Farrah
"Nabalitaan na sa kanluran ang iyong paggising kaya inihahanda na nila ang kalesa para sa iyong kaso."
Kasalukuyang nasa hardin ako, nagpapahangin, nagmumuni, habang kumakain ng tinapay at umiinom ng tsaa. Hindi pa maayos ang lagay ko mula sa paglason sa'kin at bigla pang hihirit ang kanluran patungkol sa issue ko, jusko.
At isa pa, dahil sa kanluran gaganapin ang korte ay tiyak na maraming kakampi ang Prinsesa Penelope roon at masasabotahe nanaman ako. Ngunit wala akong magagawa, gusto ko malaman ang kanilang layunin.
"Ihanda ang mga gamit ko." Sabi ko kay Fergus. Kasama ko naman si Christienne, Julia, at Aifrel kaya payapa ang lagay ko sa ngayon. Agad na lumisan si Fergus upang gawin ang pinapagawa ko.
"Sigurado ka na ba na tutuloy ka?" Tanong ni Julia.
"Oo naman, huwag kayong mag-alala, magiging maayos na ako sa ngayon. Ikaw, asikasuhin mo ang sarili mo rito, maliwanag?" Paalala ko kay Julia.
"Aifrel, si Liam... patulugin mo muna sa aking pag-alis." Bilin ko. Ibig-sabihin ay kailangan mawalan ng malay mamaya si Liam sa aking pag-alis para hindi na ito mag-wala sa pag-alala lalo na at nasa gitnang emperyo siya at wala sa silangan.
"Tsaa, kamahalan?" Pag-alok ni Christienne at tumango ako bilang kasagutan.
"Nga pala, nasaan si Liam?" Tanong ko. Gusto ko siya hagkan bago ako umalis o makulong.
"Here."
"Saan galing ang mahal ko?" Agad akong tumayo sa aking upuan at sinalubong siya ng yakap, "d-dahan-dahan." Paalala niya pa. Natawa ako sa kaniyang inakto. Agad niya akong binuhat, "kung pupuntahan niyo, nasa kwarto ko lamang." Paalam niya sa iba na ikinatawa ko.
"Saan ka galing?" Tanong ko sa kaniya habang nilalakad niya ako patungo sa hagdan paakyat sa pangalawang palapag.
"Dumaan lamang ako sa silangan upang kumustahin si ama." Tugon niya.
Nakarating kami sa kaniyang kwarto sa pangatlong palapag tsaka niya ako ibinaba nang makarating kami sa kaniyang kama, "nasasabik akong halikan ka, hanggang sa makalimutan mo ang nangyari." Anito.
Pinulupot ko ang aking kamay sa kaniyang batok, "gawin mo, mahal ko."
Marahan siyang tumawa, "gagawin ko, kapag malinis na ako." Anito sabay nakaw ng halik sa aking labi bago niya hubarin ang kaniyang pang-itaas at pumasok sa banyo.
Kung narito lamang si Theo, tiyak na bantay sarado ako ngayon sa kaniya at hindi makakalapit ngayon si Liam. Nakakamiss naman, ang sabi niya pa sa'kin ay dadalhin niya ako sa punong himpilan.
Hindi ko napagtanto na umiiyak nanaman ako nang maalala ang nangyari. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang aking luha, hindi na ako maaaring manghina, ayaw ni Theo na ganoon ako.
Mabubuhay ako para sa kanilang lahat.
Aifrel
"Nasaan ang prinsesa?" Katanungan ni Fergus nang makabalik siya sa hardin dala ang bagahe ni Farrah, "Kasama ang kaniyang kasintahan, sunduin na lamang natin kung parating na ang kalesa ng kanluran."
"Nariyan na ang kalesa nila, kamahalan." Tugon ni Jace na kararating lamang.
"Naparito ka?" Tanong ko.
"Bumisita ako sa Ehipto, kamahalan." Yumuko siya bilang paggalang.
"Kung ganoon ay ihanda na natin ang prinsesa sa kaniyang paglisan." Ani ko. Inantay nila ako na mauna sa paglalakad at lumapit naman ako kay Julia at inilahad ang palad ko, "kaya ko ang sarili ko." Aniya.
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasyA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...