36. Spring scene

295 34 3
                                    

Farrah

"Prinsipe Liam—"

Inilapat ko ang hintuturo ko sa aking labi upang ipahiwatig kay Zariyah na pumasok sa pinto na kaunting katahimikan para sa prinsipe.

"P-prinsesa Farrah? anong ginagawa mo rito?" Tanong n'ya.

"Bawal ba akong pumarito?" Tanong ko pabalik.

"H-hindi naman kamahalan, patawad." Pag-yukod ba. Gayunpaman, ipinagtataka ko ang pag-uutal n'ya.

"Anong problema? parang kinakabahan ka ata na makita ako?" Tanong ko.

Umiling s'ya, pumasok sa silid, at marahang isinara ang pinto bago lumapit sa'kin, "kamahalan, alam mo namang pinarusahan ang prinsipe at itinatago iyan mula sa publiko sa ngayon. Kailangan ko pa nga ikalat sa buong emperyo ang isyu at mababalitaan ko na lamang na ikakasal kayo?"

"Ganoon ba talaga kabilis kumalat ang balita? ang pagkakaalam ko ay ang usapan na iyon ay namamagitan lamang sa aming dalawa ni Liam." May halong pagtataka ang aking pagkasabi.

"Nagkakalat ang mga espiya sa palasyo kamahalan. Ginagamit lang naman din nila ang isyu para sa kanilang pansariling benepisyo." Bumaling pa ang mga mata n'ya sa prinsipe sabay irap.

Napatawa ako, "ano naman ang dahilan ng pag-irap mo sa prinsipe?" Tanong ko.

"Ang daming utos, hindi ako binibigyan ng pahinga. Gusto ko na rin idispatsa ang prinsipe na iyan." Reklamo nito.

"Katahimikan dapat ang pinapairal mo at hindi kabadingan."

"Sabi ko na nga ba, tinatyansingan mo lang naman talaga ang prinsesa. Lumayo ka nga sa kanya!" Mataas ang boses ni Zariyah na animo'y matalik silang magkaibigan.

Pumasok sa aking isipan ang sinabi ng Prinsipe Kian. Matalik naman talaga silang magkakaibigan.

Marahan akong napatawa sa kanilang bangayan.

"Anong ibabalita ko sa lahat? ang iba ay naniniwalang wala ka sa palasyo at ang iba naman ay hindi naniniwala." Pagkrus ni Zariyah sa kanyang bisig.

"Hindi mo na kailangang mag-balita, si ama naman ang aasikaso n'yan... ang pinapaasikaso ko sa'yo, tapos mo na?" Pag-liliko ni Liam sa pinag-uusapan.

Tumango si Zariyah, "tiyak na mababaon din sa limot ang isyu ng prinsesa. Wala namang tao ang kayang mangialam sa buhay n'ya maliban sa'yo." Hindi pa tinatapos ni Zariyah ang pang-iinis n'ya kay Liam.

"Para kayong mga bata mag-bangayan." Sabat ko.

"Lumabas ka na nga roon at maghahanda pa kami papunta sa bukal." Pagtataboy ni Liam sa dame.

"Anong bukal— teka— anong gagawin mo sa prinsesa roon?!" Inis na taka ni Zariyah.

"Kalma, kailangan ko lang ibabad ang sugat ko sa paa." Sagot ko sa kanyang pangamba.

"Alam mo Prinsesa Farrah, marami namang iba d'yan, 'wag na 'tong kulang sa pagmamahal." Pag-iwas ni Zariyah sa'kin mula kay Liam.

Hinawakan ako sa balikat ni Liam at inalis ang kamay ng kanyang dama, "tigilan mo na nga iyan dahil sensitibo pa ang nararamdaman ngayon ng prinsesa."

Pinanliitan s'ya ng tingin ni Zariyah, "kapag nalaman kong may nangyari sa inyo roon sa bukal ay sasakalin kita mahal na prinsipe."

"Oo, sige, paalam." Tugon ni Liam sabay taboy kay Zariyah.

"Paalam Prinsesa Farrah." Pag-ngiti nito sa'kin, "tandaan mo ang aking sinabi, prinsipe." Pinandilatan n'ya naman si Liam bago lumisan.

"Halika na upang makapag-pahinga ka na pagkatapos." Anito at umalis sa kama. Inihanda n'ya ang gasera, "hawakan mo ito upang makita ko ang dadaanan." Bilin n'ya.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon