23. Impede

358 46 2
                                    

Farrah

Napabalikwas ako ng bangon nang tila'y bumaliktad ang sikmura ko.

Oh sh*t, susuka na pala ako.

Alam kong hindi na ako aabot sa banyo kaya isinuka ko ito sa sahig, sa tabi ng kama.

"Ew, that's awful... what did you ate?" Kian, nandidiri s'ya pero yung mukha n'ya kalmado lang. May dala s'yang tray na may tela, palanggana na may mainit na tubig, mga halamang gamot at ang pandurog nito, tsaka ang tubig at kutsara.

'Marunong din pala mag-ingles ang lalaking 'to, nakakatakot na tuloy mag-spokening dollars dito.'

"Hindi naman dapat ikaw ang maghahatid n'yan dito, diba?" Pagtataka ko. Si Fergus, Theo, at Julia dapat ang nagsisilbi sa'kin.

He sigh, "oo, kaso yung babaeng nagsisilbi sa'yo ay tila'y wala sa sarili nang malaman n'yang nilalagnat ka." Anito at inilapag sa gilid ng kama ang tray.

Si Kian talaga yung prinsipe na maingat at mahinhin kumilos pero halimaw sa pakikipaglaban. Gayunpaman, mahiyain din s'ya.

Nilubog n'ya ang tela sa palanggana na may tubig. Tiyak na mainit ang tubig na iyon, umuusok pa.

Kinapa ko ang sarili ko, "may lagnat ba ako?" Tanong ko sa sarili.

"Zariyah!"

"Ano nanaman?"

May pumasok na isang dama. Dama ang tawag sa babaeng kabalyero.

Iritang-irita ang babae sa pag-tawag ni Kian.

"Paki-usap, respeto naman. Nga pala, maaari ka bang tumawag ng katulong upang malinis ang kalat dito sa sahig?" Utos ni Kian.

Tumango ang dama bago lumisan.

Bumuntong hininga si Kian, "pag-pasensyahan mo na ang ugali n'ya, kamahalan. May galit talaga iyon sa mundo." Biro n'ya.

Marahan akong tumawa, "sino ba iyon?" Tanong ko.

"S'ya si Zariyah, s'ya ang dama ng Prinsipe Liam. Kung ikaw may Theo, ang Prinsipe Liam naman ay may Zariyah." Pagpapakilala n'ya.

"Malaki talaga ang responsibilidad n'yang mag-bantay ng isang prinsipe na walang sinasanto." Sabi ko nang pabiro.

"Tiyak." Anito at pinigaan ang tela na binabad sa mainit na tubig. Pinatong n'ya ito sa noo ko at pinahiga ako sa kama.

"Magpahinga ka muna, kamahalan. Tatawagin ko lamang ang nagsisilbi sa'yo para naman may makasama ka sa kwarto." Anito at umalis sa kama.

Hinawakan ko ang pulsuhan n'ya, "naabala ba kita?"

Umiling s'ya, "hindi naman, kamahalan. Kailangan mo ba ako?" Tanong n'ya.

"More than I need, Prince Kian... ayos lang naman na manatili ka rito upang bantayan ako." Pag-ngiti ko.

Marahan s'yang tumawa at ngumiti pa sa akin, "kakaiba ka ngayon, kamahalan." Anito at umupo sa kama.

Inilabas n'ya ang halamang gamot at idinurog-durog ito.

"H-hindi ba mapait 'yan?" Tanong ko.

"Gamot ito kaya natural lamang na mapait ang lasa nito, kamahalan." Sabi n'ya. Palangiti talaga ang lalaking 'to.

Inilagay n'ya ang katas ng halamang gamot sa kutsara at ibinigay sa'kin, "sige na kamahalan, inumin mo na."

Nakatapat na sa akin ang kutsara. Nakipagtitigan pa ako sa kutsara dahil hindi ko alam kung kaya ko ang lasa. Dati kasi halos maubos na yung tubig ko ay hindi ko pa nalulunok ang pakening paracetamol.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon