"Kamahalan, nariyan na ang mga bisita..."Kasalukuyang nasa throne hall kaming pamilya nang biglang pumasok ang mayordomo ng gitnang emperyo.
Hindi pa kami nag-kausap ni ama kaya halata naman na may samaan pa kami ng loob.
"Papasukin." Utos ng hari.
Tumayo ako mula sa trono, "pupuntahan ko lamang ang silid ng sayawan." Paalam ko.
"Manatili ka lamang diyan hangga't wala pa rito ang kanang kamay kong pinuruhan mo." Pinagsabihan niya ako.
"Kasalanan ko bang walang kakayahan ang kabalyero mo." Usal ko at siniko naman agad ako ni Aifrel dahil sa aking sinabi.
Pumasok sa silid ang hari mula sa kanluran at ang anak nito kasama naman nila ang mga taga-timog. Talagang magkakampi ang dalawang demonyong ito.
"Maligayang kaarawan, kamahalan." Pagbati ni Shin. May katabi siya, isang lalaking hindi pamilyar sa aking mga mata. Parang wala naman akong nabasa na may kapatid si Shin.
"Sino ang lalaking iyan?" Tanong ko sa katabi ko.
"Isa sa mga prinsipe ng timog. Ang panganay ng Haring Bhen, si Haru." Bulong niya pabalik sa akin.
Naiyukom ko ang aking kamao. Hindi ko nga kilala ang lalaking ito, hindi ko siya maaaring lapitan. Tsk, Paanong hindi ko kilala ang kapatid ni Shin pero ang sikretong prinsipe ng Karucia alam ko.
"Mauuna na ako. Kailangan ko pang ayusin ang sarili ko para sa mga bisita ng hari." Sambit ko sabay lingon kay ama. Iinisin ko talaga ang hari na ito hanggang sa mapikon siya, "pahintulot na makaalis, mahal na hari." Pagyukod ko.
Bumuntong hininga ito, "maaari ka nang umalis."
"Saan ka patungo?" Nakasalubong ko si Jace na pabalik sa tabi ni ama. Hinila ko naman siya paalis doon, "bantayan mo 'ko."
"Kailangan ako ng hari ngayon. At isa pa, tatlo ang kabalyero mo." Pigil niya.
Bumuntong hininga ako, "sabagay..." Usal ko at nauna nang maglakad. Sinulyapan ko pa itong nagmadali na pumunta sa hall bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
Ayoko munang maka-usap si Penelope kaya kahit nakita ko siya kanina roon sa hall ay wala akong paki-alam, akala niya ba nakalimutan ko 'yang mga ginawa nila sa bayan, mga walang awa.
"Ramdam na ramdam ko pagdadabog mo mula rito." Nakasalubong ko si Elias. Yumukod siya sa tapat ko at hinalikan ang likuran ng aking palad, "napakaganda mo sa pula, kamahalan."
"Salamat, ihatid mo ako ngayon sa silid kung saan gaganapin ang kasiyahan, gusto ko masiguradong maayos ang lahat." Ani ko.
"Masusunod, kamahalan." Anito at nag-simula nang maglakad.
May katahimikan naman sa pasilyo na tinatahak namin kaya kinausap ko siya, "narito na ang prinsesa ng kanluran, hindi ko matanaw sa kaniyang mata ang kasiyahan na gusto kong makita."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Pagtataka ni Elias.
"Inaasahan ko ang matatalim niyang mata katulad nang kinumpronta niya ako noong nasa silangan kami. Tila ngayo'y may kaba sa kaniyang mga mata, parang may tinatagong sikreto na ayaw niyang malaman ko." Paliwanag ko sa kaniya.
Napangisi siya at marahang tumawa, "malaking kasiyahan at rebelasyon ang magaganap mamaya. Aabangan ko ito."
"At isa pa, narito ang dalawang prinsipe ng timog. Si Shin lang naman ang inimbita ko pero inimbita ata ng hari ang panganay na prinsipe." Pagsabi ko sa kaniya. Halos bumagal siya sa paglalakad ngunit agad din na sumabay sa'kin.
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasyA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...