Chapter fifty

703 16 0
                                    

"May gagawin pala ako bukas, baka hindi ako makakapasok ulit." Aniya. Nasa harap kami ng bahay ngayon, hinatid niya ako.

"Ganon ba. Hanggang kailan?" Hindi man lang ako nabigyan ng oras makasama siya.

"A week? I don't know." Bagsak ang balikat na pumasok ako. Naiiintindihan ko naman yun, work kasi. Pero miss na miss ko lang siya talaga.

Umalis din naman ka agad si Dark matapos sabihin yun, nag mamadali pa nga. Kaya ito ako, malungkot na pumasok.

***
Monday ngayon, paalis na sana ako ng pauwi palang si ate Kei. Sa'n na naman kaya galing ’to?

"Alis na'ko ate,"

"Wait, Tin. Akala ko may date kayo ni Dark? Sabi sakin ni Chr-- ng boss ko." Ani ni ate Kei,

"Po? Date? Wala po. Busy po iyun sa work niya," nagtatakang sagot ko kay ate.

"Ay ganon ba? Akala ko lang kasi, sabi kasi ng boss ko may naka reservation daw siya sa restaurant ng boss ko, akala niya nga may date kayo."

"Wala po, baka ka business niya lang ate."

"Baka nga,"

Yun ata yung kinabibuisihan niya, kawawa naman Dark ko. Babawi nalang ako sa kaniya pag free na siya.

Hindi ko na inisip yung sinabi ni ate dahil unang pumasok sa isip ko ay trabaho niya.

The next day ay hindi parin siya nag papakita. Tatlong araw na simula ng mag kita kami, text, call ay hindi ako nakaka receive mula sa kaniya. Ganon ba siya ka busy?

<<<To my handsome boss:

        Hi pogi kong boss, kamusta? Siguro sobrang busy mo at hindi mo na ako maalalang itext. But it's okay, I understand. Iintindihin ko lahat, titiisin ko yung pagka miss ko sa'yo. See you, baby."

                                            Sent>>>>

Pauwi na sana ako ng madaan ko ang mga katrabaho ko.

"Ma'am, gimik po tonight? Sama kayo?" Tanong ni Shaina.

"Sorry, Shai. Deretso uwi ako. Hanap na ako ng anak ko e," nag tawanan silang lahat na para bang biro ang sinabi ko. Well, bahala na sila. "Kayo nalang, next time nalang siguro ako."

Umuwi nalang ako at inasikaso ang anak ko.

"Mommy, why are you sad?" Tanong niya.

"I'm not sad, baby." At ngumiti.

"You're." She approached me to kiss while her two small hands covered my cheek.

"Am I?" Tumango siya. "Siguro namiss ko lang si Tito Dark mo,"

"I want to meet tito Dark, mommy!" Ani ng anak ko.

"You will baby, but not now. Tito Dark is busy." Pagpapaliwanag ko. Gusto ko na din silang mag kita para naman malaman nadin ni Dark ang tungkol sa anak ko.

***
Four days. Pero wala parin, still busy. But yeah, I understand. Iintindihin ko hanggat kaya ko. Hahabaan ang pasensya para sa kaniya, siguro talaga madami lang inaasikaso.

"Good morning, ma'am." Bati ni Shaina ng makasakayan ko siya sa elevator.

"Morning, Shai."

"Si ma'am, sabi kahapon may aasikasuhin, ’yun pala kasama lang si Mr. Maximo kagabe." Pang aasar ni Shaina sabay tulak pa ng mahina sa balikat ko.

"What do you mean?" Taka kong tanong, anong kasama?

"Sus ma'am, nag mamaang-maangan pa. Solid Justine at Dark kami ma'am kaya okay lang ’yan." Kung hindi lang ako napapaisip ngayon about sa sinabi niya kikiligin na ako.

"Wait, Shai. What do you mean that you saw me with Dark? I didn't go out last night."  Tsaka na nag ina ang reaction ni Shai nang makitang seryuso ako. Malapit na ang floor niya kaya mas nag tanong ako. "Nasa bar ba kagabe si Dark?" Tanong ko,

"Opo. Nakita po namin siya, actually binati pa nga namin e. And nakita kadin po namin,"

"Omyghod! Hindi ako lumabas kagabe, and apat na araw na kaming hindi nagkikita ni Dark!" Nagpapanic kong sabi.

"Hala ma'am, sure po talaga kaming nakita ka namin. Itatanong ko nga ulit sa mga kasama ko kagabe, baka namamalikmata lang ako."

"Yes, please. Hindi talaga ako lumabas kagabe." Lumabas na si Shaina at ako naman ay tumungo sa penthouse niya. Pero pag dating ko dun ay wala siya. I want to ask him. Ang sabi niya ay trabaho lang, pero baka nga trabaho lang talaga ang ipinunta niya sa bar? Pero paanong nandun ako? I mean, hindi naman sasabihin nila Shai na nakita nila ako kagabe kung wala talaga ako dun! Pero wala nga ako kagabe dun, then who's that girl? Damn you Maximo!

*RINGGGGGGGGG*

*RINGGGGGGGGG*

Pero walang sumasagot.

<<<<To my handsome boss:
    Where are you now? Can we met? I miss you.
         
                                         >>>>sent

But hours past ay walang Dark na nagpa ramdam, seriously? Iniignora na ba ako ng lalaking ’to? Naiiyak na ako sa mga iniisip ko. Kanina pa ako nag ooverthink.

"Dark," napasubsob nalang ako sa mesa ko at umiyak. I can't, gusto ko na siyang makita. I want to ask him, yung about sa restaurant and bar. Dark....

**

"Hey," nagising ako dahil sa may tumatapik sa balikat ko. Dali dali naman akong nag mulat dahil baka si Dark, pero ganon nalang ang pagka dismaya ko ng si Zander lang pala.

"Sorry nakatulog ako."

"Okay lang. Uwian na, mabuti pa at umuwi ka na at magpahinga," ngumiti ako sa kaniya at nag ligpit ng gamit. Aalis na sana ng may makalimutang itanong sa kaniya. Pero mag tatanong palang sana ako ng sumagot na ito.

"Wala akong sasabihin, Kate. Pasensya na, si Dark nalang ang kausapin mo." Nanlumo ako sa sinagot niya. Nag paalam nalang ako at umalis na.

Pag dating sa bahay ay sinalubong ako ng anak ko kaya kahit papano nabawasan ang lungkot ko. Buong mag damag akong nag isip sa mga nangyari. Pero ito ako, umaasang magpapakita na si Dark at magiging maayos kami. Kakalimutan ang mga sinabi nila dahil ayukong mawalay siya kung ano ngang meron dun.

Umuwi akong malungkot, ewan. Iba yung feeling ko sa mga nalaman ko.

Kinabukas ay matamlay akong pumasok, umaasang makikita si Dark mamaya. Gusto ko siyang makausap.

As usual, sa penthouse niya ako unang pumunta, pero ganon nalang ang tuwa ko na makita siyang kakalabas lang ng kwarto na na tuwalya lang ang saplot at mukang kakatapos lang maligo.

"Dark...." I miss him so much.

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now