya ni Rafael upang hubarin ang gown ay hinalikan lang nito ang balikat niya.
“Bakit ka nagpapasalamat?” tanong nito sa kaniya at hinalikan ang kaniyang leeg.
Wala sa sariling inipit niya ang leeg upang hindi makalapit doon ang labi ng asawa. Biglang may dumaloy na kuryente sa kaniyang katawan nang halikan siya ni Rafael.
“Kailangan ba may rason?” tanong niya at hinubad ang kaniyang gown. Bigla yatang uminit ang loob ng kuwarto nila. “Thank you kasi nandito ka pa rin kahit ganito lang ako.”
“Anong ganiyang ka lang?” Hinawakan nito ang kaniyang pisngi at pinaharap siya rito. “Mahal kita tapos sasabihin mo lang na ganito ka lang? Ang ganda-ganda at ang bait-bait mo nga eh. Hindi ako makakahanap ng babae na kasing ganda at bait mo.” Inilapit nito ang bibig sa kaniyang tainga. “At kasing sarap mo.”
Natatawa siyang lumayo sa asawa at kinurot ang tagiliran nito. Ang bastos na naman kasi ng bibig.
“Grabe ka sa’kin ah.” Muli na naman niya itong kinurot. “Anong akala mo sa’kin? Pagkain?” Pinandilatan pa niya ito ng mata pero humagikhik lang ito at ginapos ang mga kamay niya.
“Oo, sa bandang baba.” Binasa nito ang mga labi habang nakatingin sa bandang hita niya. “Sobrang sarap na pagkain at kahit saang tindahan ako bumili, walang ganiyang kasarap na putahe.”
“Bibig mo,” reklamo niya at tinakpan ang bibig ng asawa. “Baka may makarinig sa’yo.”
“Umuwi na sila Mama. Baka nasa bakery na ang mga ‘yon at nanonood ng Korean.”
Niyakap niya si Rafael. Hindi masukat ang saya na nararamdaman niya ngayon. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na asawa na niya ang lalaking sinusundan niya lang noon. Hindi pa rin talaga kayang tanggapin ng sistema niya na ang lalaking mahal niya ay mahal din pala siya.
Kung siguro hindi niya ito sinundan noon at hindi nabuo ang loko-lokong deal na ‘yon, hindi niya alam kung saan siya pupulutin ngayon.
Kulang ang salitang pasasalamat kung iisa-isahin niya ang mga magagandang bagay na dumating sa buhay niya. Kulang ang salitang saya kung ihahambing sa nararamdaman niya ngayon. Ang tanging gusto na lang niya ay maging masaya at maligaya ang pamilya na bubuuin niya kasama ang lalaking kayakap niya ngayon.
Hinalikan siya ni Rafael sa ulo at hinaplos ang kaniyang likod.
“Mahal na mahal kita,” sabay nilang saad.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Rafael
RomanceIsang one night stand ang nakapagbago sa buhay ni Ella Jane Vertudazo at hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa isang deal na inalok ni Rafael Sanrojo sa kaniya. Isang deal na nag-udyok sa kaniyang ligawan ang binata kahit alam naman niyang hind...