90. Manifesto (Time Skip)

90 0 0
                                    

This is a rush version of four months to six years progress of Aydehart's plan in Ehipto.

"Nagustuhan mo ba?"

Sa wakas, natapos na ang lungga ko. Sa tulong nina Lupin, Leo, Elias, at ang mga taong sinama ni Elias upang mabuo ang mansion. Sa loob ng apat na buwan natapos nila ang trabaho, "nakakahanga..."

"Maraming salamat sa inyo..." Sambit ko. Bilang pasasalamat, nanatili sila sa mansion hanggang sa araw ng pag-alis ng ibang mga kasama ni Elias. Ako rin mismo ang umasikaso sa mga kinain nila. Gusto ko malakas ang enerhiya nila bago umuwi sa norte.

Ilang linggo rin sila nanatili bago lumisan. Sina Lupin at ang pamilya nito ay piniling manatili sa kanilang kainan kaya kami lamang ang tao ni Elias sa mansyon.

"Elias..."

"Binibini...?"

Habang nag-susulat sa lamesa ko. Tinawag ko siya upang makisuyo, "kailangan ko ng kaliwang kamay."

"Kaliwang kamay...?" Pagtataka niya.

"Hindi sapat na ikaw lamang ang kasama ko o ang magbabantay sa'kin, Elias. Kailangan ko pa ng isa, isang mamamatay tao mula rito sa Ehipto." Ani ko. Mukhang nakuha niya naman ang gusto kong iparating kaya agad siyang umalis.

Nagpatuloy ako sa pag-susulat. Sinusulat ko ang mga nasimulan ko na sa plano, kung ano ang takbo nito, kung ano pa ang mga kasunod na gagawin. Ginagawan ko rin ng kasulatan si Lai patungkol sa pag-bubuntis ko, siya lamang ang napapagkatiwalaan ko patungkol dito.

Napahawak ako sa aking noo. Dumadalas na rin ang pag-sakit ng ulo sa kadahilanang hindi ko alam, sinama ko na rin ito sa kasulatan para kay Lai. Lalo na at baka makakasama pa sa akin.

Lumabas ako upang magpahangin pagkatapos. Sa dalampasigan ang punta ko kapag sumasakit ang ulo ko o nakakaramdam ng inis at kalungkutan, "totoo nga ang sinabi ni Kalina, mahirap mag-dalang tao kapag wala rito ang asawa mo..." napabuga ako ng hangin.

"Kalungkutan pa rin ang bumabagabag sa iyo?"

Nilingon ko ang nag-salita, sumabay sa korte ng labi nito ang peklat sa pisngi nang ngumiti siya. Kagagawan ko ang bagay na iyon, "patuloy ka pa rin sa pag-eensayo?"

Pinaglaruan niya ang hawak na espada na binigay sa kaniya ni Elias. Masaya siyang tumango, "tama ang desisyon ko na magpatuloy sa pag-eensayo na pumapasailalim sa iyo. Tama ang mga sinabi mo."

"Lucien, magaling ka nang gumamit ng espada. Ang ayaw ko lamang mangyari ay... matulad ka sa'kin, sa amin." Ani ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad-lakad sa buhanginan.

"Alam ko naman na may dahilan ang iyong mga plano, Ate Aydehart. Kung maaaring mapa-sama naman ang mga plano ko... maniniwala ka ba na may dahilan din ako?" Bumaling siya sa'kin.

Tumingala ako sa kalangitan, nag-iisip kung ano nanamang kapahamakan ang mangyayari. Patuloy ang paggamit ko sa mga lalaking 'to dahil nap-protektahan nila ako ngunit, ang sakit pala isipin ng mga maaaring kahihinatnan, "tama ka, lahat tayo may dahilan. Ngunit, isa lamang ang tatandaan mo Lucien... hindi ka maaaring mamatay."

Itinabi niya ang espada sa kaniyang tagiliran at sinulyapan ang tiyan ko, "lumalaki na ang tiyan mo, Ate Aydehart."

Tumango ako, "madalas na ring sumasakit ang likuran ko, kaya kailangan ko ng matinding pahinga."

"Ano ang magiging pangalan ng iyong anak?"

Dahil sa kaniyang katanungan, napag-isip-isip na rin ako kung ano ang maaari kong gamitin na pangalan. "Atticus kung lalaki at tatawagin ko siya sa palayaw na Ace, Jiayi naman kung babae at tatawagin ko sa palayaw na Lucky."

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon