Chapter five

1K 18 0
                                    

Nagising ako sa di pamilyar na kwarto, pero alam ko kong nasaan ako. Mga amoy palanv ng chemical alam na.

"Gising na si Justine," dinig kong saad sa kabilang side ko kaya napa tingin din ako. Don ko nakita si ate Kie at Kilven.

"Tumawag ka ng doctor Kilven," utos sa kaniya ni ate.

"Ayos lang ba pakiramadan mo?"


"Opo ate, wala naman na akong nararamdaman." Nakangiti kong saad.

"Grabe ang pag aalala ko sayo, halos sipain ko na sa betlog ang hayop nayun, pag may nangyaring masama talaga sayo babalikan ko ang adik na' yon." Gigil nyang saad.

Ate Kieya is my only family, since I started working at the bar, she has always been there. Inalalayan ako sa hamon nang buhay ko, kahit papano ang swerte ko din.

"Kinulang lang siguro ako sa tulog ate, kaya nawalan ako nang malay." Kahit hindi naman, pag wala akong work sa umaga ay natutulog lang ako, feel ko kasi talagang matulog eh, tapos kumain.


"Aishh! Bakit mo pinapabayaan sarili mo hah? Sa ngayon mas dobleng ingat kapa, okay." Nagugulohan man ay tumango.

Hinihintay namin ni ate ang doctor, ilang minuto lang din naman at may pumasok na.

"Good morning Mrs. Montiesh," nanlaki ang mata ko dahil sa itinawag nya sa akin.



"Po? hindi pa po--" ate Kieya cut off what I was about to say.

"Eheheh good morning din doc." Ani ni ate, hindi ko nalang pinuna iyun at tinuon ang pansin sa doctor.


"Kamusta ang pakiramdam mo?" She asked.

"Okay naman po doc,"

"Good. Alagaan mo nang mabuti ang sarii mo Hija dahil ang dinadala mong bata ay masilan.--" Wait what?!" Kailangan moding magpahinga at kumain ng mga masustansyang pagkain." Pagpatuoy ng doctor kahit na ang isip ko ay naiwan sa una nyang sinabi.


"Dinadala? Sa tiyan ko po?" Gulat kong tanong. Mukang di naman na nagulat si ate at Kilven base sa reaction nila, malamang kanina pa nila alam.


"Hindi mo ba alam hija na dalawang buwan ka nang buntis?" What?!!! No!!!

"No!!! Baka nagkakamali lang po kayo!" Sigaw ko sa doctor, agad naman akong dinaluhan ni ate Kie at Kilven.

"Ate hindi pwedi, paano na ako? Wala akong magandang buhay na maibibigay sa batang to. Hindi pwedi ate." Umiiyak akong yumakap kay ate, pano ko bubuhayin ang batang to?


"Shhhh, blessing iyan Tin, hayaan mo aalagaan ko kayong dalawa. Wag mo lang papabayaan ang baby," san ako kukuha nang ipapakain ko sa kaniya? Hindi kaya nang pagtatrabaho ko sa bar tustusan ang batang to.

Umiyak lang ako buong mag damag, wala man sa plano kong ipalaglag ang batang ito pero pano ko ito bubuhayin?


Pinatulog ako nila ate Kie dahil namumugto na ang mata. Hanggang sa ma discharge ako ay tulala lang ako habang iniisip kong pano ko bubuhayin ito.

Hindi ko naman masabi sa lalaking nag buntis sa akin kasi hindi ko naman kilala.

Nakakainis! Bakit nya kasi pinutok sa loob?!!

Ilang araw na ang lumipas at sina-samahan na ako ni ate Kieya dito sa bahay, hindi na din ako nakakapunta nang bar dahil ayaw ni ate. Tulala lang ako palagi, pagkatapos kumain matutulala at iisipin kong paano ko bubuhayin ang batang to?

May ipon naman ako at tamang tama lang siguro yun haggang sa manganak ako. Preperado ako sa pera, tinipid ko ang sarili para lang makapag ipon at handa sa kong ani mang mangyari.


"Kumain kana Tin, aalis na ako mayamaya. Yung pagkain nasa lamesa na, may gatas at prutas narin." Tumingin ako kay ate Kie,

"I'm sorry ate," naluluha kong saad. Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko.


"Don't be sorry my there," arabu yan teh? "Nagpakasaya ka lang naman eh. Ang hayop na ka sex mo lang kasi ang siraulo, bakit pinutok kasi sa loob eh pwedi namang sa kumot." Natawa ako dahil sa sinabi nya.


"Ate naman eh, tanggap ko na pinutok nya sa loob edi nagka baby din sa loob, tingnan mo ate hindi na ako mag iisa sa buhay ko." Kahit papano may pakinabang ding binuntis nya ako.



"Osya, maiiwan na kita. Kumain ka Tin ah para malusog si baby lumabas." Tumango ako kay ate.

Gaya ng sabi nya ay kumain ako. Pangangalagaan ko ang batang to, mamahalin ko sya kahit walang ama na tumatayo, I can do both naman eh.


Makalipas ang ilang buwan ay six months na akong buntis, malaki na sya kaya halata nang buntis.


"Mamaya iuuwi na kita sa bahay ah, nasabi ko narin kay mama na don ka muna pang samantala para maalagaan ka. Gustong gusto naman iyun ni mama para daw may kasama din sya sa bahay. Ang siraulo kong kapatid kasi may trabaho nadin." Nakakahiya man pero pumayag ako, gusto ko din kasi may kasama baka kong anong mangyari sa akin.

Magbibigay nalag ako ng pera kay ate para naman hindi ako maging pabigat.


Umalis lang muna si ate at bumalik din agad. Handa na ang mga gamit ko, inalalayan nya akong makalabas at pinasakay sa magarang sasakyan.

Nagtataka kong tiningnan si ate. Kanino naman to?

"Hehhe sumakay ka nalang bebe girl," dahil sa masunorin ako ay pumasok nalang ako.

"Hello lady," pagkapasok ko ay binati ako nang gwapong lalaki sa front seat.


"Hello po," base sa itsura nya mas matanda sya sa akin, sino kaya to? Boyfriend ni ate?



Hindi na ako nangealam at tumahimik nalang. Parang pamilyar sa akin ang lalaking ito. San ko ba to nakita?



Nang makarating kami sa bahay ni ate Kie ay bumungad sa amin ang mama nya at kapatid na ngayon ko palang nakita.

"Good afternoon po tita, Mr." Bati ko sa kanilang dalawa.


"Good afternoon hija, nako, nakapa gandang bata naman ito." Nagpasalamat ako dahil don.

Mabait ang mama ni ate Kie na kabaliktaran nang kapatid nya. Magkasing edad lang kami ni Lander, pero yung aura nya at kong kumilos ay matured na. Gwapo ito at hindi nalalayo ang kagandahang muka sa mama nya at kay ate Kie.



Tinuring nila akong parang pamilya na maliban nga lang sa Lander na iyun, na parang ayaw ako dito sa bahay nila. Naiiintindihan ko naman sya eh, turing nya sa akin ay pabigat.


Gabi nang maisipan kong bumaba dahil nagugutom ako, pero nadatnan ko si Lander sa sala nag la-laptop.

Napansin ata ako nito dahil napatingin sa gawi ko.

"Eh, hehehe. Kakain lang ako." Awkward kong saad dahil ang sama ng tingin nya.


"Makikitira na nga kong kumain kapal pa." What?!

"Hoy! Yung kinakain ko lang po ay yung binibili ko rin. Yabang nito pangit naman."















_sorry po sa mga wrong grammar, aayusin kopo iyan pag tapos natong story nato. Thank you po sa pag intindi.☺️☺️_

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

💖LABYUU ALL💖

FOLLOW ME ON
IG: Queen_yhanz
TWITTER: Queen_yhanz
TIKTOK: Queen_yhanz
YouTube: Queen Yhanny
Facebook:Queen Yhanny WP/ Yhanzel Mae A. Pasol
Fb PAGE: Yhanzel mae A. Pasol

💞💞💞💞💞💞💞

Thank you berrymuch Yhannybabie💖 keep reading😘

~Queen_yhanny~

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now