Chapter forty four- Dinner date

612 14 0
                                    

"Diba sabi ko naman sayo itext o tawagan mo ako pag susunduin mo ako," ani ko sa kaniya habang pinag bubuksan niya ako. "Tingnan mo tuloy nag antay ka pa sa labas." Ayaw naman pumasok.

"I'm really okay. Besides I really like surprising you cause you look so funny when you're surprised." Sinabayan niya pa ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya huminto ito,

Nakakatawa ba talaga ako magulat? Aishh!!!!

"Sasusunod mag sabi ka na sa akin, hindi yung nag hihintay ka sa labas. Pinag p-pyestahan ka nang mga kapit bahay namin," ani.

"But--"

"No more but, Maximo!" At sinamaan siya ng tingin.

"Fine. Fine." Ngumisi ako dahil sa sagot niya.

Nakarating kami sa kompanya nang nagtatawanan.

Napapatingin tuloy sa amin ang mga empleyado, may naririnig pa akong usapan na kong ano daw ba meron sa aming dalawa. Hindi ko naman masasagot iyan dahil ako nga hindi rin alam kong ano kami. Nag aminan lang naman kami sa isat isa e.

"Good morning, Mr. Maximo, Miss Montiesh." Ani ng mga nakaka sabay namin.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko dito.

"Hindi pa. Hindi ako nakapag luto e, maaga kasi kitang sinundo." Aniya,

"Ayan, kita mo. Haytss... Gusto mo bang mag order ako?" Ani ko sa kaniya habang naghihintay kami ng elevator.

"No. Uhmmm, I'm craving for something...can you cooked for me?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Gusto ko kasing kumain ng mga luto mo ngayon," mali. Hindi lang pala ako ang nakatingin sa kaniya ngayon, kundi pati yung kasabay namin sasakay sa elevator.

"What do you want for breakfast then?"

"Yes!" Pumasok kaming dalawa kasabay ng mga naghihintay din. "Just a simple meal,"

Dumeretso kami sa penthouse niya. Kumuha lang ako ng mga madaling lutoin ngayon para makakain agad siya. Hindi rin naman ako nakakain kaya sasabayan ko narin siya. Habang nagluluto ako ng ulam ay nagsaing narin ako.

"Let's have a dinner later," naibaba ko ang kotsara na hawak ko at napatingin sa kaniya.

"Dinner?"

"Hmmm."

"Parang date?"

"Well... Susunduin kita mamaya, okay."

Tumango nalang ako ng may ngiti sa labi. Dinner date!

Bumalik na kaming dalawa sa trabaho hanggang sa napag desisyonan na naming umuwi.

"Huwag na, mag cocommute nalang ako." Ani ko. Makakabigay pa ako ng hassle sa kaniya.

"No. I'll send you home." Wala na akong nagawa nang pumarada ang kotse niya sa harapan namin.

Sumakay nalang ako sa kotse niya dahil no choice narin dahil pinag buksan na ako nito.

"Uhmm, mga five pm, okay."

"Hahaha okay!" Bumaba ako at nag pa alam na kaniya. "Thanks for the ride, ingat." Nag wave pa ako sa kaniya. Nang wala na ito ay ganon nalang ang kakatalon at tili ko dahil sa saya at kilig.

"Wah!! Omg!!!"

Patakbo akong pumasok sa bahay pero sinasalubong naman ako ni nanay na may dalang walis at ng anak ko na may dalang bottle.

"Jusko ginoo, Justine Kate! Akala namin kong ano na ang nangyare sayo," ani ni nanay na hinahabol pa ang hininga.

"Are you okay mommy?" Tanong ng anak ko.

"Pasensya na nay, anak. Heheh, kinikilig lang kasi si mommy." Ani ko sa anak ko.

"Mommy! Where's my ice cream?" Tanong niya kaya nag tataka naman akong tumingin sa kaniya.

"Ice cream?"

"Opo. You promised me last time that you would buy me ice cream," napa puot niyang sabi. How could I forget my daughter's ice cream?!

"Come on baby, let's just buy ice cream on 7/11. Sorry, nakalimutan ni mommy yung ice mo." Inaya ko din si nanay pero sabi ay magluluto pa daw siya kaya kami nalang ni Darklyn ang umalis.

"Baby, I have a dinner date later. Can I come?" Pag papaalam ko. Medyo kinakabahan pa kasi baka hindi pumayag ant anak ko.

"Date? With that handsome guy?" Tanong niya kaya natigilan ako.

"Uhmm, yeah." Huminto ako at umopo para mag pantay kami. Pauwi kami ngayon habang may kaniya kaniyang bitbit ng ice cream.

"Do you like him, mommy?" Woah! Two years old lang ba talaga ’tong anak ko? Bulol man mag salita pero bakit ganito??

"What if I love him? Hindi ka ba magagalit?" Kinakabahan kong tanong. Talagang dito pa sa tabing kalsada ko ito tinanong.

"Well, ninang ganda said he's not a bad guy, he always hatid and sundo you. He is also a hardworking guy, and ninang ganda said kaya niya raw tayong dalawa buhayin." Nahulog ko ang ice cream na dala ko, unti nalang naman pero sayang. Si Darklyn kasi e...

"What? Did she really say that?!" Gulat kong tanong sa anak ko. Ate Kei naman!!!

"Yes. And I think ninang ganda is right. So yes mommy. You can have a date later. Let's go home, you need to prepared your self." Sabay hawak sa kamay ko,

Umuwi kaming dalawa, naligo na ako at nag bihis. Syempre naman nag bihis ako ng bagay naman sa pang dinner date.

"Baby, maganda na ba si mommy?" Tanong ko sa anak ko na naka upo sa kama at nanunuod habang nag aayos ako sa harap ng salamin.

"Yes mommy. You always pretty anyway." Jusko. Kahit ako naninibago sa tabas ng dila nang anak ko. Sobrang daldal at talino.

"Tama ’yan nang. Love you,"

"Love you too, mom."

Bumaba na kaming dalawa at tamang tama na kadarating lang ni Dark.

"Bye nanay,"

"Bye, Darklyn." Humalik lang ako sa noo niya bago siya tumakbo papuntang sala para manuod ng barbie. Pinapayagan ko naman siyang manuod ng mga cartoon minsan, ayuko kasing binabawalan siya sa lahat ng bagay. Gusto ko rin maging maganda ang childhood niya.

Ayaw man lang ako ihatid sa labas.

"Good afternoon po madam," yumoko pa siya ng kaunti nang makita si nanay.

"Good afternoon hijo, ingatan mo ang anak ko, okay. Ibalik mo ng buo at walang labis." Natawa ako sa sinabi ni nanay pero muka atang seneryuso ng isang ’to.

"Maliwanag pa po sa buwan, madam." Pftt----

"Alis na kami, nay." Nagpaalam kaming dalawa at umalis na. Yung mga kapit bahay namin naka tingin na naman sa amin. Hayts. Yan lang naman gawain nila araw araw e. Bantayan ang kapwa tao nila. Tsss....

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now