16. Doubt

457 62 2
                                    

Farrah

"Nga pala, matutuloy pa rin ba ang plano mo, kamahalan?" Tanong ni Kai.

Umiling ako, "ayusin muna natin ang bayan mo dahil baka hindi lamang ang bayan mo ang masusunog." Makahulugang sambit ko.

"Kamahalan, ang iyong kaligtasan ay aking responsibilidad din." Aniya.

Napapikit na lamang ako. Bakit ba ang tigas ng ulo ng lalaking 'to. Dapat sinisigawan ko na 'to ngayon.

"Kai, may kabalyero na pumoprotekta sa'kin kaya maaari bang mag-pahinga ka na muna kahit ilang araw lamang?" Saad ko.

Napayuko s'ya, "hindi ko lang matanggap ang natamo mo dahil sa'kin kamahalan nang muli tayong nag-kita noon. Hindi ko akalain na papansinin mo ulit ako." Pag-ngiti n'ya.

Tinutukoy n'ya ba yung gabi na tumilapon ako sa kabayo? May away din pala sila ni Farrah.

Biglang pumasok sa aking isipan na baka napapansin na ako ni Kai dahil sa pag-babago ni Farrah. Baka napapansin na n'ya na hindi ako ang tunay na prinsesa...

Agad akong napatayo nang wala sa oras, "u-uh, pupuntahan ko lamang si Julia." Paalam ko.

"Ngayon na agad kamahalan?" Tanong n'ya na may pag-kadismaya sa kanyang mga mata.

Alam kong mabait ka Kai pero kailangan ko munang umiwas hangga't hindi ko pa lubusang kilala ang katawan na 'to, kulang pa ang impormasyon ni Julia kaya ako na lamang ang aalam.

Tumango ako, "babalik ako pinuno, mag-pahinga ka lamang dito, o-ok?" Paalala ko pa, mabilis akong yumuko bilang pag-galang, at mabilis na kumaripas ng takbo na tila'y hindi naka-suot ng bestida.

"Bakit ba kasi nagpahalata ka pa..." Usal ko sa aking sarili habang naglalakad papasok ng kaharian.

Paakyat na ako ng hagdan nang mabitin ang pag-hakbang ko kaya napapikit na lamang ako habang inaantay na bumagsak.

Katangahan talaga ang unang pairalin, jusko.

"Eh?" Pagtataka ko dahil parang naka-lutang ang katawan ko.

May humapit sa bewang ko, "S-salamat." Sabi ko. Grabehan na ang katangahan mo sis. Agad akong nag-patuloy sa pag-lalakad.

"S-Sandali kamahalan!" Pag-tawag n'ya sa'kin. Naaninag ko ang gwapo n'yang mukha. Wala s'yang suot na kahit anong senyales na mataas ang ranggo n'ya.

"Hindi mo ba ako kailangan?" Tanong n'ya. Kailangan sa alin? Wait, isa ba s'ya sa mga kerida ni Farrah?

Jeez.

"Hindi." Mabilisang sagot ko.

"K-kamahalan, maayos na ang pakiramdam ko." Anito. Ano ba ang tinutukoy n'ya?!

Agh!!

Isang hamak na karaniwang tao lamang s'ya, at wala namang nabanggit si Liam na may isang kerida si Farrah na commoner.

At isa pa! Ang gwapo n'ya para maging isang kerida! Natural na itim ang buhok, asul ang mga mata, maputla ang kulay, at sakto lamang ang kapayatan n'ya. But, mas payat talaga s'ya kaysa kila Theo na malalaki ang mga katawan.

"Sumunod ka sa'kin." Aniko.

Sumunod naman s'ya sa'kin. Dumeretso ako kwarto ko at ni-lock ang pinto.

Umupo ako sa kama at lumuhod naman sa tapat ko ang lalaki. Paano ko kaya makikilala ang lalaking 'to?

"Hmm, saan ka nanggaling ulit? Gusto ko ulitin kung paano tayo nagka-kilala." Sarkastikong mapang-akit ang tono ko upang ilarawan si Farrah. Kung ganoon nga ba talaga ang prinsesa na yun. -,-

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon