66. Scar Devotion

108 5 0
                                    


"Namatay ka talaga nang hindi sinasabi kung sino sila, ano?" Paghaplos ko sa pisnge ni Farrah.

Ilang sandali lamang ay bumalik na kami ni Fergus sa kwarto at inantay ang pagbabalik ni Theo. Habang inaayos ko ang mensahe na ibibigay ko mamaya kay Aifrel ay may naisipan akong itanong kay Fergus.

"Kailan ka babalik sa Romanus?" Tanong ko.

"May babalikan pa kaya ako, Hana?" Tanong niya pabalik.

Napasinghap ako, "pakiusap, huwag mong tatawagin ang pangalan ko... nakakawalang galang ka kasi pakinggan."

Hindi siya tumugon pero alam kong tumatak ang sinabi ko sa kaniyang utak.

May kumatok sa pinto kaya ako na ang tumungo upang pagbuksan ito dahil nagbabakasakali akong si Theo na ito. Ngunit hindi, isang malaking lalaki ang bumati sa'kin. Suot niya ang uniporme ng pang-kawal ngunit may mga peklat sa pisnge pababa sa kaniyang leeg. Talagang nakakatakot din ang ekspresyon niya kaya ako napalunok.

"Kamahalan, pinapadala ito ng mahal na hari upang suotin mo ngayon." Bigay niya ang isang kahon na may kalakihan, narito naman si Fergus at siya na ang tumanggap nito.

"Pakisabi kay ama na pinapasalamatan ko siya." Nasabi ko na lamang bago isara ang pinto. Nilapitan ko si Fergus upang magtanong pero naunahan na niya ako.

"Jace Killian, siya ang kanang kamay ng Haring Solomon. Pinakabatang sundalo na naging kanang kamay ng isang hari." Pakilala niya.

"Bakit ngayon lamang siyang pumarito?" Bulong ko.

"Dahil nasa Ehipto siya. Walang nakapagsasabi kung anong ginagawa niya sa lugar na iyon dahil sila lamang ng hari ang may koneksyon. Pinabalik lamang siya ngayon ng mahal na hari sapagkat siya ang magbabantay nito sa'yo lalo na ngayong kaarawan mo." Paliwanag niya.

Napalunok ako, "in that case, may posibilidad na malaman niya ang pagkatao ko-"

"Madali mo lamang siyang malilinlang, doon ka magaling diba?" Sarkastikong si Fergus.

"Sabagay..." tugon ko. Dumeretso ako sa banyo upang makapag-bihis. Mukhang galing ang bestida na ito kay Sebastian, napakaganda ng tela.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Tiyak na bagay na bagay talaga sa prinsesa ang kulay pula na bestida na ito, "you look gorgeous, Farrah." bulong ko.

Pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan ko si Theo na kararating lamang, "pasensya na Theo pero maaari mo bang ibaba na lamang ang pagkain? Sasabay na lamang ako kay ama."

"Pasensya?" Pagtataka rin nito.

Nanlaki ang mga mata ko, hindi nga pala dapat manlambot si Farrah. Lumapit sa'kin si Fergus, "patawad kamahalan kung nagawa ka pang tanungin pabalik ng kabalyero mo, halina't ihahatid kita sa iyong paroroonan." Inalok pa nito ang kaniyang palad.

"P-Patawad, kamahalan." Sambit ni Theo.

Malugod ko itong tinanggap bago kami lumisan. Humigpit ang hawak ni Fergus sa kamay ko na animo'y galit na galit, "kahit pigain mo 'yang kamay ko, hindi na hihinga ang prinsesa mo." usal ko.

Natauhan siya sa sinabi ko kaya'y niluwagan niya ang pagkakahawak sa'kin. Nang makarating kami sa silid-kainan ay tumungo na agad ako sa tabi ng hari, narito rin ang kanang kamay niyang si Jace. Narito rin pala ang reyna at ang kaniyang dama.

"Ikinagagalak kong makasama ka ulit sa hapag-kainan, mahal kong ina." Pag-ngiti ko sa reyna.

"Maligayang kaarawan, mahal kong prinsesa. Maupo ka na upang makapag-simula ka na sa iyong pagkain." Aniya.

Naupo naman ako sa bakanteng upuan at hinain naman ni Theo ang gusto kong kainin nang makasunod na siya sa amin.

"Nagustuhan mo ba ang regalo kong bestida, prinsesa?" Baling ng hari sa'kin at tumango naman ako, "napaka-komportable at tiyak na malambot ang tela..."

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon