18. Evening

488 64 3
                                    

Farrah

Sumapit na ang dilim at hinayaan ko lamang si Fergus na yumakap sa'kin habang naka-higa kami sa kama.

Tulog s'ya at hinahaplos ko lamang ang kanyang buhok.

Ang nangyari kanina ay....

"K-kamahalan." Gulantang ng lalaki na gumugulpi kay Fergus.

Agad na lumakad si Julia palapit sa kanila at hinawi ang latigo kasabay nang pag-hila ko kay Fergus palapit sa'kin. Hinila ni Julia ang lalaki at tinulak sa tapat ko upang lumuhod.

Dahil sa pang-hihina ni Fergus ay bumagsak ito sa lapag habang katabi ako.

"Ano ang sa tingin n'yo ang inyong ginagawa?" Seryosong tanong ni Julia.

May kasabwat pa na dalawang babae ang lalaki.

Bakas ang takot sa mukha nilang tatlo at bigla pang lumuhod ang dalawa pang babae. Iniyukom ko ang kamao ko, "Theo." Sambit ko.

Agad s'yang lumapit sa'kin at yumuko bilang pag-galang, "parusahan ang mga iyan, ayaw ko silang makakita ng sinag ng araw bukas." Saad ko.

"Julia, tulungan mo muna akong dalhin s'ya sa kwarto ko." Bilin ko kay Julia.

"Wag kang mag-alala kamahalan, kaya ko na 'to." Aniya at binuhat na parang sako si Fergus.

Bahagya akong napangiti sa kanyang kapilyahan.

Bumaling ang tingin ko kay Theo at tinanguan s'ya bago lumabas. Isinara n'ya ang silid kaya napalunok na lamang ako sa maaaring mangyari.

"K-kamahalan!"

"Patawarin mo kami!"

"Hindi na po namin uulitin! Patawad!"

Sigaw ng tatlong nasa loob. Ang sunod ko na lamang na narinig ay ang espada at ang sigawan sa loob.

"S-sorry..." Usal ko sa sarili bago sumunod kay Julia.

So that's the flashback.

Hindi ko pa napapalitan ang suot ni Fergus at hindi pa nagagamot ang kanyang mga sugat.

"Mhmm..." pag-daing n'ya at isiniksik ang ulo sa dibdib ko.

"This kid..." Usal ko.

"Alam mo ba na hindi na bata 'yan? Kaseng-edad lang ni Tristan 'yan." Sabi ni Julia. Muntik ko nang makalimutan na narito s'ya sa loob ng kwarto.

"So kilala mo ang lalaking 'to?" Tinaasan ko ng kilay si Julia.

"Well, oo, kalaro namin s'ya dati." Sabi n'ya habang nakahalukipkip, malamig naman talaga sa mundo na 'to kahit tuwing tanghaling tapat.

"Kumusta naman ang ugali n'ya?" Tanong ko.

"S'ya yung tipong kinaiinggitan ng mga kalaro namin dati. Magaling s'ya sa lahat at mabait din s'ya." Sagot ni Julia.

"Pero isa lamang s'yang ordinaryong tao? Wala s'yang dugong bughaw?" Pag-tataka ko. Ang mga mata ni Fergus kasi ay hindi karaiwan para sa isang ordinaryong tao.

"Wala, ang ganda ng mata n'ya 'no? Parang may lahi s'yang amerikano." Pag-hanga n'ya.

"Baka nga meron! Or baka may sakit s'ya." Bahagya pa akong napatawa sa aking sinabi.

Patuloy kong hinaplos ang buhok ni Fergus nang mapansin ko ang buhok n'ya na malapit sa batok n'ya...

...white blonde hair?

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon