8. Trustworthy

889 89 3
                                    

Farrah

"Paano mo naman nasabi, kamahalan?" Tanong n'ya.

"Wag mong ibalik sa'kin ang tanong." Sabi ko.

Huminga muna s'ya ng malalim, "May isa pa akong Prinsesa na binabantayan maliban sa'yo." Sagot n'ya. Eh?! Seriously?

"Kerida ka n'ya?" Tanong ko at tumango s'ya.

Bumuga ako ng hangin, "Sige na magpahinga ka na muna."

Pumasok ako sa palasyo upang makapag-almusal at maligo na din. Hindi ko alam na may mga sex slaves din pala dito.

Aalis na sana ako nang tawagin n'ya ako, "Kamahalan, kantahan mo ulit ako." Sabi n'ya.

Umupo ako sa tabi n'ya, "Lalalalalalalalalalalala~ ah~"

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, nag-aalangan, nag-lilinlangan~ langit at lupa'y ginapang ko na. Ngunit..'di ka pa rin makukuha...." Pagkanta ko.

"Pagpapatuloy ko pa ba?" Tanong ko at nakapikit s'yang tumango.

"Dahan-dahang~ humahakbang~ lumulundag 'yung pusong nang-aahas~" Pagkanta ko ulit, "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, nag-aalangan, nag-lilinlangan~ langit at lupa'y ginapang ko na. Hindi mo pa rin matataya~" Pagpatuloy ko.

"Pag-gising ko... wala na sa tabi... sinundan ko, iyong mga bakas. Nadatnang~ magkahalikan. Dinukot ko'ng...balisong..."

"Lalalalalalalalalalalala~ ah..." Pagtapos ko.

"Ayos na." Sabi ko. Tumingin s'ya sa'kin, "Kapag ba may nakita kang naghahalikan, dudukot ka ng balisong?" Tanong n'ya.

Marahan akong tumawa, "Hindi."

"Bakit?" Pagtataka n'ya.

"Wala naman akong paki-alam sa kanila." Sagot ko.

"Paano kapag ako yung lalaking kahalikan? Bubunot ka ng balisong?" Tanong n'ya ulit. Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa damuhan bago magsalita ulit, "Hindi, alam mo kung bakit?"

Tumingin s'ya sa'kin para marinig ang ang susunod kong sasabihin, "Dahil wala namang tayo." Kinurot ko ang ilong n'ya bago lumisan.

"Mag-pahinga ka." Paalala ko pa bago pumasok sa palasyo. Namimiss ko tuloy yung tatlong kuting, gusto ko bumisita.

Pero kung makikita ko talagang may kahalikan si Theo hindi ako dudukot ng balisong e', 'di ako marunong gumamit no'n. Kutsilyo nalang.

Pero, sino kaya ang Prinsesa na huma-harass kay Theo? Hinaharass din ba ni Farrah si Theo? Mukhang hindi naman diba?

Dumeretso ako sa kwarto ko upang maligo. Ka-kausapin ko rin si Julia dahil mas mapag-kakatiwalaan s'ya kaysa kay Theo.

Nag-bihis ako ng pantalon na itim at magarang blouse. Nag-tali rin ako ng buhok at nag-suot ng boots, dinala ko rin ang espada na nakalagay sa tabi ng kama. 'Di ko alam kung kanino galing 'to dahil nakita ko lang s'ya ngayon lang.

Pag-katapos kong mag-handa ay lumisan na ako, "K-Kamahalan, saan ang punta mo?" Tanong ni Aida.

"Sa bayan lamang." Sagot ko at sumakay sa kabayo, "Mag-iingat kayo at sana 'wag kayong gagabihin." Sabi n'ya at tumango ako.

"Paki-bantayan si Theo, maliwanag? 'Wag n'yong palabasin ng palasyo hangga't hindi ako dumadating." Bilin ko at pinatakbo ang kabayo.

Kailangan ko ng impormasyon tungkol sa mga hindi pamilyar na mga tao. Lalo na ang Prinsesa na tinutukoy ni Theo, mukhang delikado.

Mabilis akong nakarating sa bayan dahil pinatakbo ko ito nang mabilis, "Maligayang pag-babalik." Pag-bati ni Tristan at inalalayan akong bumaba, "Salamat." Sagot ko.

Hinayaan ko s'yang ikulong muna si Levi, "Bakit ka napa-rito, kamahalan?" Tanong n'ya.

"May katanungan lamang ako kay Julia." Sabi ko.

"Nandoon si Julia, nakikita mo 'yung pinto na yun? Naroon s'ya kamahalan." Pag-turo ni Tristan sa isang bar. Ilang beses na ako nakakita ng luma na bar kaya alam ko yun.

Pumasok ako sa loob at alam ko na agad kung nasaan s'ya dahil sa ingay ng bibig n'ya, "Oh sino susunod?!" Tanong n'ya at tumungga ng bote ng alak. Nakikipagbuno s'ya ng braso kasama yung mga lalaking narito din sa bar.

"Ako." Sabi ko.

"Mahal na prinsesa, dito maupo ka." Tumayo s'ya para lamang paupuin ako. Lasing na lasing girl?

Inilapag ko ang aking siko sa mesa upang makipaglaban sa kanya, "Bakit ka naririto kamahalan? Gaganti ka na ba?" Tanong n'ya habang tinutulak ang braso ko upang bumagsak sa mesa.

"Hindi, may katanungan lamang ako." Sagot ko. Maingay ang mga tao kaya hindi nila naririnig ang aming pinag-uusapan.

"Tungkol sa alin?" Pagtataka n'ya.

"Tungkol sa prinsesa, na 'yun." Makahulugang sabi ko at nanlaki naman ang kanyang mga mata at natalo s'yasa laban namin. Natahimik ang paligid dahil sa kanyang pagka-talo.

"May alam ka sa kanya?" Pagtataka ko. Inubos n'ya ang bote ng alak bago ako hinila palabas, "Kayo kayo na nga lang sa emperyo hindi pa kayo magkakila-kilala." Pag-tawa n'ya.

"Gusto ko mag-usap tayo sa lugar kung saan walang makakarinig sa'tin." Sabi ko.

Bumuntong hininga s'ya at hinila ulit ako sa isang eskinita papunta sa isang pinto pababa, "Anong lugar 'to?" Pagtataka ko.

"Lungga ko." Sagot n'ya.

Sumunod ako sa kanya na bumaba at isinara n'ya rin ang pinto nang makababa ako. Bumuga s'ya ng hangin, "Ano ang pag-uusapan?" Tanong n'ya.

"Dederetsuhin na kita." Sabi ko at huminga muna ng malalim bago magsalita, "Hindi ako ang Prinsesa." Sabi ko.

Tiningnan n'ya ako ng may pagtataka, "Huh?"

"Hindi ka ba nag-tataka kung bakit bigla na lamang nag-bago ang ugali ng prinsesa?" Tanong ko.

Umupo s'ya sa upuan, "Bakit mo sinasabi sa'kin 'to?" Tanong n'ya pabalik.

"D-Dahil mukhang mas mapag-kakatiwalaan ka kaysa sa iba." Sabi ko.

Bumuntong hininga s'ya, "Paano kung pinagkalat ko ang sikreto mo sa bayan?" Tanong n'ya ulit.

"Gagawin mo ba 'yun?" Tanong ko pabalik.

Umiling s'ya, "Wala naman akong mapapala kapag namatay ka."

"Ok, so kaya ako nag-tatanong dahil hindi ko pa kabisado ang mga bagay-bagay sa mundong 'to." Sabi ko.

"Hindi ka nag-mula sa mundong 'to?" Pagtataka n'ya ulit.

Huminga ako ng malalim, "Nasa katawan ako ni Farrah pero galing ako sa ibang mundo."

"Kaya pala masarap ka mag-luto." Pag-tawa n'ya.

"Kaya paki-usap sabihin mo na kung sino yung prinsesa na 'yun." Sabi ko.

"Magka-away kayo nu'n. Ang Prinsesa na 'yun ay si Penelope, kung tutuusin mas bata s'ya kaysa sa'yo ng mga...dalawang taon." Panimula n'ya, "May lima s'yang kerida at kasama ang kabalyero mo do'n. Muntikan na nga maging kerida si Tristan mabuti na lamang ay nagtatrabaho na s'ya bilang panday."

"Isa s'yang kalapating mababa ang lipad." Sambit ko.

Tumawa s'ya, "Sang-ayon ako, nga pala kalimutan mo na yung sinabi kong madami kang gina—"

"Shh, nakalimutan ko na nga yun pinaalala mo pa." Sabi ko at tumawa s'ya.

"Ano nang plano mo ngayon?" Tanong n'ya. Bumuga ako nang hangin, "Wala pa naman, hindi ko pa alam ang mukha ng prinsesa na 'yun kaya wala pa akong maisip na plano." Sabi ko.

"Nga pala, baka naman may mga bagay sa mundo mo na pwede mong ibahagi sa'kin." Ngumiti yan at itinaas-baba ang kanyang kilay.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon