80. Joyously

89 2 0
                                    

"At sino naman ito?" Maging si Lai ay nagulat nang magdala ako ng lalaki sa kaniyang bahay, "at anong silbi ng nakabalot diyan sa mukha niya?" Sinubukang hilain ni Lai ang panyo sa mukha ni Elias ngunit tinabig naman ito ni Elias.

"Aydehart, sinasabi ko na sa'yo. Lalong manganganib ang buhay mo nito." Buntong hininga ng doktor at iniwan muna kami sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Pagtataka ko.

"Aydehart?" Tanong niya rin.

"Ako ang unang sagutin mo." Sabi ko. Bumuntong hininga siya bago magsalita, "hindi na ako maaaring manatili sa palasyo nang wala ka. Nga pala, hinatid ko na sina Eren sa kanilang patutunguhan, ligtas na roon huwag kang mag-alala, ang kapatid ko naman ay nasa norte, mas ligtas siya roon sa tiya ko." Paliwanag niya.

"Ako naman, sinong Aydehart? at bakit ganiyan ang hitsura mo?" Pagtataka niya.

"Bagong pangalan at bago kong anyo, hindi na ako maaaring bumalik sa gitnang emperyo kung puro na lamang gulo ang nagaganap doon." Sabi ko.

"Ayan ang problema minsan sa'yo, minsan sumusugod ka sa labanan nang walang sandata, ngayo'y tatakbuhan mo nanaman ang mga responsibilidad mo." Pagsermon niya sa'kin.

Napabuntong hininga ako, "patawad, gagawan ko naman ng paraan... matatagalan lamang ako. Anong ganap doon?"

"Ayon, yung prinsipe mo nagwawala nanaman. Balita ko kay Fergus ay palaging umuuwing lasing daw 'yun sa palasyo nila kaya palagi sila nag-aaway ng kaniyang ama." Tugon niya.

'Babalik naman ako, ang prinsipe na iyon...'

"Kumusta si Julia?" Tanong ko.

"Ang asawa ng Prinsipe Aifrel? Balita ko'y ipapanganak na niya ang kaniyang anak sa susunod na dalawang buwan. Hindi na ako maaaring bumalik sa palasyo dahil minsa'y naroon ang Prinsipe Liam, doon siya nagpapahinga dahil umaasa siyang makakabalik ka agad." Paliwanag nito.

"Ano ang balita tungkol sa'kin?" Tanong ko.

"May balita na pinatay ka ngunit pinipilit ng Prinsipe Aifrel na nawawala ka lamang upang hindi lumala ang sitwasyon." Tugon niya. At isa pa, "paano mo nalaman na narito ako?" Tanong ko.

"Sinabi ni Jace na ipinadala ka niya sa Ehipto at hindi naman madali makapunta roon nang hindi dumadaan sa Romanus. Ang buong akala ko nga ay nakaalis na kayo rito... mabuti naman at naabutan pa kita. Ikaw? Paano mo nalaman na naroon ako?" Nagtanong din siya pagkatapos sagutin ang tanong ko. Ano bang klaseng bonding 'to?

"Nag-eensayo ako para sa sarili ko. Lumakas ang pakiramdam ko sa paligid kaya nalaman kong naroon ka." Kasagutan ko.

"Nakakahanga naman iyan. Hayaan mo, kapag nakarating tayo sa Ehipto, babalik pa rin ako sa gitnang emperyo upang makibalita." Anito.

Umiling ako, "hindi, manatili ka muna sa norte kasama ang kapatid mo. Kailangan kong gawin ito nang mag-isa, babalitaan kita sa pagbabalik ko at kasama ka na sa gitnang emperyo."

"Malaking ganapan ba? Ilang taon ang itatagal?" Tanong niya.

"Siyam." Sagot ko.

"Kumusta nga pala ang kalagayan mo?" Bumaba ang tingin niya sa aking tiyan, "pumayat ka ba? Bakit hindi kapansin-pansin na nagdadalang tao ka?"

"Wala na ang bata, nalason ako ng pagkain sa gitnang emperyo at... nakunan." Tugon ko.

Napabuga siya ng hininga at humiga sa kama, "nagbago ka, prinsesa..." Anito.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko.

"Sa totoo lamang, mas bagay sa iyo ang ganiyan... maikli at kulay pulang buhok, gumanda ka lalo." Pag-hanga nito.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon