74. Agony

86 0 0
                                    

Liam

"Paanong napunta ang kontrata ni Farrah sa kanluran? Hindi ba't nasa kwarto ko ito?" Pagtataka ko nang makita na sa pahayagan ang isyu ulit ni Farrah.

Sumasakit nanaman ang ulo ko, hindi na matapos-tapos ang impyernong ito. Hangga't hindi pa nagigising si Farrah kailangan ko nang ayusin ang lahat ng ito dahil tiyak na hindi maayos ang kalagayan niya sa ngayon.

Nasa gitnang emperyo pa rin ako, hindi naman ako inaabala ng aking ama dahil nagagawa ko naman ang tungkulin ko kahit wala ako sa silangan. At isa pa, ang mga gawain ko sa silangan ay si Zariyah muna ang kumilos dahil gusto niyang bantayan ko ang prinsesa kung sakaling magising na ito.

Sinilip ko ang prinsesa na mahimbing pa ring natutulog sa kaniyang kama. Pinanood ko ang mga katulong na babae na nililinisan siya sa kaniyang pagtulog, hindi pa rin nawawala ang mga pasa niya sa pulsuhan at sa paanan. Nilapitan ko ito at hinaplos ang kaniyang paanan. 'Patawad Farrah, hindi kita naabutan doon.'

Kung buburahin ko ang timog mula sa limang emperyo ay gagawin ko para sa'yo, Farrah. Ngunit, kailangan pang hanapin ang katawan ng kabalyero mo.

"Kamahalan, mauuna na kami." Pagyuko ng mga katulong at binigyan ko na sila ng permiso na lumisan. Maya-maya'y dumating na rin ang doktor na pinadala ko galing silangan, babaeng doktor.

"Maaari ko na bang simulan?" Tanong niya. Pinsan ni Zariyah ang isang 'to kaya hindi na ako nagtataka na matulis din ang dila niya kapag isang dugong bughaw ang kaniyang katapat. Wala akong balak na ipalaglag ang bata, desisyon ni Farrah ang bagay na iyon. Ang tanging pinag-aalala ko lamang ay ang kaniyang kalagayan at ang buhay sa kaniyang sinapupunan.

"Kailan siya magigising?" Agad kong tanong.

Sinimulan na niya ang kaniyang dapat gawin at sumagot nang hindi lumilingon sa akin, "mag-antay ka. Tatlong araw nang hindi kumakain ang prinsesa, anong ginagawa niyo?" Tanong niya.

"Wala, wala ka namang sinabi kung paano papakainin 'yan, kung pipilitin ko siyang kumain o uminom ng kahit ano... baka lumala lamang ang sitwasyon." Sagot ko. At isa pa, natatakot akong hagkan ang mahal ko dahil baka hindi niya ito magustuhan.

"Mabuti kung ganoon, ngunit, kung hindi pa siya gumising sa loob ng pitong araw... baka makaapekto sa kaniya at sa batang dala niya. Hayaan niyo muna siyang mag-pahinga. Gigising na siya kapag kailangan niyang mag-suka." Paliwanag ng doktor, "sa ngayon, maayos naman ang lagay niya at ang bata... sigurado ka bang wala kang balak patayin ang bata sa loob niya? kaya ko nang gawin ngayon." Aniya.

Umiling ako, "hindi magugustuhan ng mahal ko kung gagawin mo ang bagay na iyan, aantayin ko na lamang siyang magising."

"Kung ganoon, tapos na ang trabaho ko. Mauuna na ako." Paalam niya at iniligpit na ang kaniyang mga kagamitan bago lumisan ng silid.

Lumapit ako kay Farrah at umupo sa tabi ng kama, "pagkagising mo, ihahanda ko ang lahat ng gusto mong kainin... maliwanag?"

"Prinsipe Liam? Si Aifrel ito." Kumatok ang kapatid ng prinsesa bago pumasok, "Kumusta siya? Ano sabi ng doktor?" 

"Kailangan niyang gumising para makakain na siya, hindi iyon maganda para sa kaniya o para sa kaniyang dinadala." Tugon ko.

"Ayos ka lang ba, prinsipe?" Pag-aalala niya.

Tumango ako, "huwag kang mag-alala, inaasikaso ko lamang ang mga isyu na nabuo nitong mga nakaraang araw. Anong balita kay Theo?"

"Hindi pa rin nahahanap, may kalakihan ang bartolina kaya pinaghahanap pa rin ng mga kawal ang katawan niya." Saad niya bago lumapit sa kapatid. "Matanong ko lamang, prinsipe..." Anito sabay lingon sa akin, "may sinabi ba o nakwento ang prinsesa sa'yo patungkol sa kaniyang mga plano?"

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon