"Bye Clent!" Ani ko sabay wagayway ng kamay.
Hinatid nya ako sa room namin ng golf cart, napalayo na kasi kami kaya kapagod nang lakarin.
"See you soon Kate!" At umalis na.
"Who's that?"
"Ay tite!" Napatalon ako sa gulat sabay tingin sa likuran ko. "Ay sorry sir, jusko. Diko po sinasadya, nagulat lang talaga." Pang hihinge ko agad ng tawad dahil biglang sumama ang tingin nya sa akin..
"Saan mo na naman napulot yan?!" Patay na.
"Nasabi ko lang bigla, nagulat lang kasi talaga ako." But he won't buy my alibi.
"Hmmm, really?" Mapanuya nyang tanong. Problema naman ng boss kong to? "And who's that guy?"
"Ay si, Cleenton, isa din sa mga umattend sa party kagabe, we ate some snacks, sa beach malapit. Try mo din do'n, masarap mga foods nila." Akmang lalampasan na sya para mag bihis dahil maliligo ako ngayon sa dagat.
"Where are you going? I'm not yet done talking to you." Mahina man pero madiin nyang saad. Tipong nilabag mo ang kaisa isang pinagbabawal nya.
Nakayukong umatras ako, sabi ko nga hindi muna sya tatalikuran hanggat dipa tapos magsalita.
"Ano po yun sir!" Mas lalong nadipena ang kilay nya dahil sa pag tawga ko sa kaniya. Napanguso tuloy ako, hindi alam kong paano timplahin ang ugali nya.
"I'm asking, who's that guy? Why are you together?" Parang sinagot ko na ang tanong na yan ah? This is my personal Life! Charot. Hahahah!
"Si Cleenton nga po, nakilala ko sya kaninang tanghali, naglalakad po kasi ako sa dalampasigan kanina, and then inapproach nya ako, opo, sya po yung lumapit." Ang akala' y maiibsan ang pagka salubong ng kilay at pagka kunot ng noo nya, "Inaya nya akong nag snack, para naman hindi maging rude ay sumama narin ako, at para narin makalibot dito, and we talk some things and ayun, naging close kami and he ask me if I allowed him to see me in manila, so I said yes, kasi as a friend lang---" he cut me off.
"As a friend, really?!"
"Oo!" Inis na sa pang uusisa nya na wala na sa lugar.
"Don't talk to him again." Busangot ang muka at masama ang tingin na saad nya.
"At bakit? Mabait naman sya kaya okay lang."
"Paano mo masasabing mabait sya nang ganun ka iksing oras?" He smiled without humor.
"Kasi mabait yung tungo nya sa akin? And he treat me?"
"Tsk." At tinalikuran ako. Tamang tama lang kasi na kakarating lang din ng golf cart.
Bastos din. Papasok na sana ako ng magsalita uli sya.
"Where are you going?" Gusto kong mag martsa at singhalan sya kaso baka masisante ako.
"Sa loob sir, maliligo. Sama ka?" Huli na para bawiin na dapat ay joke lang pero parang mali sa pagkaka intindi nya dahil mas lalong nangunot ang noo. "Joke lang." Sabay bawi ko. "Magpapalit lang sana kasi gusto kong maligo." Ngayon ay hindi na naka arko ang kilay nya at hindi narin naka kunot noo.
"Go and change, I wait you here."
Parang nakakahiya naman na paghintayin sya kaya nagmamadaling pumasok ako at nag hanap ng maisusuot. Meron akong two-piece dito, hindi naman sa ready ako, talagang dinala ko lang.
Black two-piece sya na bagay sa akin, mas lalong titingkad ang balat ko. Nag suot nalang muna ako ng isang oversize t-shirt at short para matabunan muna ang two-piece ko, medyo nahihiya kasi first time kong mag two-piece sa beach.
Pagkalabas ko ay nando'n parin sya sa kinatatayuan nya kanina, napaayos lang ng tayo nang makita ako.
"Tara na Dark," sinipat nya ang damit ko mula paa hangang ulo, mukang satisfied sa outfit ko kasi kita kong tumaas ang gilid ng labi nito. Sus.
"Let's go."
Inalalayan nya akong maka upo hanggang sa makarating kami sa dagat.
"Ang ganda talaga dito, nakaka wala ng stress." Ani ko at bumaba. Gano'n din ang ginawa nya.
"Maliligo kaba?" Tanong ko sa kaniya.
"Later." Tumango ako at nauna nang pumunta sa dagat. Nag hubad ako ng short at damit, iniwan lang doon at patakbong nilusong ang tubig.
"Ang lamig!" Sigaw ko pero lumangoy parin.
Marunong akong lumangoy kasi ito ang bonding namin nila mama noon, natigil lang nang mawala sila.
Pag nagka free time ako, dadalhin ko din si Darklyn sa beach, ibabakasyon ko sya kasama sila nanay. Hehehh! Na excite tuloy ako.
Patuloy lang ako sa paglangoy, hindi naman ako lumalayo, kuntento na sa hanggang abot lang ng paa ko.
Natatanaw kong nakatayo lang si Dark sa hinubadan ko ng damit, nakatanaw sa akin kaya kumaway ako pero hindi man lang nagbago ang kunot noo nya at walang emotion na muka.
"Sungit naman." Lumangoy nalang uli ako hanggang sa may natatanaw na tao, lumalayong papunta sa akin.
Kinabahan ako pero nawala din agad nang makita kong sino 'yon.
"Cleen!" Masayang sigaw ko. Unexpected na magkikita kami dito.
"Kate," nang nakalapit na.
"Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ko.
"I'm just chillin around, nakita kitang lumalangoy kaya lumapit narin ako."
"Oom, yun kasi plano ko kanina nang ihatid mo ako. Pangit naman nun kung hindi ko man lang i-enjoy ang lugar nato." Nagkatingan kaming dalawa at sabay na tumawa.
Same vibes talaga kami, pareho siguro kami ng iniisip na, hindi man gustong mapadpad dito pero wala nang magagawa at i-enjoy nalang.
"Are you alone?" Takang tanong nya, hindi ata napansin si Dark na nakatayo sa dalampasigan.
"Uhmm, I'm with my---"
"She's with me," Pareho kaming nagulat ni Cleen dahil sa pag sulpot ni Dark.
"Ahh-Dark,"
"Ow, nice to see you Mr. Maximo, the arrogant business man." Pansin ko ang pag ngisi ni Cleen kaya napatingin ako kay Dark na ngayon ay hindi na naman naipinta ang muka. Bakit ba ganito to?
"Nice to meet you too Mr. Jason, the playboy business man I know." Gulat na napatingin ako kay Cleen, ang kaninang ngisi ay ngayon ay matalim na tingin na ang ipinukol kay Dark. Hindi alam kong anong sasabihin ko, eh parang sumapaw lang sa usapan nila ay isang malaking kasalanan.
"We have to go Mr. Jason, it's really nice to meet you here. See you around." Sabay hawak sa pulupulsohan ko. "Let's go, Kate."
Magpapaalam pa sana ako kay Cleen pero dahil sa bilis ng lakad ni Dark ay lingon nalang at tipid na ngiti ang naigawad ko.
Maka kaladkad to sa akin parang hindi tubig ang dinadaanan. Kainis. Pasalamat sya ang tangkad nya, samatanlang ako nasasabuyan pa ng alon ang muka. Para akong kinakaladkad nang isang magulang, walang magawa kasi pinagalitan.
YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
Roman d'amourJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...