Farrah
Pagkatapos ng gabi na iyon ay nanatili lamang ako sa kwarto. Hindi ako dumalo sa kasiyahan at nagtalukbong lamang ako ng kumot.
Napuno ng kalungkutan ang aking puso dahil sa mga nangyari.
"Meow." Umupo sa harap ko ang tatlong kuting. Sinuklay ko ang balahibo nila at pinaglaruan naman nila ang kamay ko. Kinagat-kagat nila ito.
Tumingin ako sa kalangitan. Maganda pa rin ang tanawin ng kalangitan kahit kakatapos lamang ng ulan. Hinayaan ko lamang mag-pahinga si Theo dahil sa mga sugat n'ya at ang kambal naman ay nasa mansion na nila.
Ang hari naman ay nasa palasyo ng reyna, "Mukhang tayo-tayo na lamang ang magkakasama rito." Pag-kausap ko sa pusa.
Tinitigan ko ang mga pusa, "magsalita kayo, promise hindi ko sasabihin sa iba."
"Meow."
Hayst, kunyare pa.
Inilabas ko ang kutsilyo na pinagawa ko kay Tristan. May bahid pa rin ito ng dugo mula sa Prinsipe, "Magagalit kaya si Kian sa'kin?" Tanong ko sa aking sarili.
Gusto ko lang naman bumalik sa mundo namin, hayst. Hindi ko pa nga tapos yung mga pinapanood kong k-drama.
Wala namang mangyayari kung mag-kukulong ako sa kwarto! At isa pa, nagugutom na ako.
Bumangon ako at tinupi ang kumot. Lalabas na sana ako nang sumunod ang dalawa sa'kin maliban sa isa, "Sasha, tara kakain na." Lumapit ako sa kanya upang hiyikatin s'ya maglakad pero kahit isang tunog wala s'yang nilikha.
Binuhat ko s'ya, "Ayos ka lang ba?" Pagtataka ko at sinuri ang kanyang katawan.
Pinagkumpara ko s'ya sa dalawang kuting na mas mataba at malusog kaysa sa kanya. May sakit si Sasha, "W-Wala akong alam na pagamutan dito.." Usal ko.
Tsk, it's now or never.
Kinuha ko silang tatlo at ibinalot sa isang tela. Nag-suot ako ng cloak na nakita ko lang sa aparador. Bakit pa kasi pati pantulog naka-gown.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at yung mga kawal natutulog. Tulog pa more.
Talented sila, natutulog sila nang nakatayo.
Lumabas ako at hinanda si Levi, "Tara na." Kausap ko sa kabayo at mabilis s'yang pinatakbo upang mas mabilis din kaming makarating sa bayan.
Pero, naaalala ko si lola sa lugar na 'yun..
Dahil sa bilis ng takbo ng kabayo ay agad ko itong inilihis ng daan nang biglang may tumawid. Nahulog ako mula sa kabayo habang nakayakap sa mga kuting.
Maayos lang ang lagay nila, "B-Binibini, ayos ka lang ba?" Tanong ng isang lalaking may hawak na lampara at may salamin rin s'ya na suot. Wowers, gwapo s'ya.
Gwapo s'ya pero yung tanong n'ya ang tanga lang. Ayos pa kaya ako kapag bali-bali na buto ko nang mahulog ako sa kabayo? Jusko kuya pogi ha.
Tumango ako, "Ikaw, ayos ka lang ba?" Tanong ko at tumango s'ya. Kunyare good girl tayo. Charot.
"Anong ginagawa mo sa labas binibini? Alam mo bang gabing-gabi na?" Pagtataka n'ya. Aba malay ko, wala akong orasan.
"Kailangan kong dalhin ang mga kuting sa pagamutan." Sabi ko.
Ngumiti s'ya, "Kaibig-ibig, binibini."
Balak ko sanang tumayo kaso ayaw ng paa ko, "Wag ka nang tumayo binibini baka masaktan mo pa ang iyong sarili." Sabi n'ya at binuhat ako. Ang arte lang talaga ng paa ko kuya, nandyan ka kasi e.
"Salamat." Sabi ko. Wala rin naman ako nagawa dahil maamo rin ang kanyang mukha. Sige lang po.
Nakasunod lang din sa'min si Levi. Mabuti na nga lang ayos lang din s'ya kasi wala akong masasakyan pauwi.
"Hindi ka taga-bayan?" Tanong ko.
"Hindi ako nakatira sa bayan na 'yun, doon ako sa kabilang bayan." Sagot n'ya. Tumingin ako sa bayan na tinutukoy n'ya, maliwanag ang lugar na hindi kalayuan.
"Mabuti nga ay wala pang nagaganap na mga gulo at mga utos mula sa hari dahil kung meron ay hindi ganito kasaya ang bayan namin." Saad n'ya.
"Ilang bayan ang mayroon sa lugar na 'to?" Tanong ko. Nag-isip s'ya, "Siguro, hindi lalagpas lima dahil marami rin ang namumuno." Sagot n'ya.
"Kapag nagkaroon ng siraan ang mga emperyo tiyak na kayo ang madadamay, diba?" Paninigurado ko at tumango s'ya. Well, uso naman talaga 'yang siraan lalo na sa gobyerno namin.
Pag-dating namin sa bayan ay napagtitinginan kami ng mga tao. Sinong 'di mapapatingin sa'min e' ayaw n'ya akong ibaba at pinasuot n'ya yung kapuisa ko para 'di raw ako makita.
"Sino 'yang dala mo, Kai?" May isang lalaki ang nag-tanong. Ayon sa anino n'ya may kaliitan s'ya, bata?
Bumuntong hininga si Kai, "Pasyente ko."
Pumasok sa isang bahay si Kai. Madami ring mga tao na nagsasaya, "Aguni, Paki-akyat dito yung mga gamit ko, salamat." Ngumiti pa si Kai bago umakyat sa pangalawang palapag.
Marahan n'ya akong ibinaba sa lapag at itinupi ang manggas n'ya, "Ano ang problema?" Tanong n'ya.
Inilapit ko sa kanya si Sasha, "Hindi ko alam ang gamot pero may sintomas s'ya ng lukemya." Sabi ko.
Pinakalma ko si Sasha para makahiga s'ya sa lapag, "Lukemya?" Pagtataka ni Kai.
"Sakit ito sa dugo ng tao pero iba naman ang sa pusa." Sabi ko. Ibinuka ko ang bibig ni Sasha upang makita ni Kai ang gums ni Sasha, "Sa tingin mo? Anong maaaring gamot sa kanya?" Tanong ko.
Marahan s'yang tumawa, "May taglay kang katalinuhan binibini." Saad n'ya at sinuri pa ang iba't ibang parte ng katawan ni Sasha. Sana lahat may taglay na talino.
Hinayaan ko lamang gumala ang dalawang kuting. May umakyat ng hagdan, "Pinuno, 'eto na ang mga gamit mo." Inilapag ng lalaki ang isang kahon.
"Salamat, maaari mo rin ba na kuhaan ng pagkain ang pasyente na naririto?" Utos ulit ni Kai at tumango si Aguni bago bumaba.
"Napakabait mo namang pinuno." Paghanga ko.
"Hindi rin, madami na rin ang napahamak dahil sa'kin." Sabi n'ya, "Sinisisi mo ang sarili mo?" Tanong ko at tumango s'ya habang ginagamot ang pusa.
Itinapat ko ang kamay ko sa bibig ni Sasha para ma-distract s'ya kapag tuturukan s'ya ng gamot, "Manatili ka na muna rito tiyak na delikado kapag umuwi ka pa sa oras na ito." Sabi n'ya.
"At, kailangan rin na manatili ng pusa rito." Dugtong n'ya.
Tumango ako, "Alam ko, kailangan ko ring iiwas ang dalawang kuting sa kanya."
Tumawa s'ya, "Matalino ka nga talaga."
Umakyat si Aguni at inilapag sa tabi namin ang pagkain. Pinasalamatan s'ya namin at sabay na kaming kumain ni Kai, "Pspspsps.." Pagtawag n'ya sa pusa at hindi lumapit ang dalawang pusa sa kanya.
"Jean at Connie ang pangalan nilang dalawa." Sabi ko. Tumawa s'ya, "Binigyan mo talaga sila ng palayaw. Jean, Connie." Lumapit sa kanya ang dalawang pusa at kinulit s'ya.
Binigyan n'ya ng pagkain ang dalawa, "Anong kakainin ni Sasha?" Tanong ko.
"Sasha ang pangalan nung may sakit?" Pagtataka n'ya at tumango ako, "Kumain ka na muna at kukuha lang ako ng gatas ng baka." Sabi n'ya at bumaba.
Hinubad ko ang cloak at bumungad sa braso ko ang malaking sugat. Bumuntong hininga na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasyA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...