60. Peace or War

168 9 0
                                    

Farrah

"Hmm...hm...hmm..." I'm humming a song while walking at the garden. Hinawakan ko rin ang mga halaman at bulaklak dahil napakaganda nito. Napaka-bango rin pala ng mga bulaklak, parang perfume.

"Aray." Sambit ko at agad na inialis ang aking daliri mula sa halaman nang matusok ako ng tinik ng bulaklak. Pinisil ko agad ang sugat ko at may lumabas na dugo mula doon. 

"Magandang umaga, kamahalan. Maistorbo ko lamang po kayo, hinahanap ka ng iyong mga bisita sa kapihan ng palasyo." May dumating na kawal. Bumaling ang paningin n'ya sa aking kamay.

"A-Anong nangyari kamahalan? Nasugatan mo ba ang iyong sarili?" Nag-alala ito at nilapitan pa ako.

"Ayos lang ako, sino ang mga bisitang nag-hahanap sa akin?" Tanong ko.

"Ang Prinsipe Shin at ang dukesa ng Hashi na si binibining Alejandra kasama ang nakababata nitong kapatid na si Henry." Anito.

"Dideretso na lamang ako roon, nakahanda na ba ang tsaa at ang panghimagas para sa kanila?" Tanong ko at nag-simula nang maglakad pabalik sa palasyo.

"Ihahanda pa lamang, may gusto ka pa bang ipahanda maliban sa panghimagas, kamahalan?" S'ya naman ang nag-tanong.

Napatigil ako sa pag-lalakad nang mahagip ng mata ko si Christienne, nag-tagpo ang paningin namin ngunit s'ya ang unang lumihis. Hindi ko alam kung ano ang nag-himok sa'kin para habulin s'ya.

"Christienne." Banggit ko sa kanyang ngalan sabay hawak sa kanyang braso. Hindi ko na alam ang susunod kong linya.

"K-Kamahalan, may ipapagawa ka po ba o maaari mo na akong bitawan." Aniya. Ano ba ang relasyon ni Farrah at ang babaeng 'to?

"P-Patawad." Salitang lumabas sa bibig ko.

Gulantang ang ekspresyon nito at ikinalma ang sarili. Huminga ako nang malalim, "kung ano man ang nasabi kong dahilan ng hnanakit mo, patawad." pag-hingi ko ng tawad at yumuko pa sa tapat n'ya.

Pinigilan n'ya pa ako, "K-Kamahalan, wala kang kasalanan. Pasensya ka na at inabala pa kita." Aniya.

Niyakap ko s'ya. Ito lamang ang magagawa ko para matapos ang hindi pagkakaintindihan sa relasyon ng babaeng 'to at ni Farrah.

Alam kong mababaw lang ang ginawa ko pero... sapat na iyon para matanggap n'ya.

"Ngayon, kung maaari sana'y dalhan mo ako ng panghimagas sa kapihan habang nagaganap ang maliit na pagti-tipon." Pag-ngiti ko.

Ginantihan n'ya ito ng malapad na ngiti at yumukod bago umalis sa kanyang pwesto.

Nang lumisan s'ya ay nawala na rin ang ngiti ko sa labi at nag-simula nang mag-lakad. Nakasunod lamang ang kawal sa'kin at inaantay ang ipag-uutos ko.

Nasa tapat na ako ng pinto sa kapihan. Bago ko buksan ang pinto ay  nag-bigay muna ako ng bilin, "bantayan mo ang labas ng pinto, si Christienne lang ang papasok sa loob. Wala nang iba."

Sinulyapan ko ang kanyang pag-tango bago pumasok sa loob ng silid.

Nadatnan ko si Shin na kaswal na naka-upo sa kutson, naka-dekwatro pa ito. I assume, these other two person are Henry and the duchess of Hashi.

Nasa kutson din ang dukesa at base sa mukha nito ay bagot na bagot siguro s'ya sa kahihintay sa'kin. Si Henry naman ay naka-tanaw sa bintana.

"Paanong magpa-pakasal ka agad sa prinsipe ng silangan, Farrah?" Napatayo pa ang dukesa at nag-simula nang sumumbat.

"Paki-usap, kumalma ka lamang." Sambit ko at umupo sa malambot na upuan katapat sila.

"Tama ang prinsesa, kumalma ka lamang. Bukas na ang kaarawan ng prinsesa, hindi ka ba masaya para sa kanya?" Ngisi ni Shin at inakbayan ang dukesa.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon