A/N: As I said earlier, this book will deal with mature themes. This is a part of Andie's character, marami siyang "red flag" actions. Let's see how the course of the events will change her life.
"Andie, sama ka sa amin mamayang gabi! Pupunta tayo sa disco!"
Kakagaling ko lang sa aking klase ngayong hapon. Agad akong tumigil sa paglalakad at napalingon nang marinig ko ang aking pangalan. Humahangos na lumapit ang aking best friend na si Demie. Nang nasa tabi na niya ako ay napahawak siya sa kanyang dibdib habang naghahabol ng hininga.
"Easy ka lang, masyado ka yatang excited sa balita mo." Humawak ako sa kanyang braso at gumilid kami sa may hallway. Hinayaan ko muna siyang magbuntong-hininga at nang makapagsalita na ito, itinuloy na niya ang balita.
"May nagpa-reserve sa grupo natin sa Hot Lights Disco sa Malate. They're going to throw a party for you tonight." A knowing smile crept up on Demie's shiny pink lips.
"Baka April Fool lang ito ngayong Lunes," ika ko. Inaya ko na siyang maglakad papunta sa isang secluded part ng hallway kung saan pwede maupo sa may marble benches.
"Hindi ah!" Napaupo si Demie sa gilid at tumabi ako sa kanya. "Alam nating lahat how boring your debut party was last night," she snickered. It's true, Demie was one of my 18 candles.
"Sinabi mo pa!" Natawa ako. "Kung ikaw nasa kalagayan ko, baka nag-walk out ka na! Siyempre para iyon sa mga kamag-anak namin at mga business partners ni Daddy."
"Hay, rich girl problems," Demie rolled her eyes at me and I can't help but laugh out loud. "Pangalan mo pa lang, dalawa na! Adie sa inyo, tapos Andie dito sa school! Daming problema ah!"
"Paano ba naman, mispronounced kasi ang Adie mula high school, kaya ako naging Andie! At parang sinabi mo di ka mayaman, Demetria! You're an Alfaro, one of the pioneer families in the shipping industry!"
"Kunwari ka pa! Ikaw nga itong nakapag-Hong Kong at Japan noong Christmas break! Kami nasa mansion lang!" Pinalo tuloy ni Demie ang aking braso.
"Huwag kang galawgaw diyan, baka masita ka ng Lola mo na Chinese at sabihing magpakahinhin ka!" Biro ko.
My friend finally let out a hearty laugh. "Hindi mo talaga nalimutan ang lola ko na iyon!"
"Sobrang istrikta! Dumalaw lang ako sa inyo one time, sinamaan na ako ng tingin!" Tuluyan na rin akong natawa. "Kung lumakad daw ako, parang may susugurin!"
Kapwa na lang kami natawa ng aking kaibigan.
Pwera biro, mas "old rich" na maituturing ang pamilya nila Demetria "Demie" Alfaro kaysa sa aming mga Miranda. Kilala sila for shipping and trade dito sa Pilipinas. May lahi silang Espanyol mula sa kanyang ama at Chinese naman mula sa kanyang ina. Which explains why Demie has fair skin, dark hair, and mixed Spanish-Chinese features.
Sa aking pamilya, dominante ang pagkakaroon ng lahing Kastila. Pinanganak na may-kaya si Mommy ngunit namatay ang kanyang mga magulang noong gyera. Nagtrabaho siya sa boutique nila Daddy bilang sekretarya at doon nangyari ang kanilang pag-iibigan.
BINABASA MO ANG
Memento
أدب تاريخيWATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday routine of a department store staff and deal with her growing pains during the mid-1980s. *** Set in...