"Napakaganda naman ng babaeng ito. Nga pala, nakahanda na yung trono mo, naroon na rin ang mga regalo galing sa mga bisita."
Kasalukuyang inaayusan ako ng mga katulong nang pumasok ang kapatid ko upang ibalita iyon, "makakadalo si Julia?' Tanong ko.
"Oo naman, narito naman ako at si Fergus aalalay din naman sa kaniya." Sambit ni Aifrel at lumapit sa'kin, "bagay na bagay talaga ang pula sa'yo. Dadalo ba ang kasintahan mo?"
Napabuntong hininga ako, "wala akong balita kay Liam. Ngunit, nagpadala na ako ng mensahe sa silangan."
"Mabuti naman, baka sakaling makahabol ka... hindi imbitado ang silangan sa kaarawan mo tiyak na alam ni ama ang namamagitan sa inyo." Sabi niya.
"Tiyak, nakakainis lamang na kailangan kong sundin ang lahat ng habilin niya kahit kaya ko naman palakasin ang gitnang emperyo nang hindi nakikipag-isang dibdib sa iba't ibang lalaki." Makahulugang ani ako.
Pagkatapos akong ayusan ay sabay-sabay na kaming lumabas ng silid kung saan sinalubong ako ng mga kabalyero upang ligtas akong makarating sa kasiyahan. Inaasahan ko talagang makakadalo si Liam ngunit mukhang hindi ito mangyayari sa ngayon.
"Maligayang kaarawan."
"Maligayang kaarawan, kamahalan."
"Maligayang kaarawan, mahal na prinsesa."
Pagdating sa kasiyahan ay ngiti ng mga tao ang bumungad sa'kin, kilalang mga tao kumbaga. Pinanood nila akong umakyat sa hagdan hanggang sa makaupo ako sa trono na pinapalibutan ng mga regalo mula sa kanila, "ikinalulugod kong makita kayong lahat sa aking kaarawan." Saad ko.
Lumapit ang hari sa'kin, "simulan na ang kasiyahan!" Hiyaw niya para sa mga tao kaya nagsimula na silang mag-saya.
"Ikaw din, mahal na prinsesa. Samahan mo na roon ang reyna." Nginitian ako ni Jace habang katabi niya si ama. Bumaba ako ng hagdan upang sumama sa kasiyahan. Sinimulan na rin ni Theo ang mga palaro na nirequest ko kaya ako na lamang ang nanood.
Habang nanonood kami ng palaro ay napansin ko ang kasuotan ni Leonor na sobrang daming diyamante sa buong bestida, "Anong klaseng kasuotan iyan?"
"Dinaig pa ang kung sinong may kaarawan." Uminom ng wine si Aifrel at siniko naman siya ni Julia.
"Hindi niya ba alam na kaarawan mo ang ganap at hindi kapaskuhan." Sambit ni Chrishen na ikinatawa ng lahat. Natawa rin naman ako sa biro niya.
Pagkatapos ng mga laro ay lumapit si Theo sa'kin na ikinagulat ko, "magsisimula na ang talimuwang mangingibig." Anito.
"B-Bakit ako?" Gulantang ko na ikinatawa niya, "dahil kaarawan mo, kamahalan."
Iniwan niya ako nang makatayo lamang ako roon sa gitna at pinalibutan ako ng mga lalaking naka-maskara.
May unang lumapit upang isayaw ako, "maligayang kaarawan, kamahalan." Anito. Pamilyar ang boses niya kaya tinanaw ko ang kaniyang labi.
"S-Sebastian?" Napangiti ako nang makasayaw ko ang duke ng Asther, "ano ang ginagawa mo rito? Dapat ikaw ang sinasayaw at hindi yung ikaw ang mananayaw."
Napatawa siya, "kung maaari lamang maging malaya, bakit hindi?"
"Kasama mo ba ang iyong kasintahan?" Bulong ko.
Marahan siyang tumango kaya napangiti ako, "kasama ko rin si Doña Cintia, siya ang naghahanda ng magandang kwalidad ng inumin sa iyong kasiyahan."
"Maraming salamat at nakadalo kayo, mukhang may susunod nang mananayaw." Ani ko.
Nakalahad ang kamay ng isang mananayaw kaya tinanggap ko ito. Hindi naman kami masyadong nakapag-usap dahil hindi naman siya nag-salita, ngunit ang ingat niyang humawak sa'kin kaya walang naging problema.
BINABASA MO ANG
Center Empire Princess
FantasyA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...