FarrahPagkarating na pagkarating ko sa bayan nila Tristan ay natagpuan ko ang katawan ni Kai sa fountain sa tapat mismo ng simbahan.
Naliligo sa sarili nitong dugo at may nakabaon pang espada sa kanyang dibdib.
Katulad sa bayan ni Kai, halos sunog ang kapaligiran at ang mga katawan ay nagkalat sa paligid.
"TANGINA!"
Tumakbo ako papalapit sa katawan ni Kai ngunit malamig na ang katawan nito. Wala manlang akong nagawa.
"Kai... patawad..." Usal ko. Nangilid ang luha ko dahil sa sakit na aking nadarama.
"Kung alam ko lamang na huling yakap mo na iyon, sana hinigpitan ko na." Pag-kausap ko sa kanya.
Si Tristan?
Marahan akong tumayo bago tumakbo papunta sa bahay nila Tristan. Naka-dapa ito sa lapag at hindi matagpuan ang kanyang magkabilang braso.
"Bwesit, bwesit... BWESIT KAYONG LAHAT!" Hiyaw ko at napa-upo na lamang sa lapag.
"Kung dinala ko lamang sila sa palasyo... kung binigyan ko lamang sila ng pansin... wala sanang ganitong mangyayari..." Usal ko.
Halos gusto kong sumigaw, sabunutan ang aking sarili, patayin ang dapat patayin ngunit 'di ko magawa. Hindi dapat pinapairal ang galit ngayon.
"Ipaghihiganti ko kayong lahat, pangako iyan..." Usal ko.
Binalikan ko si Kai at marahang hinila ang espada mula sa kanya, "patawad Kai, gusto ko lang ibaon sa lalamunan nila ang sarili nilang gamit." Bulong ko at hinalikan ito sa pisnge.
Kinaladkad ko ang espada palabas ng bayan. Iniangat ko ito ay nakita ang simbolo ng kanlurang emperyo.
"Uunahin kita, Haring Thomas..."
Julia
"Ano? May balita na ba? Nakapag-bigay na ba ng mensahe ang prinsesa?" Tanong ni Aifrel nang pumasok sa kwarto.
Nanatili lamang ako sa kwarto dahil hindi ako makampante kung ano na ang mangyayari kay Hana at sa pinsan ko.
Kakarating n'ya lamang galing sa pagpupulong nila ng hari at ng duke. Ang prinsipe Liam? Nawalan ng malay nang hampasin ko ang kanyang leeg.
Kailangan n'yang mawalan ng malay upang hindi hanapin ang prinsesa dahil tiyak na mag-wawala nanaman ang halimaw na iyon.
Nasaan nga pala ang dama ng prinsipe? Hindi ko na nakikita sa palasyo.
"Julia!"
Natauhan ako sa kanyang pag-tawag.
"O-oh, wala pa..." Sagot ko at bumuga ng hangin.
"May bumabagabag ba sa iyong isipan?" Tanong nito sa'kin. May lambing sa kanyang tono.
Dinidistansya ko na nga ang sarili ko sa lalaking 'to at s'ya naman itong lapit nang lapit.
"Lubayan mo nga ako, oo na nahalikan mo na ako, hindi naman malaking bagay iyon kaya kung maaari tantanan mo na ako." Sabi ko at akmang lalabas ng pinto nang hilain n'ya ako.
"Prinsipe, hindi ako magdadalawang isip na paduguin iyang nguso mo." Pag-babanta ko.
Muli,
Hinalikan nanaman ako ng gunggong na prinsipe na ito. Sinampal ko s'ya nang malakas, sasampalin ko sana s'ya ulit nang may pumasok bigla ng pinto at natulak pa ako.
"P-patawad, nasa ibaba ang prinsesa." Si Fergus na tila'y takot na takot.
Napagtanto ko ang pwesto namin ni Aifrel. Naka-akap s'ya sa akin habang pinoprotektahan ang ulo ko mula sa pagkabagsak namin.
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasíaA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...