Chapter thirty three- pahinga

680 14 0
                                    

"Okay lang ba yung damit ko, teh?" Tanong ko kay ate Kei, nasa kwarto ko kasi siya ngayon. Tinutulungan akong mag ayos, ngayon na kasi yung kasal ni Shaina. dadaanan nalang rin daw ako ni Mr.  Maximo dito para sabay na kaming dumating.

"Oo, okay na okay. Ganda at ang sexy mo. Kinabog mo pa ’yung ikakasal." Natawa ako sa papuri ni ate,

"Thank, teh." I'm wearing a fitted tube dress.

Tama nga si ate, bagay na bagay sa akin ang suot ko ngayon. Napapangiti nalang tuloy ako dahil sa nakikitang reflection sa salamin.

"Saluhin mo yung bulaklak mamaya a, malay mo talaga si Dark na ang para sa' yo." Inirapan ko lang siya.

"Pinagsasabi mo ate, hahah. Imposible." Ani ko at tiningnan ulit ang sarili sa salamin bago tumingin kay ate.

"Papaalam lang ako kay Darklyn, teh." Natatawang umiling si ate,

"Hay nako, ang mama na ang nagpapaalam sa anak." Natawa rin ako dahil sa sinabi ni ate.

Bumaba ako para mag paalam kay Darklyn,

"Sweetie," tawag ko sa kaniya.

"Mhie!" Lumapit ako sa kaniya,

"Aalis na mayamaya si mommy a, uuwi din ako agad. Behave ka dito. Wag bigyan ng sakit nang ulo si mama lola, okay?" She just nodded.

"Good girl," i kissed her lips,

Mayamaya pa ay may bumosina na sa harap ng bahay. Sinilip ko at kotse nga ni sir iyun.

"Alis na po ako, Darklyn behave ka a. Babalik din si mommy agad." Tumango lang siya, nag paalam narin ako kila ate, Lander at nanay.

"Saluhin mo yung bulaklak, girl." Panunukso ni ate.

Tinawanan ko lang siya at lumabas na.

"Good morning, sir." Bumaba pa ito para pag buksan ako. Nakatanaw sila ate sa amin sa bintana. Naririnig ko pa nga ang mahina niyang tili. Napailing nalang ako,

"You look so beautiful today." Today...

"Ikaw rin, gwapo mo ngayon. Ngayon lang," natawa siya ng mahina.

"You always pretty but you're stunning today." Inirapan ko nalang siya at pumasok na. Pumasok narin siya at umalis na kami.

Wala naman kaming naging usapan sa byahe, nandito narin kami dahil hindi naman kalayuan ang venue.

"Wow! Ang gara naman ng kasal nila," garden wedding ang pinili ni Shaina, bagay naman sa kaniya yun. At ang ganda ng place,

"Yeah. Do you want a garden wedding too?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Uhmm, pwedi rin. Pero mas gusto ko sa simbahan. Wala lang, para sa akin kasi mas romantic yung sa simbahan," pero paiba iba naman tayo e, si mama at papa kasi sa simbahan kinasal,

"Gusto ko rin sa simbahan," ngumiti nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nag umpisa ang wedding ceremony, magkatabi lang kami ni Dark dahil bisita lang naman kami.

"Ryan, do you take Shaina Mendez to be your wife, to live together, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her, in sickness and in health... forsaking all others, for as long as you both shall live?"

Napalingon ako sa katabi, nagulat ako dahil nakatingin din pala ito sa akin.

"Yes, I do!" Nakatingin lang kami sa isat isa. Hindi ko alam bakit parang magnet ang mata naming dalawa,

"Shaina, do you take Shaina Mendez to be your wife, to live together, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her, in sickness and in health... forsaking all others, for as long as you both shall live?"

"Yes, I do!" I mounted,

Nakatingin lang kaming dalawa sa isat isa, na para bang kami yung kinakasal. Mga tingin niyang grabe makaapekto sa akin ngayon.

"Woah!!!" Tsaka ko lang na realize kong anong ginawa ko nang magsihiyawan ang mga tao.

"Shoock!" Ano bang pinag gagawa ko,

Lumapit nalang ako kila Shaina para batiin sila.

"Congrats, Shai." Nakangiti kong sabi.

"Congrats Mrs. Guavez, Congrats pre," pre?

"Thanks, Dark. Salamat at nakadalo ka," oh? Magkakilala pala sila,

" Thanks for inviting me," pagkatapos ng batiang naganap ay dito narin ang reception nila. Sa kabilang building nga lang.

Katabi ko sa upuan si Dark, kumain lang kami ng tahimik. Naiilang akong tumingin sa kaniya dahil sa nangyare kanina.

"Kiss!"
"Kiss!"
Hiyawan ng mga tao, nakihiyaw nalang din ako.

Nag kiss nga sila kaya tudo ang hiyawan namin. Live happily ever after, Shaina and Ryan.

Nagkayayaan pa ng inuman, hindi naman makatanggi si Dark dahil ang groom na mismo ang umaya sa kaniya, kaya ito ako nakaupo sa tabi niya.

Sinabi ko naman do'n lang ako sa mga ka works mate ko pero ayaw niya naman, kaya ito ako. Sumisimsim ng juice dahil ayaw rin painomim. Ewan ko ba anong nangyayare sa lalaking to.

"Uhmm, sir. Punta lang ako dun," sabay turo kila Chine, mga katrabaho namin.

"No, stay here. We're going home later, so... Stay." Grabe naman, edi stay.

Apat na baso lang ang naubos kong JUICE nang ayain ako ni Dark na umuwi na.

"Wait, hindi naman ito patungo sa bahay a." Ani ko ng mapansing ibang direction ang tinatahak namin.

"Yeah. Samahan mo muna ako, may pupuntahan lang." Hmmm? Okay.

May tiwala naman ako sa lalaking ’to e. Kung irerape ako nito, baka lugi pa siya. Hahhaha! Joke. Ano bang pinag iisip ko.

"We're here," tsaka ko lang namalayan na nasa isang parke pala kami.

"Anong ginagawa natin dito ngayon?" Hapon na at wala ng init. Pagabe na kasi,

"I just want to freshen up my mind," he said.

"Well, maganda naman ang lugar para sa taong gustong mag muni-muni, kaya sige lang sir. Sasamahan kita pero behave lang ako." Ani ko,

"This place is my pahinga, ang ganda at napakatahimik, sariwa din ang hangin dahil sa mga puno." Aniya habang naglalakad, nakasunod lang ako sa kaniya pero may tamang distansya para pagbigyan siya ng space.

Siguro na iistress lang siya sa work kaya kailangan niya ng mga ganitong vibes. Hayts, mahirap din kaya trabaho ng CEO, lahat naka salalay sayo,

"Dinala kita rito, kasi feeling ko kailangan mo rin ’to." Sabay baling sa gilid pero nang mapansin hindi wala ako do'n ay lumingon siya. "Why are there?" Naka kunot noong tanong niya,

"Para bigyan kayo ng space,"

"Did I asked you that?" Sungit. Lumapit nalang ako sa kaniya at tumabi,

"Good." Nagpatuloy lang kaming dalawa sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa may swing, ano? Gusto niyang mag duyan?

"Let stay here for a minute." At umopo sa isang swing, umopo rin ako sa katabing swing.

Tumingala ako sa langit na ngayon ay madilim na, hindi rin naman gaano ka dilim dito dahil may mga ilaw na.

"Ang ganda dito," ani ko

"Hmm, sobrang ganda." Aniya kaya napalingon ako sa kaniya at naabutan siyang nakatingin sa akin.

Yung tingin na pareho kanina sa kasal. Bakit ganito ’ito makatingin?

"Ang ganda," aniya habang nakatingin sa mga mata ko ng seryuso.

Habang nakatingin din ako sa kaniya ay bigla ko nalang naririnig ang kalabog ng dibdib ko, mga paro parong lumilipad sa tiyan ko. Bakit nararamdaman ko ’to?

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now