Nakarinig kami ng mga pagbagsak ng mga bahay at sigawan ng nga tao sa bayan. Tiningnan ko si Lucien na hindi lamang pinansin ang malalakas na kalabog mula sa bayan."Wala akong maiitutulong doon, Ate Aydehart. Manatili na lamang tayo rito." Anito. Sumang-ayon ako at hindi na lamang din pinansin ang nagaganap dahil abala rin ako sa pag-iisip kung paano gagawan ng paraan ang bayan na ito.
Tumayo ako mula sa buhanginan at pinagpagan ang kasuotan, "sandali lamang, babalik ako." Paalam ko at tumakbo patungong bayan at sinilip kung ano na ang nagaganap.
Nanlaki ang aking nga mata. Nasusunog ang ilang kabahayan, nagpapatayan na ang mga tao, mapa-babae man o lalaki, bata o matanda ay hindi rin pinagbibigyan. Huminga ako nang malalim at bumalik sa dalampasigan.
"Mukhang tama ka nga, mahirap gawan ng paraan ang bagay na ito..." Usal ko at tumabi sa kaniya.
"Ate Aydehart, anong balak mo kung sakaling maaayos mo ang bayan?" Tanong ng paslit.
"Pananatilihin kung ganoon lamang." Tugon ko.
"Wala kang kokontrolin? Wala kang pasusunurin? Wala kang gagawing alipin?" Sunod-sunod na kaniyang katanungan.
Umiling ako, "may mga batas na maitutupad ngunit maging malaya kayo, gawin niyo kung anong gusto niyo o nila subalit panatilihing protektado ang bayan. Kung sakaling magiging pinuno ako, ako mismo ang sasalubong sa mga dayuhan." Paliwanag ko.
"Mukhang maayos ka naman maging pinuno, bakit hindi mo itinuloy sa inyong emperyo?" Pagtataka ng paslit.
"Bilang isang prinsesa o babae, tungkulin ko ang magpakarami. Hindi ko gusto iyon. Tungkulin din namin ang libangin ang ibang mga lalaki, hindi ko gusto iyon." Paliwanag ko, "naaapakan ang pagkababae at karapatan ko bilang isang tao sa palasyo, kaya ako umalis."
"Naiintindihan ko..." Usal niya.
Ilang sandaling pananatili ay naisipan na naming bumalik, "saan kayo nananatili?" Tanong ko.
"Sa ikalawang palapag ng kainan, doon na rin kami nakatira sa mismong kainan." Sagot niya.
Napaisip ako, mukhang delikado kung mananatili sa lugar na iyon lalo na at nanggulo si Elias kanina. Ngunit, kapag naman iniwan nila ang lugar na iyon, may posibilidad na sira na na iyon pag-balik nila.
Napabuntong hininga ako, "Lucien, kaya mo bang gumamit ng armas?"
"Para saan, Ate Aydehart?" Pagtataka ng bata.
"Makinig ka, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya namin o ng iyong ama na protektahan kayo. Mahinhin ang iyong ina at masyado nang matanda ang iyong lolo upang protektahan ka." Paliwanag ko. Agad siyang tumango nang maintindihan niya ang ibig kong sabihin, "kailangan kong matutong protektahan ang aking sarili dahil sarili ko lang din ang maaasahan ko kapag mag-isa na ako."
Tumango ako, "magaling, may angking talino ka nga talaga."
"Ate Aydehart, aalis ka ba agad? Gusto ko matutong gumamit ng mga sandata." Anito.
"Bukas, tuturuan kita. Sikreto lamang natin ito sa iyong ama." Bulong ko at tumango naman siya bilang sang-ayon.
Pagkarating sa kanilang kainan ay nadatnan namin si Elias na papaalis na, "Lucien, pumasok ka na muna roon. Magluluto ako ng hapunan mamaya." Saad ko.
Dumeretso ako kay Elias upang magpaalam, "Mag-iingat ka."
"Sila ang mag-ingat sa'kin." Mayabang na sabi niya habang inihahanda naman ni Lupin ang kaniyang masasakyan.
"Alagaan mo nang mabuti ito, ibalik mo siyang malusog." Hinawakan ni Lupin ang tali ng kabayo at pinasa kay Elias.
"Maraming salamat." Tugon ni Elias at sumakay na sa kabayo, "ikaw ang mag-iingat dito, may katigasan 'yang ulo mo. Babalik agad ako, alam ko namang kaya mong ayusin ang kalagayan dito." Bigay bilin niya at tinapik ang ulo ko.
"Paalam." Sambit ko. Pinanood naming umalis ang kabayo niya bago kami bumalik sa loob ng kainan.
"Sumunod ka sa'kin, Aydehart. Ipapakita ko ang iyong pwesto." Malambing na saad ni Kalina. Sumunod ako sa kaniya paakyat sa hagdan, maganda ang pwesto nila na maaliwalas at malinis.
Pagdating sa pangalawang palapag ay umakyat ulit kami ng hagdan ngunit mas maliit na ang hagdan nito, sa atik ang magiging pwesto ko.
Pagdating sa atik ay nagustuhan ko agad ang pagkakaayos. Ang linis talaga, malaki rin ang ispasyo, "ang ganda, maraming salamat."
"May bintana sa tabi ng iyong kama ngunit nakatapat ito sa likurang bahagi ng kainan, maayos lang ba iyon sa'yo?" Tanong ni Kalina.
Tumango ako dahil hindi naman malaking problema ang bagay na iyon. Lumapit ako sa kama, malambot din at hindi matigas sa likuran. Talagang ang bait ng pamilya na ito.
"Maraming salamat, Kalina." Nasabi ko na lamang sabay yakap sa kaniya.
"Walang anuman. Nasabi ni Lupin na galing ka sa palasyo kaya pasensiya na kung ganito lamang kaliit ang magiging pwesto mo sa ngayon." Aniya. Marahan akong tumawa, "mas gusto ko nga ang pwesto na ito kaysa roon."
"Nasabi niya rin na nagdadalang tao ka kaya ginawa naming malambot ang iyong higaan upang hindi ka mahirapang makatulog. Mahirap magdalang tao sa panahon na ito, masyadong magulo. Pasensiya ka na talaga." Paliwanag niya.
"Huwag kang mag-alala. Matatapos din ang lahat ng ito." Tinapik ko ang kaniyang balikat. Nagpatuloy kami sa pagkikwentuhan hanggang pababa ng hagdan para sa hapunan.
Dahil may nakita akong isda sa kusina ay naisipan kong lutuan na lamang sila ng fish fillet at mashed potato na may gravy. Maraming putahe ang naririto sa kusina, dinagdagan ko pa ng ibang ipinadala sa'kin mula sa Romanus.
Natuwa naman ako dahil nagustuhan nila ang aking gawa, "tutulong din ako sa pagluluto, huwag kayong mag-alala." Marahan akong tumawa.
"Maaari natin 'tong idagdag sa kainan, marami pang isda ang bibilhin ko upang matikman ng iba." Sabi naman ng tatay ni Kalina, sumang-ayon naman ang lahat sa kaniya.
"Kakayanin mo ba, Aydehart? Sabihan mo lamang agad kami." Mahinhin na sambit ni Kalina. Tumango ako bilang sang-ayon, bumaling ang aking mga mata sa katabi kong bata na tahimik lamang.
"Kumusta ang pagkain?" Tanong ko.
"Masarap, ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong luto kaya nakakapanibago." Tugon niya. Nilingon niya ang kaniyang ama, "ama, pupunta ka ba ulit sa silangan?"
"Hindi na muna pansamantala, maraming aasikasuhin dito at may hinihintay pa ang Ate Aydehart mo." Sagot ni Lupin sa kaniya. "May dumaong na mga pirata rito?" Tanong ni Lupin kila Kalina at ang ama ng dalaga na si Leo.
Tumango ang mag-ama, "kaya nagkaroon nanaman ng kaguluhan. Kailangan na talaga gawan ng aksyon ang bayan na ito." Bumaling si Leo sa'kin, "Aydehart, tutulong kami hanggang sa abot ng aming makakaya."
"Maraming salamat, Leo." Pasalamat ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagtulungan kaming magligpit at linisin ang buong kainan bago dumeretso sa aming mga silid, "nasa ikalawang palapag lamang kami, kapag may narinig ka ng kung ano-ano, gisingin mo ako." Paalala ni Lupin. Tumango ako bago umakyat sa pangatlong palapag.
Nagpahinga ako sa malambot na kama ngunit hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung dahil ba sa panibagong higaan, dahil sa mga iniisip ko, o dahil natatakot akong may mangyaring masama habang nakapikit ako. Bumangon ako at binuksan ang bintana, wala akong natatanaw kundi ang mga puno na nasa likuran ng bayan na ito.
Napabuga ako ng hangin bago bumalik sa pagkakahiga at pinilit ang sarili na matulog. Tiyak na bagong kaguluhan nanaman ang kahaharapin bukas.
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasíaA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...