Farrah
Kinabukasan.
Kakagising ko lamang at nandito pa rin ako sa bahay ni Kai. Dahan-dahan akong bumangon dahil na rin sa braso ko.
"Gising ka na." Nagulat ako sa boses ni Kai na nasa harap ko. Seryoso ang mukha n'ya.
"M-Magandang umaga." Bati ko.
Lumapit s'ya at tinanggal ang cloak, "Akala ko ba ayos ka lang?!" Inis na sigaw n'ya. Oh kalma.
"M-Maayos naman talaga ako." Pilit pa akong tumawa. Bumuntong hininga s'ya at niyakap ako. Nagulat ako, "Kapag may nararamdaman kang hindi mabuti'y sabihin mo sa'kin dahil hindi ako manghuhula." Sabi n'ya.
Tiningnan ko ang aking braso na may benda, "Humihingi ako ng tawad at salamat na rin, pinuno." Sabi ko at yumuko sa kanyang tapat.
"P-Pinuno! Narito ang hari at ang kanyang mga tauhan!" Pag-akyat ni Aguni ng hagdan at agad ko naman sinuot ang cloak.
"M-May kasama kang babae sa kwarto mo pinuno?" Pagatataka ni Aguni.
"Anong pakay ng emperyo dito?" Seryosong tanong ni Kai at bumaba.
Si Ama?
Sumilip ako sa bintana at naglilibot na si Theo kasama ang ibang kabalyero. Hindi nga pala ako nag-paalam kagabi.
Nasa isang kulungan si Sasha at tulog naman ang dalawa, "B-Babalikan ko kayo, pangako.." Usal ko bago isuot ang kapuisa at sumunod kila Kai.
"Anong pakay n'yo rito?" Rinig kong tanong ni Kai sa hari. Madami akong kasamang tao kaya tiyak na hindi nila ako napapansin.
"Ang prinsesa." Sagot ni Theo.
"Ang prinsesa lamang ang nagmamay-ari sa itim na kabayo na nasa labas ng iyong bahay, pinuno." Sabi ni Theo at inihanda ang espada.
Kapag talaga nalaman ni Theo na hindi ako ng prinsesa ganyan rin ang mangyayari sa'kin..
"Sabihin mo, nasaan s'ya?" Tanong ng hari.
"Narito!" Sigaw ko. Ayaw ko nang may masaktan pa lalo na si Kai. Kakailanganin s'ya ng bayan.
Lumapit ako sa tabi ni Kai.
"Kamahalan." Lumuhod si Theo sa aking harapan. Lumuhod din naman ako sa tapat nila, "Patawad kung napag-alala ko kayo, mahal na hari."
"Ikaw ang prinsesa?" Pagtataka ni Kai.
Tumango ako, "Kung may nagawa akong kasalanan sa bayan na 'to, humihingi ako ng tawad pinuno."
"Kamahalan, matagal na kitang napatawad ngunit..." binaling n'ya ang kanyang tingin sa mga tao.
Seryoso ang kanilang mga tingin sa'kin at hindi galit. Pasensya na Farrah. Tumapat ako sa mga tao, "Humihingi ako ng tawad sa lahat ng nangyari sa nakaraan."
"Mahal na prinsesa, maipapangako mo ba na hindi na mauulit 'yun?" Tanong ng isa.
Tumayo ako, "Kung mauulit man ang aking ginawa ay buong puso kong tatanggapin ang parusa."
"Bilang ganti sa kasalanan ng emperyo sa nakaraan, magbibigay ako ng kakailanganin n'yo tuwing buwan." Sabi ng hari.
"Mahal na hari salamat sa iyong kabaitan ngunit sapat na po ang pag-respeto at pagsisisi ng prinsesa." Nginitian ako ni Kai.
"Kai, ingatan mo si Sasha." Pagbilin ko at inalalayan naman ako ni Theo patungo sa kalesa.
Kumaway pa ako kay Kai bago umalis ang kalesa na sinasakyan namin ng hari, "Nasa bahay ka ng pinuno?" Tanong ng hari at tumango ako.
"Farrah, anong ginagawa mo sa bayan na 'yun?" Tanong nya ulit.
Mag-dadahilan nanaman ako, "Balak kong pumunta sa bayan upang pasalamatan si Tristan sa binigay n'ya pero dahil sa pag-mamadali ko ay muntik ko nang masagasaan ang pinuno."
"Nga pala, mahal na hari regalo ko ito para sa reyna." Iniabot ko ang kutsilyo, "Hindi ko na nailagay sa kahon dahil nakalimutan ko." Dugtong ko pa.
"Tiyak na magugustuhan ito ng reyna." Pag-ngiti n'ya. Tumingin ulit s'ya ng seryoso sa'kin, "Ngunit, hindi mo naman kailangan mag-sinungaling sa'kin Farrah. Ano ang tunay na pakay mo sa bayan ni Kai?" Tanong n'ya ulit.
Bumuntong hininga ako, "Pupunta nga ako sa bayan para pasalamatan si Tristan."
"Kung papasalamatan mo s'ya ay hindi dapat gabi at hindi ka dapat nagmamadali na para bang may dadalhin ka sa manggagamot." Sambit n'ya. Wala na, nabuking na.
Huminga ako ng malalim bago magsalita, "May pusa na binigay ang kambal sa'kin at sinabihan nila ako na alagaan 'yun.." Sabi ko.
"..Kagabi lamang ay nanghina ang isa at ayokong mawala ang isa sa kanilang tatlo kaya nagmadali akong pumunta sa bayan upang magpasama kila Tristan para sa manggagamot pero tumawid nga si Kai kaya agad kong pinatigil ang kabayo at tumilapon ako." Paliwanag ko.
"Sinabihan n'ya ako na magpahinga muna sa bahay n'ya dahil delikado na kung uuwi ako sa mga oras na 'yun. Ginamot n'ya ang pusa at pinasalamatan ko s'ya sa kanyang kabaitan, ayos na ba Ama?" Pagtapos ko sa aking sinasabi.
"Wala ka namang ginawang masama sa kanya, diba?" Tanong n'ya.
"Hinding-hindi ko gagawin iyon, Ama." Sabi ko.
"Nga pala, naka-usap mo na ang reyna?" Tanong ko. Tumango s'ya, "Papunta rin ako sa mansyon, gusto mo bang sumama?" Pag-yaya n'ya.
"Magpapahinga nalang muna ako sa palasyo natin." Sabi ko.
"Maayos na ba ang lagay ni Theo? Bakit mo s'ya sinama?" Pagtataka ko.
"Hindi ko s'ya inutusan, kusa s'yang kumilos." Sagot n'ya.
Hmm, ok.
Pag-uwi namin sa palasyo ay agad akong bumaba at nag-paalam sa hari, "Mag-iingat ka, Ama." Sabi ko at tumango naman s'ya at nginitian ako.
Tiningnan ko lamang ang kalesa na umalis bago ako tumalikod, "Theo!" Nagulat ako nang bigla s'yang mahulog sa kabayo n'ya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko.
May pasa s'ya sa pisnge. Dumako ang tingin ko sa bandang dibdib n'ya kaya ibinaba ko ang tela mula du'n, "Napagod lang ako kamahalan."
Hindi pasa iyon, "Mag-pahinga ka muna." Sabi ko at inalalayan s'ya patungo sa hardin. Pilit s'yang tumawa, "Bakit dito kamahalan?" Tanong n'ya.
"Dito ka muna." Sabi ko at lumisan para ibalik sa kulungan ang dalawang kabayo.
"Maaari ka bang maghanda ng bimpo at palanggana na may maligamgam na tubig?" Pag-utos ko sa katulong at tumango naman.
Bakit sa hardin ko s'ya dinala? Maganda tanawin dun nakakarelax.
Pagkatapos iabot ng katulong sa'kin ang pinapakuha ko ay bumalik ako sa hardin at idinampi sa pisnge n'ya ang bimpo.
"Anong ginagawa mo sa bayan ni Kai?" Tanong n'ya.
"May pinagamot akong pusa." Sagot ko.
Bumuntong hininga s'ya, "Alam mo naman na bawal ang pusa sa palasyo at paano ka nakarating du'n?" Pagtataka n'ya.
"Nakasalubong ko ang pinuno habang papunta ako sa bayan kung saan sila Julia." Sagot ko. Niluwagan ko ang butones ng suot n'ya at pinunasan ang kanyang dibdib, "Napaka-mahinhin mo naman kamahalan." Sabi n'ya.
"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko.
Marahan s'yang tumawa, "Nakikiliti ako, kamahalan."
"Saan ba galing ang mga pasa na 'to?" Tanong ko. Magsasalita sana s'ya nang unahan ko na, "Hindi pala pasa 'to, diba marka nang pag-halik 'to?"
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasyA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...