27. Carelessly

292 37 2
                                    

Farrah

"SANDALI!!!!!"

Tumakbo ako papalayo kay Sebastian habang kami'y nag-eensayo ng espada.

"K-kamahalan-!" Pag-aalala n'ya nang madapa ako at sumubsob ang ulo ko sa damuhan. S'ya si Sebastian Aleřa, isang mayordomo na nagmula sa mansyon ng reyna. Narito s'ya upang i-ensayo ako. Medyo bata pa si Sebastian... siguro kaseng-edad ni ama? Basta ganoon.

Ayon sa bulungan na naririnig ko sa palasyo ay isang sex slave si Sebastian... ng reyna.

At oo, ilang araw pa lamang ng pagbabalik ko sa emperyo ay sinasabon na ako ng reyna... Ngunit may kabaitan din naman s'ya. Minsan, depende, ewan.

Tinulungan ako ni Sebastian tumayo at inayos ang aking kalagayan.

"Ano ka ba, ayos lang ako." Napatawa ako.

"Kamahalan, bakit ka ba takbo nang takbo? Pakikipaglaban ang nilalaro natin at hindi habulan." Anito

"E kasi naman! ang hirap hirap! ang bigat pa sa braso." Pangangalay ko at pinulot ang kahoy na espada.

"Ack- nasugatan ata ang tuhod ko." Ika ika akong naglakad palapit sa malapit na puno. Naka-short ako oo pero hindi maikli dahil bawal sa palasyo, hanggang tuhod ang short at nakasuot ng bestida na hanggang tuhod lang din.

Ang lampa ko kaya ako nasugatan. Ang tanga-tanga lang talaga.

"K-kukuha lamang ako ng paunang lunas, kamahalan. Manatili muna kayo rito.." pag-aalala nito at kumaripas ng takbo papasok sa palasyo.

Hmm...

Namimiss ko na si Aifrel...

Sabi n'ya magbibigay s'ya ng mensahe...

Ayos lang kaya sila? Kumusta kaya ang paglalakbay nila? nakakabit pa kaya ulo ni Aifrel sa leeg n'ya? Hala! Nag-ooverthink ako!

"Hmm, kumusta kaya ang prinsesa namin?"

Napahinga ako nang malalim nang biglang marinig ang boses ni ama. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, wala namang presensya na may tao rito maliban sa'kin.

"Ikaw ba yun?" Tanong ko sa puno at tanging kaluskos lamang ang sagot nito.

'Hala ang tanga mo lang self, malamang puno yan.'

Nakarinig ako ng malakas na pagtawa mula sa likuran ng puno kaya sumilip ako roon. Naroon si ama at Aifrel.

"A-ama?! Nakabalik na kayo agad?!" Gulantang ko at sinalubong s'ya ng yakap.

"Yakap." Pag-nguso ni Aifrel habang nakalapad ang magkabilang bisig.

Napairap ako sabay yapos sa kanya, "parang namayat ka ata?" Pagtataka ni Aifrel habang nakahipo sa bewang ko.

"Grabe ang ensayo ko rito! At saka... bakit parang napaaga ata kayo ng uwi?" Tanong ko pagkatapos kumawala mula sa pagkakayakap.

"Ang totoo ay... hindi natuloy ang paglalakbay dahil simula noong araw na hinatid ka rito ng Prinsipe Liam ay hindi s'ya nakabalik ng silangan, kahit ang bagon na sinasakyan ay wala rin." Paliwanag ni Aifrel.

"May nangyari bang masama sa kanya?" Pagtataka ko. Jusko, kasalanan ko nanaman ba? Kung 'di lang ba naman sumama sa'kin yung mokong na iyon.

'Nakalimutan ko pa ang ipinangako kong tulong para sa Killaro... 'yan puro kasi kalandian ang inatupag these days.'

Ok, set aside muna si Liam at iba pa dahil kaya naman nila ang kani-kanilang mga sarili.

Focus sa Killaro. Tama.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon