Chapter twenty four- Don't flirt during work hours

797 17 0
                                    

"Amma! Lenlen miss you!" Rinig ko sa kabilang linya na saad ng anak ko. Halata sa boses nito na sabik na sabik ng makita muli ako.


"Pakausap nga kay Darklyn teh," ani ko kay ate Kei, nandito kasi ako sa loob at si Dark ay may pinuntahan lang kaya naka tawag ako kay ate.


"Sige teka, Lyn! Your mom want to talk to you." Rinig kong sabi ni ate.



"Mommy!" Napatakip ako sa bibig ng mag iba ang tawag ni Darklyn sa akin!



"What did you say again baby?" Hindi makapaniwalang tanong ko.




"Mommy!" Tuluyan nang nahulog ang mga nangingilid kong luha.


"Gosh! OMG Darklyn!" This is the first time dhe called me mommy!




"I miss you mommy!" Ramdam ko sa boses nyang namimis nya na ako, at ganon din naman ako. Gusto ko na nga syang tabihan ngayon sa pag tulog.




"I miss you too baby,"


"Who's that?" Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pag sulpot ni Dark.



"I call you later, baby."


"Okay mommy, love you po!"


"I love you too!" Binaba ko na ang tawag at buti na nga lang din hindi na nagtanong pa.




"Baby ko po." Sagot ko sa kaniya nang patayin ko ang tawag. Masama ang tingin nya sa akin kaya nagtatakang tiningnan ko sya.




"This is your second warning, huwag makipag landian sa oras ng trabaho." Masungit nyang saad at nilagpasan ako.



"Nakikipag landian?" Takang tanong ko sa sarili.


Si Darklyn lang naman ang kausap ko at hindi ako nakikipag landian? Naku, taong yun talaga mapagbintang. Wala nga akong kalandian eh!




"Sir! Lalabas muna ako ah! Mag iikot-ikot lang." Hindi ko na hinintay ang tugon nya at lumabas na nga.



Kahit sobrang init ay hindi mo parin mararamdaman iyun kasi ang lamig ng simoy ng hangin, ngayon ko lang na appreciate ang ganda ng isla. Nakaka relax nga at pa isa isa lang ang makikita mong tao dahil sa lawak ng isla. Kaya nga kailangan ng golf cart para makapunta ka agad sa patutungohan mo.


Napadpad ako sa medyo hindi mataong lugar kasi naka agaw ng pansin ko ang malaking bato dito, hugis ano sya ng lalaki! Yawa naman. Pakalat kalat ang ganito. Mahina nalang akong natawa at nagpatuloy sa paglalakad.




"Hi,"



"Ay tite!" Gulat kong sigaw sabay harap sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Shit! Aatakihin ako nito sa puso eh!




"Hahahaha! I'm sorry!" Naningkit ang singkit nyang mata. Ano to Koreano?




"Hala sorry din, diko naman sinasadya yun, nagulat lang talaga ako." Panghihinge ko agad ng tawad dahil sa sinabi.



"It's okay, ako nga dapat mag sorry kasi nagulat kita." Poging lalaki nito. Oo na! Halos lahat ng nakikita ko pogi, hindi naman pala lahat. Marunong lang talagang tumingin sa pogi mga mata ko. Pogi ba naman hanap.



"Okay lang yun," at binalik ang tingin sa dagat.




"Bakit ka pala napadpad dito?" Tanong nya at tumabi sa akin.




"Na curious lang ako sa banda dito, ahhha yung hugis ng bato kasi, uhmm-- heheh lam mo na." Nahihiyang saad ko.



"Hahah yeah. But that's not what I meant," napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Why are you here? In Temptation island?"



"Ahh! Heheheh, kasi ano, boss ko may business trip at yung ka business trip nya dito naisipang pumunta kaya napasama ako, secretary ako eh." Sabay balik ng tingin sa dagat. Ang ganda maligo, makaligo nga mamaya, ineengganyo akong maligo ng dagat eh, asul na asul kasi yung tubig.



"Hmmm. Same, napunta din ako dito dahil dun." Tumango nalang ako dahil wala nadin naman akong sasabihin.




"Do you want to eat some snacks?" Napansin kong hindi nya ako lulubayan hanggat hindi nagiging satisfied ang pag uusap namin. Mukang mabait naman sya, sa tagal ko ba namang waiter sa bar ay may nalalaman narin ako sa mga kinikilos ng tao.


Kahit na kakakain lang namin ng lunch ay medyo gusto ko naring kumain ng snacks kaya tumango ako. Ngumiti aya at iginaya ako pabalik sa dinaanan namin kanina.



"Please lang, huwag dun sa erotic caffe, hindi ko ata kayang kumain dun at kasama kapa." Tudo iling na saad ko. Nahihiya.



"Hahhaha, why? I mean, masarap naman mga pagkain dun kahit ibang klase. Ahahahah!" Pareho kaming natawa at napag desisyonan na hindi na nga sa erotic caffe kakain.



Kalaonan ay napadpad kami sa isang mini snack house na malapit sa dagat. Actually pag uupo ka lang naman matatanaw mo dagat agad.


"Ang ganda dito," sabay subo ng cheese cake na nilibre nya. Oo, walang hiya ako eh. Sasama sa kaniya eh wala pala akong pera na dala. Yawaen.



"Simula ng mapadpad ako dito, dito na ako kumakain, masarap kasi foods dito eh." Pansin kong napasulyap sya sa cashier.


"Asus, kita ko yun pare!" Pang aasar ko sa kaniya. Namumulang tumingin sya sa akin. Poging to talaga, kunwari pa. Pero maganda naman yung girl, kaya pala laging nandito to.





"She's pretty, right?" Tinapunan ko pa ng tingin ang babae na nahuli kong nakatingin kay??? Gago! Hahah! Sino nga pala ang lalaking to? Kanina ko pa kasama, nilibre na nga ako pero hindi ko parin kilala. Pero mamaya na yan.


Namula ang babae sabay iwas ng tingin nang makitang naka tingin ako sa kaniya.



"Yeah, she's pretty and shy?" Pag kokomento ko sa babae na sinang ayunan naman ng lalaking to.



"Alam mo pare, ahhaha! Kanina pa kita kasama at nilibre mo na ako pero hindi ko parin kilala pangalan mo." Sabay kaming natawa ng marealize nyang oo nga.



"Hahaha, I'm Clenton, how about you?" At nag lahad ng kamay.



"I'm Justine Kate," at tinanggap ang kamay nya.



Napag usapan uli namin ang babaeng gusto nya, na mukang nagseselos kasi may kasamang iba ang admirer nya at nakikipag tawanan pa sa akin. Gagang to, pagseselosan pa ako eh inaadvisan ko ang lalaking to kong paano mag first move sayo.


Magpapasalamat ka din sa akin balang araw!



"Are you sure about your plan?" Seryuso ulit na tanong ni Clen,



"Oo nga! Raulo kaba? Pinanganak kaba nung 70s at dimo alam paano dumiskarte ng babae?!" Kanina ko pa to pinagsasabihan pero panay naman tanggi, yung totoo? Kinukuha mo nga ba opinion ko?




"Hindi kasi ako sanay na mag first move, I always get my girl in one minute." My jaw drop. Seriously?




"Eh???? Alam mo bang minus nayan sa aming mga babae na ganon ka pala makitungo sa kapwa namin babae? Kahit dimo na sabihin alam kong lahat ng iyun, fling fling lang. Kaya kong ako sayo, mag bago kana. Para naman dumagdag din yan sa points mo sa kaniya." Ani ko na para bang mapapabago ang ugali nya.




"Totoo ba? Sige, I'll try." Ayun! Nag apir kaming dalawa at nag back to plan na, na how to get his crush.

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now