44. Illusion

212 25 0
                                    


Farrah

"Sige na mag-almusal na kayo." Sabi ko sa mga bisita.

"K-kamahalan-"

"Bakit Eren?" Mabilis na tanong ko. Alam na n'ya pala na ako ang kinatatakutan n'yang prinsesa.

"Pwede ka bang maka-usap sa labas nang tayo lamang?" Tanong nito at tumango ako. Sumunod ako sa kanya palabas ng silid kainan.

Bumuntong hininga s'ya at yumuko, "humihingi ako ng kapatawaran sa kahangalan naming lahat sa pag-tutol sa paglalakbay mo kanina."

"Humihingi rin ako ng tawad sa pagpaslang ng isa sa iyong kasama, bilang kapalit ay maaari kayong manatili sa palasyo-"

"K-kamahalan, salamat na lamang masyado nang sobra itong inaalok mo." Anito.

"Kapag tinanggihan mo ang alok ko ay parang ayos lang sa'yo na namatay ang kapatid ng paslit na kasama mo." Sabi ko at natahimik naman s'ya. That's what I thought.

"Sige na mag-almusal ka na muna." Sabi ko.

"T-teka, hindi ka ba mag-aalmusal... kamahalan?"

Tiningnan ko ang kamay n'yang nakahawak sa bisig ko. Agad n'ya rin naman itong binitawan at napakamot sa kanyang batok.

"May pupuntahan pa ako, huwag kayong mag-alala, walang gagalaw sa inyo sa loob ng palasyo na ito. At isa pang paalala, kapag may nalaman akong katarantaduhan galing sa inyo o sa mga naninilbihan ay hindi ako magdadalawang isip na isabit ang ulo n'yo sa harapan ng palasyo, maliwanag?" Paalala ko at tinapik ang kanyang balikat.

"M-maliwanag, kamahalan."

Ang suot ko ngayo'y bestida na. Bestida na komportable ako. Pupuntahan ko ang dalawang bayan.

"Kamahalan, nag-bigay ng mensahe ang Jakisha kung makakadalo ka ba sa kanilang pag-pupulong na dapat ang ama mo ang dumalo?" Tanong ni Theo habang ginagabayan ako papasok ng kalesa.

"Ang lakas naman ng loob nilang mag-imbita pagkatapos ng kanilang mga ginawa." Usal ko at inayos ang upo sa loob ng kalesa. Katabi ko kasi s'ya rito.

"Balita ko'y ikakasal na kayo ng prinsipe Liam, tila'y napakabilis ng panahon, kamahalan." Anito.

"Ako ang magdedesisyon kung tatanggapin ko ang proposal n'ya o hindi, kaya wala pang kasal na magaganap... ilalabas ko muna ang dumi nilang lahat." Sambit ko.

'Bakit bigla ko nanaman naalala si Liam...'

'Hindi naman sa umiibig ako sa kanya, kailangan ko lamang siguraduhin na nasa panig ko s'ya.'

"Theo, pag-dating natin sa bayan ni Kai maaari bang iwan mo na muna ako roon?" Tanong ko.

"Kamahalan, delikado kung mag-isa ka lamang." Pag-aalala nito.

"Hindi ako nag-iisa, naririto ang gintuang kutsilyo na handang bumaon sa kung sinong haharang sa dinadaanan ko." Sabi ko.

Bumuntong hininga s'ya, "ngunit, tutuloy ka ba sa pagpupulong?"

Umiling ako, "sunduin mo ako sa kabilang bayan pagkalipas ng isang oras, aasahan ko ang pag-dating mo."

Hindi ako uto-uto upang dumalo sa pagpupulong ng kalaban. Hindi mapapalibutan ang isang katulad ko ng mga mababangis na hayop.

Nang makarating kami sa bayan ni Kai ay bumaba na ako ng kalesa at gayundin si Theo, "mag-iingat ka rito, kamahalan."

Tumango ako, "sige na, paalam."

Inantay ko munang umalis ang kalesa bago suriin ang paligid.

Sa sobrang laki ng pinsala sa bayan ni Kai, ang mga bahay na bumagsak ay malapit nang maging abo ay kaunting ihip na lamang ng hangin ay tiyak na liliparin na ang mga ito.

Kaya pala hinarangan ako ng prinsipe dahil alam n'yang pupunta ako. At isa pa, kinabukasan nun ay dumating din ang prinsesa Penelope sa palasyo ng silangan upang kausapin s'ya... [Chapter 12-13]

Tungkol dito?

Tungkol sa mga plano nila. Bakit kaya desperado silang sirain ang gitnang emperyo?

Natitiyak ko pang si Farrah ang dahilan ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan, ayon sa sinabi ni Kian.

Napakadaling alamin ang mga bagay na ito kung nabibigyan lamang ng pansin.

Wala naman talagang problema ang prinsesa na ito, silang lahat ang problema. Tama naman ang plano kung lumisan sa gitnang emperyo ngunit ito ang pagkakataon nilang sirain ang buong pagmamay-ari ko.

Kailangan ko ng plano...

Kailangan ko ng tulong mula kay Tristan. Pero 'di ko pa alam kung ayos lang ang lagay nila sa kabilang bayan kaya bibisitahin ko sila ngayon.

May kalayuan ang kabilang bayan mula rito. Gayunpaman, dumaan ako sa mas maikling ruta upang makarating nang mas mabilis.

"Babaeng naka-bestidang puti!"

Napalingon ako sa aking likuran habang tumatakbo nang marinig ang boses na iyon. Agad ding napawi ang sama ng loob ko nang makilala ko kung sino iyon.

"Tristan!" Masayang bati ko.

Kasama n'ya si Kai at...

...si Kian?

Naka-sakay sa wheelchair si Kian na gawa sa kahoy.

Alalang-alala akong lumapit sa kanila at lumuhod kay Kian. Sinubukan n'ya pa akong pigilan gamit ang kamay n'ya.

"Anong ginawa n'ya sa'yo?" Tanong ko.

May peklat s'ya sa gilid ng labi at may benda naman ang kanyang kamay.

"Huwag kang mag-alala—"

"S'ya ba ang may kagagawan ng lahat ng ito? Sabihin mo." Putol ko sa kanyang pagsasalita.

"Makinig ka muna, kamahalan. Matalik kaming magkakaibigan ni Liam at hinding-hindi n'ya gagawin ang mga bagay na ito kahit gaano pa kalala ang aming away, nasugatan n'ya lamang ang paa ko dahil sa matinding selos na naramdaman n'ya ngunit ang ibang sugat na ito ay ang mga kawal n'ya ang may gawa... nang hinatid nila ako sa norte." Paliwanag n'ya.

Napayuko ako, "gulong-gulo na ako ngayon, hindi ko lubos malaman kung ano ang tangka ni Liam sa mundong 'to." Usal ko.

"Naparito ako upang tulungan ang dalawang bayan na napinsala, huwag kang mag-alala, ligtas sila sa emperyo ng norte. Ang digmaan ay magsisimula na, paaalalahanan kita na marami ang nasa labas ng emperyo ang makikisali sa gitna ng laban kaya mag-iingat kayo." Anito.

"Hindi rin namin hahayaang may makapasok sa norte, kami ang bahala." Sambit ni Tristan.

"Kumusta si Julia, prinsesa?" Tanong ni Tristan.

"Maayos, sa tingin ko nga'y lumabas na ang kanyang pagkababae." Aniko.

Bumungisngis naman ang binata, "hindi ka tiyak, kamahalan."

"Ikaw Kai, mag-iingat ka rin doon at ingatan mo ang iyong nasasakupan." Paalala ko at niyakap naman ako ni Kai.

"Mag-iingat ka rin, kamahalan..."

"Saan ang punta mo, prinsesa? Hindi ka ba sasabay sa amin?" Tanong ni Kian.

Umiling ako, "kailangan ko pa bumalik sa silangan upang bawian ang mga nanakit sa'yo, maliwanag." May biro sa aking tono ngunit seryoso ako.

"Mag-iingat ka prinsesa!"

"Paalam!" Sabay-sabay nilang sabi. Ngayon ko lamang nasulyapan na ngumiti silang tatlo na animo'y walang problema sa mundo.

Ayaw ko na muling makita iyon kaya tinalikuran ko sila.

Kaso ang ipinagtataka ko, anong ginagawa nila sa gitna ng kalsada? Wala silang sasakyan o kabayo, silang tatlo lamang ang nakita ko sa kawalan...

Paglingon ko pabalik sa gawi nila...

Walang presensya na may tao...

Lamig ng hangin ang tumagos sa suot kong bestida at dumampi sa aking balat.

"Hindi..."

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon