Farrah
'I'm fucking sick of this. Bullshits. Bakit hindi na lang nila ako patayin?!'
Pagkatapos ilabas lahat ng kinain ko ay bumalik ako sa malamig na higaan. Walang kahit anong tela na magagamit upang matakpan ang sarili kong balat. Nanlalagkit na ako sa dugo at pawis na natuyo dahil sa kaputanginahan ng prinsipe na iyon.
Dinukot ko sa ilalim ng kama ang patalim na niregalo ni Liam, ang tanging bagay na naitago ko pa. Pero kahit ganoon, hinding hindi ko na tatawagin ang pangalan niya. Tiyak na pandidirian niya rin ang kalagayan ko.
Hindi ko mapigilan ang humikbi at napatingin sa kutsilyo, iyon lamang ang naisip kong paraan upang matapos ang maling desisyon na pinili kong gawin, "kamahalan!"
"T-Theo?"
Binuksan niya ang rehas gamit ang susi, "S-Saan mo nakuha 'yan?" Pagtataka ko.
"Nakuha ko sa isa sa mga kawal nila, kamahalan." Tugon niya. Nang makapasok siya ay agad nyang hinubad ang kaniyang coat at binalot payakap sa akin, "nilalamig ka ba, mahal na prinsesa? huwag kang mag-alala, lulutuan kita ng paborito mong pagkakain at titimplahan kita ng gusto mong inumin pag-uwi natin sa gitnang emperyo." Anito.
Naiyak na lamang ako at niyakap siya nang mahigpit, dahil hindi ko na talaga alam kung may darating pa sa punto ng buhay ko na ito, "salamat... Theo..."
Niyakap niya ako pabalik, "patawad, kamahalan... wala akong nagawa..."
Pinilit kong tumawa, "patawad, narumihan pa kita..."
Nanlumo ang kaniyang mga matang tumingin sa'kin, "hindi, hindi ka marumi, kamahalan. Sila iyon... sila ang marumi. Huwag mong sabihin iyan."
Inalalayan niya akong makatayo, "kaya mo bang makatayo, kamahalan?"
"K-Kaya ko mag-lakad, tara na." Sabi ko. Kailangan din naming kumilos nang mabilis dahil marami ang kawal na nagbabantay sa'kin, hindi ko alam na ganito pala ang plano ni Haru simula't una pa lamang, mali ako ng piniling kontrolin. Tiyak na kapag nalaman nilang nakapasok si Theo ay paparusahan siya ng Prinsipe Haru.
"Kumusta ang pakiramdam mo, kamahalan? Ingat sa paglalakad at baka mapilay ka." Pag-alalay niya sa'kin habang tinatahak ang maliit na bartolina sa kung saan man ang labasan ng lugar na ito. Nakarinig kami ng mga kawal kaya agad naming binilisan.
"Doon! Naroon na ang mga iyon!" Rinig ko pang hiyaw ng isa sa mga kawal.
"Aah! Shit!" Napilay na nga ako, tangina.
"Kamahalan, bubuhatin na kita." Anito sabay buhat sa'kin.
"Patawad, Theo... kung medyo lampa ang kamahalan mo." Sinubukan ko pang magbiro sa oras na iyon ngunit napapagod na rin ako.
Nang makarating kami sa labasan ng bartolina ay may rehas nanamang nakaharang. Walang kandado dahil paangat ang pagbukas nito, ibig sabihin ay kailangan ng malaking lever para sa ganitong uri ng rehas. Mukhang mahihirapan kaming makalabas. Kung kaunti lamang ang mga kawal ay kayang labanan iyon ni Theo ngunit sigurado akong hindi iyon kaunti lamang.
"Narito ang pahigpit. Kamahalan, lumabas ka na." Sabi ni Theo. Nagmatigas ako, "hindi, hangga't hindi ka kasama." Sabi ko.
Napabuntong hininga siya, "wala nang oras, kamahalan..."
Bigla na lamang rumagasa ang aking mga luha dahil ayaw ko nang may mangyaring masama sa iba lalo na sa mga taong 'to, "Theo, paki-usap! Tara na!" Hiyaw ko at nilapitan siya. Hinila niya ang lever at bumukas ang pinto ngunit kapag binitawan niya ito ay bababa ulit ang rehas.
"Kamahalan, may pahigpit sa labas ng rehas, hilain mo upang makalabas din ako." Anito.
Sumang-ayon ako at tumakbo palabas ng rehas. Nasa labas na ako ng palasyo, nalalanghap ko na ulit ang sariwang hangin na dahilan ng biglaang pagdugo ng aking ilong ngunit bigla kong naalala si Theo. Pinunasan ko ang ilong ko at hinanap ang tinutukoy niyang lever.
"Hindi..."
"Theo!" Kinalampag ko ang rehas. Lumapit siya sa'kin at nginitian ako, "Kamahalan, inaantay ka na ng kapatid mo... gustong-gusto ka na niya makita..."
"Theo..." Walang humpay ang pag-iyak ko habang siya naman ay pinupunasan ang aking luha, "sabi mo lulutuan mo ako ng paborito kong pagkain diba? Paki-usap, lumabas ka nang ligtas..."
Nawala ang ngiti niya sa kaniyang labi, "oo naman, pangako."
"Ayoko nang makarinig ng kasinungalingan mo Theo! paki-usap!" Hiyaw ko at hinila ang damit niya. Hinaplos niya ang buhok ko, "mahal kong prinsesa, huwag mong sisihin ang dinadala mo dahil sa pangyayaring ito, maliwanag? ingatan mo ito..."
"Kantahan mo nga ulit ako, kamahalan." Anito sabay pilit na tumawa ngunit lalo lamang niya akong pinapaiyak.
Umiling ako, "tama na, paki-usap... lumabas ka nang ligtas, aantayin kita..." Nanghihina na ang aking mga tuhod.
Umatras siya mula sa'kin nang marinig na namin na palapit na ang mga yapak ng mga sundalo ni Haru, "T-Theo... hindi!" Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya sinubukang pigilan ang mga kawal ngunit hindi niya kakayanin ang dami ng mga ito.
Huling sulyap ko na lamang sa mukha niya ay nung nilingon niya pa ako at nginitian kahit umaagos na ang dugo palabas sa kaniyang bibig habang patuloy pa rin siyang pinapatay ng mga kawal.
"Halika na, Farrah... Hindi na ligtas dito." Agad akong binuhat ni Elias habang tumatakbo siya, "Theo-! Bitawan mo 'ko, Elias! Si Theo nasa loob pa!"
Elias
'Patawad Farrah, patawad...'
Binuhat ko ang prinsesa pasakay sa kabayo at marahang hinampas ang kaniyang leeg upang mawalan ito ng malay, "Kailangan kitang i-uwi ng ligtas." Bulong ko at tinahak ang rutang mas mabilis patungo sa gitnang emperyo.
Hawak ko ang kaniyang ulo gamit ang kaliwang kamay at kanang kamay naman sa taliwala ng kabayo. Hindi ako mapakali dahil sa nararamdamang inis at galit na ginawa sa'yo ng prinsipe na iyon. Patawad kung wala akong nagawa ngunit...
Napayuko ako nang mapadaan kami sa lubak na daan at bigla nanamang sumakit ang tagiliran ko dahil sa saksak ng prinsipe Haru sa paghihimasok ko sa kanila, naparusahan din ako ngunit wala ako sa bartolina kung saan ang prinsesa, nasa labas ako... nasa kulungan ng mga hayop, pinapakain niya ako ng buhay sa mga baboy, bwisit.
"Patawad kamahalan kung hindi komportable ang byahe, kailangan kasi natin magmadali..." Bulong ko, "Patawad, Farrah." Iyan na lamang ang linyang lumabas sa aking bibig pagkatapos makita ang kaniyang kalagayan.
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasíaA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...