53. Conscientious

136 11 0
                                    


Farrah

"Maligayang pag-babalik, mahal na prinsesa." Pag-yukod ni Theo at marahang inalis ang balabal na suot ko.

Nauna na akong bumalik sa palasyo at susunod naman si Aifrel mamaya kasama si Julia at ang iba pa. Mananatili kasi ang Duke Cain, Prinsesa Thana, at ang mga kapatid nito sa gitnang emperyo.

Si Liam? Nagpapahinga na, nag-iwan naman ako ng mensahe para hindi s'ya ma-baliw nanaman. Biro lang.

"Si ama?" Tanong ko kay Theo habang nag-lalakad.

"Nasa silid pambisita, kamahalan." Tugon nito at nanguna sa paglalakad upang ako'y samahan papunta roon.

'Nariyan na nga ang bisita.'

Una s'yang pumasok sa silid upang ipaalam kay ama na naririto ako.

"Maiiwan ko na muna kayo, kamahalan." Yukod ni Theo sa'kin at lumisan.

Tumayo si ama, ang kambal at ang... tiyak akong magulang nila ito. Binati nila ako na may ngiti sa kanilang mga labi.

"Totoo nga ang mga salitaan na napaka-ganda ng unica hija mo, Solomon." Papuri ng lalaking nay katandaan. Tiyak akong hari ito ng Amekrana.

"Ama, mag-usap nga tayo." Hindi ko pinansin ang puri ng hari.

"Mahal kong prinsesa, maaari naman tayong mag-usap mamaya pagkatapos ng maliit na pagpupulong na ito, diba?" Nginitian pa ako ni ama.

Dahil ayaw ko naman mambastos sa araw na 'to..., "maliwanag."

Pinaupo ako ni ama sa kanyang katabi, katapat ang pamilya ng namumuno sa Amekrana.

"Parang diwata!" Ngayon ko lamang napansin ang batang babae na kasama nila. Nagtatago sa ilalim ng lamesa.

Sinuway s'ya ng kanyang dama at hinila palabas ng silid.

"P-patawad sa ingay na likha ng aking anak." Sambit ng reyna.

"Maliit na bagay." Nginitian ko ito.

"Oh! Nga pala... Farrah, ito nga pala ang kambal na si Venimus at Poisonus." Pakilala ni ama.

Ang dama naman ni ama ang nag-paliwanag ng details, "sila ang napili ng hari na magiging kerida mo, nagustuhan mo ba mahal na prinsesa?" Tanong ng dama.

"Napaka-gandang sining." Pag-hanga ko.

Kailangan ko rin makisabay at mag-panggap sa harapan nila.

'Venimus ang nasa kaliwa, Poisonus ang nasa kanan...'

Tiningnan ko nang mabuti ang kanilang kaibahan upang matandaan ko kung sino sila, alam ko ang mga posibleng mangyari kung hindi ko kilala kung sino si Venimus at sino si Poisonus.

Napansin ko na may nunal si Venimus sa ibaba ng lower eyelid n'ya sa kanan. Mas masigla ang mga mata ni Poisonus kaysa kay Venimus.

Kahit magkamukhang-magkamukha sila, may pinagkaiba pa rin naman sila.

"Maaari bang tapusin na ang pagpupulong na 'to? Hindi ko naman na kailangan ng kerida." Sabi ko.

"Farrah..." sambit ni ama.

"Kaya nga kailangan kitang kausapin tungkol d'yan." Bulong ko sa kanya.

"Totoo nga ang balitang may namamagitan sa inyo ng prinsipe mula sa silangan, tama ba prinsesa?" Nakangiting sabi ni Poisonus.

"Wala namang hindi pa nakakaalam tungkol sa balita na 'yan, hindi ba?" Tanong ko pabalik at natahimik s'ya.

"Wala pang kasalang magaganap kaya may karapatan pa rin naman ako." Sabi ni ama.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon