83. synergistic

77 0 0
                                    


"Huling luto mo na pala ito rito." Saad ni Galo habang nag-aalmusal.

"Hindi kaya, magluluto pa kaya ako bukas." Tugon ko.

Sakto namang dumating na si Lupin kaya inaya namin siyang kumain, "kain!"

Tinuruan ko sila na kapag may taong dumaan o dumating ay ayain nilang kumain tanda ng paggalang.

"Sige, salamat. Aydehart, pasok sa loob... mag-usap tayo." Tugon naman ni Lupin.

Napatayo ako sa kinauupuan ko habang nag aalmusal kasama ang iba bago sumunod sa kaniya sa loob ng bahay. Nagmadali siyang umakyat sa ikalawang palapag, "mag-impake ka na." Sabi niya.

"A-Anong minamadali mo?" Pagtataka ko.

"Ang mga kawal papunta rito at hinahanap ka. Sabihin mo, anong ginawa mo sa Palasio Rangya?" Tanong niya.

'Hinahanap ako ni Liam? Napansin niya ba ang kulay ng buhok ko kahit madilim?'

"Anong ganapan dito?" Sumingit si Lai sa usapan.

Napabuga ng hangin si Lupin, "nakipag-kita ka sa prinsipe? Hindi ba't sabi mo lalayo ka sa kanila? Ano ba talaga?"

"Lupin, pinayagan ko siyang pumunta roon kasama si Galo. Hindi naman alam ni Aydehart na naroon din ang prinsipe." Pinagtanggol ako ni Lai kahit alam niya rin namang ako ang may mali ngayon.

"Manatili muna kayo rito, ikukulong ko na lamang siya muna sa atik kapag may dumating na mga kawal mamaya, huwag kang mag-alala." Anito sabay tapik sa balikat ni Lupin, napabuga ng hininga si Lupin bago lumabas.

Si Lai naman ang lumapit at umupo sa tabi ko, "umamin ka nga, may naganap sa inyo ng prinsipe?"

Nagulantang ako sa kaniyang katanungan dahil mabilis niyang nalaman, "paano mo nalaman?"

"Hindi ka hahanapin ng prinsipe nang ganun-ganun lamang, tiyak na may atraso ka sa kaniya o may nangyari sa inyo. Hindi niya naman nalaman na ikaw ang prinsesa niya diba?" Tugon ni Lai.

Tumango ako, "ngunit, paano kung ibang babae ang umamin na sila iyon?"

"Mabuti, matatago mo na ang namagitan sa inyo. At isa pa, tiyak na mababatid naman ng prinsipe kung sino iyon at hindi." He scoff, "ano? Mananatili ka nanaman dito para sa posibleng pagdadalang tao mo?"

"Mukhang ganoon na nga, patawad." Usal ko.

"Huwag ka sa'kin humingi ng tawad, suyuin mo yung isa doon mamaya." Anito.

Narinig naming dumating na ang mga kawal kaya sinilip ni Lai ang bintana, "sige na, manatili ka sa atik." Anito at hinatid ako sa maliit na pinto paakyat sa atik, pumatong siya sa upuan at binuhat ako paakyat sa atik, "huwag kang mag-iingay dito." Bilin niya. Tumango ako bilang tugon.

Elias

"Anong meron?" Tanong ko kay Lai nang lumabas siya ng bahay at sinalubong ang mga kawal. Mukhang baguhan ang mga kawal dahil hindi nila ako nakilala, mabuti.

"Hinahanap si Aydehart." Tugon ni Lai.

"Dahil sa kautusan ng Prinsipe Liam na ipahanap ang isang babae, may karapatan kami upang manghimasok sa bawat tahanan." Sambit ng kawal at ipinakita sa taumbayan ang kasulatan ng prinsipe.

'Ano nanaman atraso ng babaeng iyon? Tunay na trahedya ang dulot talaga niya...' Napabuga ako ng hangin at pinanood lamang namin ang mga kawal na halughugin isa-isa ang mga bahay.

"Nasaan si Aydehart?" Tanong ko.

"Nasa ligtas na lugar, huwag kang mag-alala." Tugon ni Lai.

Nang pumasok ang mga kawal sa loob ng bahay ay laking gulat namin nang dakpin nila si Lupin.

"Ito ang magnanakaw ng silangan. Dito pala nagtatago." Sambit ng isang guwardya at tinulak si Lupin papunta sa harapan namin.

"Kung sino man ang mga kasabwat sa pag-tangkang pagtago sa magnanakaw na 'to ay mapaparusahan ayon sa batas." Paliwanag ng kawal.

Hindi nag-atubili si Lai na magboluntaryo, "ako, ako ang may ari ng bahay kaya ako ang maaaring masangkot dito."

'Ang saya naman nito.'

Dumako ako sa harapan, "ako." Nginisian ko ang doktor, "pasensiya na."

Ang ibang tao'y nagboluntaryo rin, pati ang mga bata. Natawa ako dahil sa kanilang inakto.

"Akala niyo biruan lamang ito? Dakpin ang mga iyan!" Hiyaw ng kawal at hinanda ang kanilang mga espada.

Hindi pa sila nakakalapit ay may umatake nang pagpana sa kanila bilang babala. Humagikgik ako, "huwag na huwag niyo siyang gagalitin."

Lumabas si Aydehart sa kaniyang pinagtataguan, walang suot na balabal o kapuisa, kitang-kita ang buhok niyang mapula na ipinaghahanap ng mga kabalyero, "ikaw..." Sambit ng isa sa kanila.

"Ayon din sa batas, hindi maaaring dumakip ang mga kawal nang walang pahintulot na nag-mula sa nakatataas. Ako ang hinahanap ng prinsipe niyo at hindi ang mga taong ito. Dahil sa pagkakamali niyong iyan, kayo ang dapat parusahan dito." Mahabang saad ni Aydehart at tinutukan ang mga kawal ng kaniyang pana, "pagbigyan niyo ang bayan na ito at pagbibigyan nila kayo sa inyong kahangalan, bakit hindi na lamang kayo tumalikod at magbulag-bulagan pabalik sa palasyo? Hindi ba't doon kayo magaling?"

"Anong ginagawa mo? Pumasok ka roon sa loob." Pinagsabihan siya ni Lai. Hinila ko si Lai palayo sa kaniya upang hindi niya ito ma-sagabal.

"Kumalma ka lamang, inaasikaso na nga niya ito. Hayaan mo siya." Bulong ko sa doktor.

Naputulan ng dila ang mga kawal at tila wala sa sariling napasunod sa kautusan ni Aydehart paalis sa bayan.

"Lupin..." sinubukang tulungan ni Aydehart si Lupin ngunit tinabig ni Lupin ang kaniyang kamay na animo'y may alitan ang dalawa.

"Anong meron sa dalawang iyon?" Pagtataka ko.

"Away magkapatid, sinusuyo pa yan ni Aydehart kaya bigyan mo muna sila ng oras at libangin mo ang mga bata roon dahil tiyak na natakot sila sa kaganapan na nangyari ngayon." Bilin ng doktor kaya sumang-ayon ako sa kaniyang kagustuhan.

Aydehart

"Lupin... saglit lang naman—"

"Mag-imapake ka na roon." Utos niya. Taas naman ng pride nito, parang babae. Hinabol ko siya hanggang makarating kami sa aming bagon.

"Pasensiya na... kung matigas ang ulo ko, patawad. Gusto ko lang naman hagkan ang mahal ko sa huling pagkakataon. Hindi na ako muling babalik doon." Paliwanag ko.

Napabuga siya ng hangin, "hindi ko alam kung gagawin mo ba 'yang sinasabi mo, palagi ka namang pinagsasabihan. Ang tigas talaga ng ulo mo."

"Patawad." Napayuko ako.

"Hindi lahat madadaan mo sa pag-hingi ng tawad, Aydehart..." Anito, "... lutuan mo ako ng almusal doon."

"U-Uh, oo naman, syempre..." Gulantang ko at tumalikod nang tawagin niya ulit ako kaya agad akong lumapit sa kaniya, "may naganap?" Tanong niya sabay sulyap sa tiyan ko.

Marahan akong tumango. Niyakap niya ako sabay sabing, "maligayang pagbati kung ganoon." Pagtapik niya sa aking ulo.

"Salamat, Lupin." Tugon ko.

"Salamat din sa katapangan na sumbatan ang mga kawal kanina." Anito.

"Maliit na bagay." Marahan akong tumawa bago nagpaalam sa kaniya upang bumalik kila Lai upang makapagluto.

'Ayos nang bilang lamang sa daliri ko ang nakakaalam ng tungkol dito, upang mas kilala ko ang mga dapat kong patayin kapag kumalat ang bagay na ito.'

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon