25. Comfort

373 47 16
                                    

Farrah

'Sa wakas! Nakatulog din nang mahimbing at walang panaginip.'

Bumangon ako at tumitig sa bintana. May sinag na ng araw... parang alas nuwebe ng umaga.

Masyado bang napatagal ang tulog ko?

Yung ginawang hapunan ni Theo ay naubos ko rin kagabi, fish fingers yung ginawa n'ya sa isda kaya naubos ko lahat kahit marami iyon.

Kay Liam naman... well may sama pa ako ng loob sa kanya pero hindi na katulad kahapon. Bibisitahin ko na lamang si Kian upang kumustahin s'ya sa hilaga...

Wala akong magagawa, si Liam ang may gawa... si Liam, as in Prince Liam. Hindi ko pa alam ang background ng taong 'to pero kahit gaano pa s'ya ka-gwapo at kalmado sa paligid n'ya... tiyak na may sikreto rin s'ya. 

At tsaka, hindi s'ya umalis sa kwarto hangga't hindi ako natutulog kagabi.

'Akala n'ya siguro easy-to-get ako hmp.' 

Tinampal ko ang nagkabila kong pisnge, "no, hindi ako pwede mag-focus sa isang tao lang..." Usal ko. Kapag ako nag-focus sa kaso ng isang tao tiyak na hindi ko mapapansin ang ibang kalaban.

'Focus sa background ni Farrah... tama.'

Halos manginig ako sa gulat nang may kumalampag sa pintuan ng balcony. Salamin ang pinto ng balcony at nakaharang lamang ang malaki at makapal na kurtina.

Agad akong lumapit doon at hinawi ang kurtina. 

Nadatnan ko si Liam.

'Anong ginagawa n'yan dito? At bakit s'ya nandito?! E, pwede namang sa pinto dumaan?!'

"Anong ginagawa mo rito? Tinakot mo ako alam mo ba 'yon?" Pilit akong tumawa. Binuksan ko naman agad ang pinto.

Agad n'ya ako sinalubong ng yakap, muntik pa ako mawalan ng balanse. Nakapatong ang mukha n'ya sa aking balikat... ramdam na ramdam ko ang pag-hinga n'ya sa leeg ko. Sa leeg ko!

"A-anong kailangan mo? Ang aga-aga pa Liam namb-bwisit ka nanaman." Iritang sabi ko.

Hindi s'ya nag-salita at nanatili lamang sa pag-yakap.

'Anong nangyari sa lalaking 'to?'

Agad din naman s'yang kumawala sa pagkakayakap at lumabas ng balcony at tumalon na ikinagulat ko.

"Liam—"

"Shh." Sabi n'ya at nginisian ako nang pumasok s'ya sa bintana n'ya. Sa kabilang kwarto lamang.

'Anong trip ng bwesit na 'to? G*go.'

"Teka... anong oras ba ang alis ko?" Pag-isip ko.

May kumatok sa pinto kaya agad kong isinara ang balkunahe at dumeretso sa pinto.

"Magandang umaga." Bati ko kay Dom na ikinagulat n'ya. 

"Tiyak na maganda nga ang umaga mo, prinsesa." Pag-ngiti n'ya, "maaari kayong sumunod sa'kin upang makapag-almusal ka na, kamahalan."

Sumunod naman ako sa kanya. Partida, naka-pantulog pa ako. Bestida na pantulog, ganern.

Nakangiti akong nakasunod kay Dom dahil masaya ako sa pagbabalik ko ngayon sa palasyo. Halos tumalon-talon ako sa saya.

Napatigil lamang ako nang marinig ko ang boses ng Haring Grover.

"Ano meron?" Bulong ko kay Dom.

Bumuga s'ya ng hangin, "tiyak na may alitan nanaman ang mag-ama, kamahalan..." anito at itinulak ang malaking pinto.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon