Zariyah
"Saan ka pupunta?"
"Magpapahangin."
Hindi pa ako tapos kausapin ng Prinsipe Liam patungkol sa isyu-- o ang dapat kong sabihin ay Haring Liam. Sa loob ng anim na taon na pagiging hari ay hindi pa rin ako sanay sa pag-tawag sa kaniya ng ganoon, hindi naman karespe-respeto ang lalaking ito.
"Wala bang balak bumalik si Christienne dito? kailangan mapanatili ang kaligtasan mo lalo na sa pagkain." Sambit ko. Hindi niya ako nilingon, patuloy siya sa pagsusulat bago sumagot sa aking sinabi, "mas kailangan siya ni Aifrel doon, dahil sa food poisoning na nagaganap sa gitnang emperyo ay baka manganib ang buhay ng reyna at ang prinsesa nila."
"Si Felicity...? Pitong taong gulang..." Usal ko, "Wala ka bang balak humanap ng reyna o magka-anak?" Tanong ko. Dito na niya binitawan ang panulat at napatigil sa kaniyang ginagawa. Mukhang hindi pa nga niya nakakalimutan ang kaniyang prinsesa.
"Wala na si Farrah, maghanap ka na ng bagong reyna... kailangan iyon sa emperyo mo." Sabi ko. Alam niyang nagiging sarkastiko lamang ako ngunit dahil patungkol kay Farrah ang pinag-uusapan namin, tiyak na mainit nanaman ang kaniyang ulo.
Huminga siya nang malalim upang mapigilan ang kaniyang galit, "gusto ko siya makita, buhay man siya o hindi. Ano ba ang iniisip ng babaeng iyon..."
"Aalis na ako." Paalam ko bago isara ang kaniyang kwarto. Hindi ko alam kung ano ang mas pinag-aalala ni Liam, yung prinsesa niya ba o yung babaeng may pulang buhok na dumali sa kaniya sa Palasio Rangya. Puro romansa.
Sa naganap na kaarawan ng Prinsesa Farrah noon, kapansin-pansin ang pamilya ng Karucia. Kasama nila ang kanilang prinsipe, nakadalo pa sa Talimuwang Mangingibig ng prinsesa. Nakaka-intriga, bakit nila tinatago?
Hindi ako mahilig mag-aksaya ng oras at tinahak ang papunta sa kanilang kaharian, tago na kaharian, maliit na palasyo na napapalibutan ng matataas na puno. Matalino, gusto ng dating Prinsesa Farrah na mag-karoon siya ng koneksyon sa Karucia upang ang mga nililikhang isyu patungkol sa kaniya ay kaya niyang baguhin ang mga isyu na ayaw niyang ipagkalat sa publiko.
"Lupin, sigurado ka na narito na tayo?"
Agad akong nag-tago sa likuran ng puno nang may nakarating na bagon. Dalawang taong nakasuot ng kapuisa at natitiyak kong babae ang isa sa kanila. Naglapit ang dalawa at nagbulungan kaya hindi ko na narinig ang kanilang usapan ngunit nagawa nilang makapasok sa loob ng palasyo, pinapasok sila.
Ilang oras din akong nag-antay upang lumabas ang dalawa. Nang makalabas sila'y inatake ko ang babae. Maling ideya, agad niyang hinila ang kamay ko papalapit sa kaniya at tinutukan ang leeg ko ng punyal. Nakita ko ang kinang ng punyal, gawa sa pulang diyamante. Isang tao lamang ang kilala kong may ganiyang punyal.
Inuntog ko ang ulo ko mula sa kaniya upang makawala. Inalis ng lalaki ang nakatakip sa kaniyang ulo at pinakalma kaming dalawa, "tama na, Lacrucia.." bulong niya sa babae at nilingon ako, "wala kaming balak lumikha ng gulo, ano ang iyong kailangan?"
Tinuro ko ang punyal ng babae, "una, saan mo nakuha ang punyal na iyan?"
"Hiram."
"Prinsesa Farrah?"
"Aydehart."
"Aydehart?"
"M-Masyado kang madaldal, tara na." Tinakpan ng lalaki ang bibig nito at tinulak patungo sa kanilang bagon. Pinigilan ko sila, "sandali."
"Gusto kong malaman, kumusta si Aydehart?" Kaswal na tanong ko, maaaring makumbinsi ko sila. Nag-palit ng pangalan si Farrah, naiintindihan ko. Kaya pala hindi siya mahanap ng Haring Liam.
"Hiniram ko 'to mula sa kaniyang puntod." Sabi ng babae sabay ngisi. Alam niyang nagsisinungaling ako, "sabihin mo, sino ka? ano ang ginagawa mo rito? magmakaawa ka, baka sabihin ko agad."
"Lacrucia, tara na--"
Wala akong nagawa, kusang bumagsak ang tuhod ko sa kalupaan at nagmakaawa, "Z-Zariyah, nag-mula sa silangan. Napadaan lamang--"
Inalis niya ang nakatakip sa ulo ko sabay tawa, "sabi na nga ba, ang kanang kamay ng silangang emperyo. Narito ka para sa prinsipe hindi ba? Wala siya sa loob, gumagala sa silangan, naghahanap ng susunod na biktima."
"Totoo ang sinasabi ni Lacrucia. Tinatanong mo kung maayos lamang si Aydehart? Bumisita kami rito upang ibalita ang kaniyang pag-panaw mula sa pag-lason." Dugtong ng lalaki.
Sinungaling...
Hindi maaari...
"Hindi-"
"Tara na Lupin, sayang oras."
Umalis na ang bagon nila at naiwan naman akong nakaluhod sa kalupaan, iniisip kung may katotohanan ang kanilang mga sinabi.
Lacrucia
"Ang daldal mo."
"Alam mo bang gusto ko mapangasawa ang babaeng iyon?"
Nilingon ako ni Lupin nang sabihin ko iyon, "may gusto ka sa babae?"
"Anong akala mo sa'kin? Si Elias magugustuhan ko? gumuho na lamang ang mundo kaysa ligawan ang lalaking gagong iyon." Pag-irap ko, pinapantasya ang pag-luhod ni Zariyah. "Ang sarap niya siguro sa kama."
"Dahan-dahanin mo nga ang iyong pananalita." Saway ni Lupin.
"Mabuti nga at hindi ako nakilala, magkasama kami noong nag-eensayo pa ako, buti nga at naging kanang kamay siya ng hari. Kung hindi pinatalsik si Elias sa pwesto niya, sigurado akong asawa ko na siya ngayon." Marahan akong tumawa. Tiningnan ko ang punyal ni Aydehart, "maganda rin naman si Aydehart pero grabe si Zariyah, gusto ko makita ang mga peklat niya sa buong katawan, hahalikan ko pa isa-isa."
"Maaari bang huwag mo nang banggitin ang mga iniisip mo sa ulo, kinikilabutan kasi ako."
Sinamaan ko ng tingin si Lupin, hindi na lamang makisabay.
"Huwag kang umasa na makikisabay ako." Tugon niya, "nga pala, anong ginagawa mo sa Ehipto kung sa silangan ka nagt-trabaho?"
"Naakusahan ako sa bagay na hindi ko ginawa kaya ayan, pinalayas din ako." Tugon ko. Kumuha ako ng diyaryo upang basahin. Mukhang nagkakagulo nga sa gitnang emperyo, "sa tingin mo, Lupin... may balak din kayang bumalik si Aydehart sa gitnang emperyo?"
"Desisyon na niya iyon."
"Paano ang Ehipto kung sakali?"
"..."
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasiA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...