Julia
"Julia? Parating na ang Prinsipe Aifrel kaya mag-handa ka na."
"E? Teka! Kumakain pa ako!" Dahilan ko at isinalpak sa aking bibig ang tinapay na nasa kamay kong 'di pa nauubos.
"Bakit parang nine-nerbyus ka ata?" Pagtataka ko kay Theo, "at nasaan si Fergus?"
"Nasa labas na si Fergus at inaabangan ang prinsipe. Pinapahanap kayong dalawa ng prinsipe kaya ako naparito. Hindi ko alam ang biglaang pag-uwi n'ya at ayon sa mensahe n'ya ay galit s'ya." Paliwanag nito.
'Teka, hindi naman kami hinahanap dahil sa sikreto ng prinsesa diba?'
"Ang prinsesa?" Tanong ko.
"Hindi ko pa alam, abangan na lamang natin ang kanilang pagbabalik." Anito at tumalikod.
Inayos ko ang aking sarili bago sumunod sa kanya. Ano nanaman kaya ang problemang mangyayari. Kapag ganito ang kilos ng mga tao sa kaharian ay tiyak na may nangyari sa kanilang mga amo, kumusta na kaya si Farrah? sana naman walang masamang nangyari sa babaeng iyon.
"TUMABI KAYONG LAHAT! NASAAN SI JULIA?!"
Hindi pa kami nakakalabas ng palasyo ay nagwawala na ang prinsipe. Ano nanamang problema nito sa'kin?
'At bakit ako ang hinahanap nito?!'
"Ano?"
"Tsk." Hinila n'ya kami ni Fergus na patungo sa kwarto ng prinsesa.
"Kingina." Sambit nito at binitawan kami tsaka s'ya dumapa sa kama na parang talunan.
Tinrangka ko ang pinto at siniguradong walang makakarinig sa amin.
"Anong nangyari?" Panimula ko.
"Nawawala si Farrah."
"Ano?!" Sabay naming hiyaw ni Fergus.
"Sugatan ako dahil sa pagharap ko kay Adam at sa alagad n'ya, nagpahinga lamang ako sa palasyo nang ilang mga araw at pag-gising ko ay nabalitaan ko ang pagkawala n'ya, bwisit." Paliwanag n'ya.
"Wala manlang ba s'yang iniwang kahit anong bakas na baka umalis lamang s'ya-"
"Wala! Alam ng prinsipe ng silangan na ang magaling na alagad ni Adam ang may salarin." Pagputol nito sa salita ni Fergus.
"Paano kayo nakakasiguro na alagad ni Adam iyon?" Tanong ko.
"Dahil nakatuon ang mga kalaban kay Farrah, tiyak na walang kamuwang-muwang si Farrah sa nangyayari sa kanyang paligid." Sinabunutan nito ang kanyang sarili.
"Ang Prinsipe Liam? Gumagawa ba ng paraan?" Tanong ko.
Umiling s'ya, "nagwawala s'ya at kanina ay muntik na n'yang masaksak ang ama niya kaya ikinulong muna s'ya sa bartolina para na rin sa kaligtasan ng lahat."
"At bakit n'ya naman gagawin iyon?" Pagtataka ni Fergus.
"Dahil kay Farrah, sa maikling panahon lamang ay nag-sama na ang dalawa at kitang-kita ko naman na masaya sila sa isa't isa kaya alam ko ang nararamdaman ng Prinsipe Liam na nahumaling sa kapatid ko." Paliwanag ng prinsipe.
"Bakit? Nahumaling ka na ba kay Farrah?" Sarkastikong biro ko.
"Kapatid ko s'ya at oo mahal na mahal ko s'ya at hanggang doon lang yun... sa iba ako nahuhumaling." Anito.
"Magk-kwentuhan na lang ba tayo tungkol sa pagkahumaling sa isa't isa o pupunta ng silangan upang kausapin ang prinsipe?" Tanong ni Fergus.
"Naku, ang Prinsipe Liam? Hindi mo mapapakalma yun. Sarili n'ya ngang tatay hindi s'ya napakalma." Sambit ko.
Bumuntong hininga ang prinsipe, "hindi ko lubos malaman kung ano ang gagawin ko..."
Biglang may kumatok sa pintuan na ikinadahilan ng aming katahimikan.
"Sino ang nariyan?" Tanong ng prinsipe.
Walang sumagot at kumatok ulit ng apat na beses.
Napabalikwas ng bangon ang prinsipe at inayos ang kanyang sarili bago pumunta sa pinto upang buksan ito.
"Pagpupulong sa kwarto ng may kwarto?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang reyna at agad na napayukod, "k-kamahalan.."
'A-Anong ginagawa n'ya rito?'
"I-Ina-"
"Si Farrah?" Tanong ulit ng reyna. Hindi kami nakasagot ni Fergus dahil hindi naman kami binibigyan ng permiso upang magsalita.
"M-Mahal na reyna, mensahe mula sa silangan na dapat ay para sa prinsipe." Sumulpot si Theo habang naka-yukod sa reyna.
Kalmadong tinanggap ng reyna ang sobre at binuksan ito. Pinanood lamang namin s'yang nagbabasa ng mensahe.
"At sino namang magtatangkang dumakip sa prinsesa ko?" Tanong ng reyna at iniabot ang sobre sa prinsipe.
"Ang mga alagad ni Adam." Sagot ng prinsipe.
Hindi na bumigkas ng salita ng reyna at naglakad na palayo.
Nakahinga kami nang maluwag nang matanaw namin s'yang medyo malayo na.
"Nakakatakot talaga ang presensya ng reyna." Sambit ni Fergus.
"Kung sakaling aalis kayo ngayon, mag-iingat kayo mahal na prinsipe... gayundin sa inyo Fergus at Julia." Alala ni Theo at sumunod sa reyna.
"Dapat siguro'y pumunta tayo sa silangan at maghanap ng mga bakas ng prinsesa o kung sino man ang dumakip sa kanya, tiyak akong mayroong bakas na ganoon." Sabi ko. Palaging paalala sa'kin ni Farrah ang mga bakas na 'to. Hindi man galing sa kanya, tiyak sa kalaban ay mayroong naiwan.
Napatingin kami sa prinsipe na tila'y nagulat sa binasa n'yang sulat.
"Anong sabi?" Tanong ko.
"Nakawala ang Prinsipe Liam sa bartolina at natagpuang wala nang buhay ang dalawang kawal na nagbabantay sa kaniya." Paliwanag nito.
Dahil sa kuryosidad ay napatingin din ako sa sulat at oo nga, sinabi roon.
"Sino naman ang nagpadala ng sulat na 'to?" Taka ko.
"Ang kanyang dama, si Zariyah." Sagot n'ya.
'Si Zariyah... nahuhumaling ako sa babaeng iyon, bukod sa maganda ay matalino at matapang din s'ya.'
'Napakagandang nilalang.' Napangiti ako habang pinapantasya ang dama. Pinitik naman bigla ng prinsipe ang noo ko, "Mukha kang katawa-tawa sa itsura mo riyan, umayos ka nga." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano pa ang hinihintay natin? Tara na at huwag na tayo magsayang ng oras." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasyA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...