64. For her own good

130 6 0
                                    

"Si Elias, simula ngayon ay maninilbihan na siya sa'kin." Nang makarating sa bayan ay agad ko itong binalita sa mukha ni Theo na tila'y gulat na gulat. Walang nagawa si Theo kundi ngumiti, tiyak na hindi niya pa pagkakatiwalaan ang lalaking ito katulad ng pakikitungo niya kay Fergus.

Nakahanda na ang dalawang kalesa namin. Nasa kabilang kalesa sina Aida at ang dalawang paslit. Magkasama naman kami ni Elias sa kabilang kalesa. Sa mismong gate kami papasok kaya medyo mahaba ang byahe.

"Theodore Aruka, siya ang unang kabalyero ng gitnang emperyo--"

"Alam ko, nakasama ko na siya." Pag-irap ni Elias sa likod ng balabal sa kaniyang mukha.

Bumuntong hininga ako, "Ano pa ba ang kailangan kong ipaliwanag?"

"Kung anong gusto mong gawin ko, kaya kong gawin lahat." Anito.

Tumingin ako sa bintana upang makapag-isip-isip. Ano kaya? Dating kawal ni Liam, hindi kaya sumabog sa galit si Liam kapag nalaman niyang naninilbihan ito sa'kin? Well, kung ganoon yung kaso...

"Kaya mo bang italaga ang buhay mo para sa'kin, Elias?" Baling ko sa kaniya. Nilingon din ako ng mala-karagatan niyang mga mata bago tumugon, "oo, ilalaan ko."

"Sigurado ka? Tumingin ka sa'kin, tandaan mo ang mukha ko, at ang paraan ng pananalita ko. Ako ang pu-protektahan mo, maliwanag? Huwag kang mag-alala sa kapatid mo dahil sisiguraduhin kong ligtas silang dalawa ni Lili." Paliwanag ko.

Bumaba ang tingin nito sa aking labi at dahan-dahang tumango, "kung hindi ka lamang ikakasal sa prinsipe na dapat katakutan, hahalikan kita ngayon."

"Pakiusap, huwag mo nang sabihin ang mga bagay na hindi na dapat sinasabi sa prinsesa." Ani ko at umayos ng upo. Speaking of him, nasaan na ba ang prinsipe na iyon?

Ilang minuto lamang ay nakarating na rin kami sa palasyo, inutusan ko si Aida na siya na lamang mag-ayos kay Elias dahil kilala siya ng mga kawal at ako naman ang umasikaso sa mga paslit. Dinala ko sila sa kwarto kung saan sila Eren.

"Maligayang pagbabalik, kamahalan." Bati ni Eren at lumapit sa'kin bago yumukod bilang paggalang. Nanatili naman sa likuran ko ang dalawang batang babae dahil hindi sila pamilyar sa mga tao lalo na at puro lalaki pa ito.

"Kumusta ang kaibigan niyo? magaling na ba?" Tanong ko. Tumango si Eren at dinala ako sa kaibigan nitong naka-higa sa kama, may mga benda pa rin ang leeg nito.

"Eren, balita ko ay may gusto sa'yo ang pangalawang asawa ng hari... layuan mo ang babaeng ito, maliwanag?" Bilin ko at tumango naman ito bilang sang-ayon.

Nakita ko naman sa labas ng bintana ang iba pa nitong kaibigan na nakikipag-laro sa bata na kasama nila, "Lili, Kaze, makipag-laro muna kayo roon at mag-uusap lamang kami."

Tinanguan ako ng dalawang paslit at tumakbo palabas sa bintana. Nagbilin din ako na mag-ingat sila at medyo mataas ang bintana.

"Kamahalan, maligayang kaarawan." Bati ni Eren. Ngumiti ako at umupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama, "Salamat, natitiyak ko na dadalhan din kayo ng pagkain dito. Nag-iingat na kasi ang hari sa mga posibleng mangyari at hindi ko pa pinapaalam ang tungkol sa inyo kaya mas maiging manatili muna kayo rito."

Yumuko si Eren bilang paggalang, "napaka-buti mo, prinsesa."

"Mag-iingat kayo rito maliwanag? kahit nasa loob lamang kayo ng lugar na ito may mga posibleng mangyayari." Paalala ko.

"Masusunod, kamahalan." Pag-ngiti nito.

Maya-maya'y kumatok sa pintuan si Aida upang ipaalam na tapos nang makapagbihis si Elias.

Pagkalabas ko ay maayos na ang kasuotan ni Elias, ang balabal sa mukha ay pinalitan ng mamahaling tela na humaharang pa rin sa kaniyang mukha.

"Gusto niyang panatilihin ang pagtakip sa kaniyang mukha kaya wala na akong nagawa, kamahalan." Buntong hininga ni Aida pagkatapos yumukod.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon