12. In-love

762 89 2
                                    

Farrah

"Paalam."

"Salamat sa pag-dalo."

"Hanggang sa muli kamahalan." Yumuko ako sa hari bago lumisan ng palasyo. Kakatapos lamang ng kasiyahan at kahit may kaunting kaguluhan kanina ay nagpatuloy pa rin sila sa pag-saya.

Ako rin naman nag-simula ng gulo. -,-

Pagka-pasok namin sa kalesa ay agad akong tumingin sa mag-pinsan, "So Julia anong nangyari kanina?" Taas ang kaliwang kilay kong tanong.

Pasimple n'yang siniko si Tristan, "A-Ano kasi, kamahalan.." Kamot batok na saad ni Tristan.

Huminga nang malalim si Julia bago mag-salita, "May babae kasi na natumba sa harapan ni insan tapos tinulungan n'ya at nung ngumiti yung maganda at cute na dalaga ay bigla na lamang nag-banyo 'to." Baling n'ya kay Tristan.

"Sensitive." Sabi ko.

"Agree." Sang-ayon ni Julia.

"W-Wag nga kayo mag-salita ng ganyang lenggwahe, hindi ko kayo maintindihan." Sabi ni Tristan.

Tumawa si Julia, "Sabi sa'yo insan humanap ka na ng mapapangasawa mo, sige ka pag-lagpas mo ng bente singko gurang ka na."

"Nga pala, Julia ilang taon na si Farrah?" Bulong ko.

"Dalawampu', kamahalan." Sagot n'ya.

Tumango-tango ako, "Ikaw at si Tristan?" Tanong ko ulit.

"Bente dos ako at bente kwatro s'ya." Sagot n'ya.

"Ikaw Julia, kailan ka mag-hahanap ng nobyo mo?" Tanong ko naman. Natahimik si Julia, "Hindi pa nga ako sigurado kung lalaki aasawahin ko." Kamot batok n'yang sagot.

Napatawa ako, "halata naman."

"Pero, hindi na rin pala masama ang mag-suot ng bestida at humawak ng espada." Sabi n'ya.

"Kasi kung hindi mo pa alam, kamahalan. Hindi pwede humawak ng espada o makipaglaban ang mga babae. Kaya ayun, gusto ko makipaglaban kaya ako nag-aastang lalaki." Tumawa s'ya pag-katapos bigkasin ang huling salita.

"Sabagay, kapag talaga abala ka sa gusto mong matupad makakalimutan mo talaga mag-hanap ng kukumpleto sa buhay mo." Sabi ko.

"Ikaw naman kamahalan, may napupusuan ka na ba?" Tanong ni Tristan.

Umiling ako, "Wala ngayon pero baka mag-kakaroon din."

"At kamahalan, napansin ko lang na halos ikaw ang bukambibig ng mga binatang kabalyero sa palasyo na 'yun kanina." Sabi ni Julia.

Bumuntong hininga ako, "Parang ngayon lang nakalabas si Farrah." Bulong ko.

Tumawa s'ya, "Tuwing kasiyahan kasi, lalaki lang hanap ng dating prinsesa." Sagot n'ya.

"Ang importante, pumapag-ibig na si Tristan." Pag-iiba ko ng usapan. Baka marinig ni Tristan bulungan namin e.

"B-Bakit napunta naman sa'kin 'yung usapan?" Pag-iwas n'ya ng tingin at bumaling sa bintana ng kalesa.

"Kunyari ka pa, sino ba 'yun insan? Mukhang bigatin 'yon tsaka maganda." Panunukso ni Julia.

"Parang munting dukesa 'ata ang nahumaling mo insan. Naks, ang gwapo naman n'yan." Pag-patuloy pa ni Julia.

"A-Ano ba, para kang timang." Pag-saway naman sa kanya ng kanyang pinsan.

Hindi ko mapigilang matawa sa ginagawa nila, "Ganito pala kayo mag-tuksuhan."

"Ang prinsesa namin nag-iisa nanaman." Biro ni Julia, "Mahal na prinsesa pwede ba kaming bumisita ulit sa palasyo mo?" Dugtong n'ya.

"Bakit hindi? Mukhang maganda naman ang naisip mo." Sang-ayon ko.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon