Aifrel
"Farah, saan nanaman ang iyong punta? Kakailanganin ka rito." Pinigilan ko si Farrah.
"Hindi ako lalayo, huwag mo nga iwan ang iyong asawa." Pag-pumiglas s'ya mula sa'kin.
"Galit ka pa rin ba sa sinabi ni ina kanina? Para naman sa ikabubuti mo 'yan-"
Nakatanggap ako ng palo sa ulo mula sa kanya, "aray! Para saan naman iyon?!"
"Naiintindihan ko si ina at hindi ako galit, maglilibot lamang ako sa gitnang emperyo upang maging pamilyar sa paligid!" Iritang sabi nito.
Naalala ko naman na si Hana pala ito at hindi ang tunay kong kapatid.
"Pagtakpan mo muna ako, salamat!" Mabilis syang pumasok sa kalesa at umalis.
"Agh! Malalagot ka sa'kin pag-balik mo." Inis na usal ko at bumalik sa palasyo.
Agad akong tumakbo papasok sa palasyo upang puntahan si Julia.
"J-Julia!"
"Ano?! Kingina." Iritang sambit nito habang inuusisa s'ya ng doktor.
"Patawad, akala ko kung napano ka na. Kumusta? May masakit ba? Nagugutom ka ba?" Sunod-sunod na katanungan ko nang makalapit ako sa kanyang tabi.
Hinampas n'ya ako, "manahimik ka nga!"
"Oo na..." Usal ko at tahimik na umupo sa kanyang tabi.
"Mahal na prinsipe, pinapatawag ka ng hari sa silid-kumperensya." Pag-pasok ng isang kabalyero sa silid.
Tiningnan ko muna si Julia. Inirapan n'ya ako, "pumunta ka na nga roon." Aniya.
"Paano ang halik ko?" Pag-nguso ko sa kanya.
"Gusto mo?" Tanong n'ya at mabilis naman akong tumango.
"GUSTO MO PADUGUIN KO NGUSO MO?! ALIS!"
'Grabe naman ang babaeng 'to, ayaw talaga magpaawat.'
Nagkunyari akong malungkot na sumunod sa kabalyero. Pagkalabas ko ng silid ay marahan akong napatawa.
"Ang ganda talaga n'ya kahit galit." Humagikgik ako.
"Bakit nga pala ako pinapatawag ni ama?" Pagtataka ko.
"Patungkol sa kaarawan ng prinsesa, gusto n'yang malaman ang inyong mga suhesyon." Sagot nito.
Dumeretso kami sa silid-kumperensya at narinig ko na ang kalabog sa mesa.
"Ano ang problema, ama?" Tanong ko.
"Nasaan nanaman ang kapatid mo?" Tanong nito sa'kin.
Kibit-balikat ang sagot ko at umupo sa bakanteng upuan, "hindi ko alam, kamahalan."
Napaupo rin naman ito sa kanyang upuan, "hindi ko lubos na malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Farrah at panay lisan sa palasyo." Usal nito.
"Ano ang tinutukoy mong suhestyon, ama?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Kung ano pa ang idadagdag sa kanyang kaarawan." Tugon ni ama.
"Ang sabi ng kanyang katulong ay nag-pagawa na s'ya ng kanyang kasuotan at tapos na n'ya ilista ang kanyang iimbitahan." Sabi ko.
"Iyon naman pala. Titak na mabuti na lamang ay wala s'ya sa pagpupulong na ito dahil pag-iisipan natin ang ireregalo sa kanya." Sabi nito habang nag-iisip nang maigi.
"Kilala ko si Farrah, ayaw n'ya ng regalong walang ka-kwenta-kwenta..." Sabi ko.
Sumang-ayon naman si ama dahil kilala n'ya rin naman si Farrah.
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasíaA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...