“Nandiyan na si Teacher Ell!”
Napakunot ang noo ni Ella Jane nang marinig ang malakas na sigaw ng isa niyang estudyante nang papalapit na siya sa gate ng Baranggay Hall. Nakita niya ang mga pagsulyap ng mga bata sa kaniya mula sa bintana ng classroom niya at agad na sinara naman ng mga bata.
Weird.
Nagpatuloy lang siya sa paglakad papasok sa Baranggay Hall kahit medyo nakapagtataka ang mga galaw ng mga bata. Bakit naman kaya may tila spy na sumigaw na paparating na siya?
Hindi kaya may surprise ang mga estudyante niya? Agad siyang napailing. Sobrang unrealistic naman yata itong naisip niya. Mukhang nakalimutan niya na kadalasan ay five years old ang mga tinuturuan niya. Imposible na gumawa ang mga ito ng surprise para sa kaniya.
Kahit elementary nga ay mukhang imposible pa. Saan naman kukuha ng pera para sa surprise-suprise na iyan diba? Okay lang siguro kung mga yayamanin ang mga bata.
Pero hindi naman maikakaila ang isa niyang rason kung bakit siya nagpasiyang maging teacher kahit sobrang hirap mag-aral. Gusto niya kasi noon na makatanggap din siya ng bulaklak at letters tuwing Teacher’s Day at may mag-surprise sa kaniya tuwing birthday niya.
“Nandiyan na nga si Teacher Ell! Ang tagal!”
Napaghahalataan talaga na may tinatago ang mga bata. Nasa gilid lang siya nakatayo at pinapakinggan kung anong mga ibinubulong ng mga estudyante niya. Ang iba ay mukhang tumatakbo pa at nagsisigawan.
Kung may surprise nga kung sakali, palpak na.
“Where’s my shoes?”
“Where’s my scissor?”
“Where’s my—”
“Diane! Nasaan na ba siya?”
Hindi niya mapigilang ngumiti. Panigurado, makalat na siguro ang classroom dahil panay hanap na ng mga gamit ang mga bata. Mukhang gusto na lang niyang umuwi at hindi na pumasok, ang kalat na siguro talaga. May naghanap ng sapatos, gunting, glue at kung ano-ano pa.
‘Yong totoo, ano ba talaga ang mayro’n?
“Nasa CR!”
Nasa CR? Sinong nasa CR?
“Call him! Ilang minutes na ba siya nasa CR? Nandito na si Ma’am eh!”
Kilala niya ang boses na ‘yon, si Charmaine ang nagsasalita. Pero sino ang nasa CR?
Don’t tell me, pati CR ay makalat na rin?
Parang ayaw na niya talagang pumasok. Napatampal na lang siya sa noo at pumikit. Huminga muna siya nang malalim at sinanay ang sarili na nakasimangot. Gusto niyang ipakita sa mga bata na ayaw niyang makalat ang classroom. Ihahanda na niya ang pamatay speech kung sakaling makalat nga ang classroom niya. Kung ano man ang pinagkakaabalahan ng mga bata ay dapat din na matuto kung paano magligpit.
Hindi iyong panay si Kuya Marlon na lang ang naglilinis. Tuturuan din niya ang mga bata kung paano maging responsable. Kahit pa mga mayayaman kadalasan ang mga bata niya.
Nang nasa pintuan na siya at humakbang na papasok ay hindi sumalubong ang inaasahan niya. Walang mga batang magugulo. Walang mga batang nagkakalat na gusto niya sanang pagalitan. Walang surprise na akala niya ay gugulat sa kaniya.
Isang tao lang ang sumalubong sa kaniya.
Si Rafael.
Napalunok siya ng laway. Anong ginagawa ng lalaking ‘to sa classroom niya?
Dumako ang tingin niya sa dala nitong bouquet. Mga pulang rosas iyon na halatang mamahalin. Ano na namang trip nito sa buhay at dinamay pa ang mga estudyante niya? Nawala tuloy sa utak niya ang mga hinanda niyang salita kung sakaling magkaharap sila ng lalaking ‘to.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Rafael
RomanceIsang one night stand ang nakapagbago sa buhay ni Ella Jane Vertudazo at hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa isang deal na inalok ni Rafael Sanrojo sa kaniya. Isang deal na nag-udyok sa kaniyang ligawan ang binata kahit alam naman niyang hind...